Sa nalalapit na pagtatapos ng ABS-CBN primetime series na Tayong Dalawa, pinag-uusapan ngayon ang love scene nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na napanood sa ganitong kasensitibong eksena ang magka-loveteam na nadiskubre sa Pinoy Big Brother Teen Edition.
Simula na ba ito ng pagtanggap ni Kim ng mature at daring roles, lalo't marami na sa mga kapanabayan niya ang gumagawa na rin ng ganitong klaseng roles?
"Kaunti, kasi hindi naman puwede na puro pa-cute. I also need to grow as an actress. Three years na rin ako sa showbiz. Kumbaga, para maiba naman. Open ako, pero hindi lagi kasi baka naman maging sexy star na ako! Basta maganda yung kuwento, maganda yung kapupuntahan. Tingnan natin basta papayag si Mr. M [Johnny Manahan, head of Star Magic]," sabi ni Kim nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)
Aminado si Kim na sobra siyang kinabahan at matagal-tagal din munang pangungumbinsi ang ginawa sa kanya ng production staff bago siya napapayag na gawin ang love scene nila ni Gerald sa Tayong Dalawa.
"Nung una kasi, parang nagho-hold back ako. Sabi sa akin, 'Kim, halata.' So inulit namin. Gawin ko raw na suwabe. Mag-asawa kami dito, hindi naman ako rereypin ni Gerald.
"Bago gawin itong eksenang ito, sabi ko sa direktor namin [Ruel Bayani], 'Paano ko gagawin ito na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko? Paano ba yun?' May pinapanood siya sa aking movie, ganun lang daw, hindi naman masyadong X-rated. Sabi ko nga, 'Hindi ko pinangarap maging X-rated, 'no!' Sabi ni Direk [Ruel], huwag daw akong mag-alala, tutulungan daw niya ako," lahad ng 19-year-old actress.
Sa ilang gabi na lang na nalalabi para sa Tayong Dalawa at sa consistent na mataas na ratings nito, nagpahayag si Kim ng sobra-sobrang pasasalamat sa mga sumuporta at nanonood ng kanilang teleserye.
"Kahit papaano, naiisip na rin namin, kasi ang mga Filipino, very family-oriented tayo. At ang kuwento ng Tayong Dalawa ay very pampamilya. Isa pa, marami siyang kuwento—pamilya, pag-ibig, action... Lahat-lahat nandiyan na, so wala na silang hahanapin pa.
"Maraming salamat sa lahat ng mga tumangkilik at sumuporta sa amin. Sana abangan nila ang mga susunod pang araw, kasi mas maraming mga mangyayari na hindi nila inaasahan na mangyayari."
Kumusta naman ang relasyon nila ni Gerald ngayon?
"Okey naman kami," sagot ni Kim. "Medyo busy lang siya lagi, nagte-taping siya ng Tiagong Akyat. Minsan hindi kami nakakapag-usap, hindi na kami nagte-text. Pero pag nagkita at nagkasama naman kami sa set, nagkukuwentuhan naman kami."
Kinumpirma rin ni Kim sa PEP na isang pelikula na pagsasamahan nila ni Gerald ang niluluto ngayon ng Star Cinema.
"Soon, soon... Sana mangyari yun. Pinag-uusapan pa, pero sana matuloy," asam ni Kim.






dami ng nakatapat pero nangunguna pa din.. galing talaga pag ABS ang gumawa!
go kimerald!!!
You are doing great Kim.
Nakakaiyak ang mga eksena kagabi ni Audrey sa TD. Grabeh kayo magpaiyak ha, hehe! Congrats Kim. Stay cool.
Hindi iyon pinpunto ko, ang sakin lang hindi big deal ito. Pero maganda naman ang eksena, in good taste. Its like no need to be hyped up on this matter.
Isa pang napansin ko, maraming eksena si Audrey na laging tumutulo ang luha na di naman kailangan minsan sa eksena. Nagiging OA tuloy ang dating.
But overall I love Tayong Dalawa.
MOVIES, SOAPS, ENDORSEMENTS!!! SAAN KA PA!!!
CONGRATS sa KIMERALD hindi mapataob ng ALKRIS!! hahahhaa!!
BTW mga KAPUSO nood kayo ng MOVIE ng ALKRIS baka mas FLOP pa ito sa TAROT hehehe!
Goodluck Kim and the rest of Tayong Dalawa!
I agree. Medyo na OAhan din ako sa mga lines ng batang cholo at jodi.. ew! Di bagay talaga. Parang alam na ba nila yun? lol
sinnedkapuso
nothing to do with ilang taon na ang isang tao, it's just a matter of upbringing or experience. i'd say their feelings and longingness for each other are far too intense for kids just barely in and out puberty. but hey, what do i know, i was a child and did things that i thought children would normally do.
hahahah
tungkol naman sa love scene nina kim at geraild. indi ko napanood kaya no comment na lang.
comment ko na lang sa buntis look ni kim, para syang malnourished na malaki ang tyan. yun lang
love you Kim!