Mark Bautista finds persistent rumors linking him to fellow Pop Icons absurd

Rose Garcia
Thursday, September 24, 2009 @ 03:16PM  |  27791 views

 

"As long as alam mo naman ang ginagawa mo, alam mo sa sarili mo na secure ka sa sarili mo, wala ka namang kailangang i-worry. Ang problema lang talaga, ako lang, ang concern ko lang talaga, yung mga taong nakakabasa, hindi alam ang totoo, e," says Mark Bautista about persistent rumors linking him to fellow ASAP '09 male artists.

Photo By: Noel Orsal













Tinatawan na lang ng singer na si Mark Bautista ang hindi pa rin mamatay-matay na pagli-link sa kanya sa ibang aktor o singer— partikular sa ibang mga kasamahan niya sa Pop Icons na sina Piolo Pascual, Erik Santos, Christian Bautista, at Sam Milby.

"Ako naman kasi, as long as alam ko naman kasi ang totoo. Nakakatawa lang talaga dahil may mga write-ups talaga na sobrang OA talaga. Hindi ko maintindihan kung bakit. Meron pang elevator, meron pang mga eksena..." sabi ni Mark nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching niya bilang endorser ng Mang Inasal kahapon Sept. 23.

May balita ring lumabas na noong naaksidente ang kanyang sasakyan ay may kasama siyang lalaki.

"Isa pa yun," napapailing niyang sabi. "Unang-una, tricycle ang nabangga ko. May sakay at yun ang nagreklamo. Pero wala naman akong kasama. Tapos nasulat nga yun, naalala ko pa.

"As long as alam mo naman ang ginagawa mo, alam mo sa sarili mo na secure ka sa sarili mo, wala ka namang kailangang i-worry. Ang problema lang talaga, ako lang, ang concern ko lang talaga, yung mga taong nakakabasa, hindi alam ang totoo, e.

"Pero wala kang choice. Hindi mo mai-defend ang sarili mo. So, wala, tatahimik ka lang talaga, nasulat na. Nailabas na or something. Ang daming speculations," saad ni Mark.

THE MEN OF ASAP '09. Pero bakit nga ba hindi nawawala ang ganitong isyu, lalo na sa grupo nila sa ASAP '09?

"Siguro dahil palagi kaming magkakasama," sagot ni Mark. "Alam n'yo yung binibigyan na lang ng kulay na kung anu-ano na lang. Weird lang talaga ang ibang write-ups, dun na talagang shocking."

Within their group in ASAP, napag-uusapan naman daw nila kapag may isyu. Pero tulad sa kanilang dalawa ni Piolo Pascual, wala raw  ilangan.

Aniya, "Walang ilangan, pero sa grupo nabanggit namin. Siyempre, kailangan malaman sa group namin, 'Ano ba ang nangyari? Bakit may mga lumalabas?' Pero ako naman with PJ [palayaw ni Piolo], sobrang bilib nga ako! Kung grabe ang ganitong tsismis lang naman, mas grabe ang mga tsismis sa kanya. So, doon na lang ako kumukuha dahil parang maliit pa nga ang ganitong tsismis.

"At saka, siya kasi, 'Bayaan mo na...ganoon talaga. Part ito ng business na ito. Hangga't nandito ka sa business na ito, hindi mawawala 'yan. Alam mo, hindi mo talaga mapi-please lahat. Yun na nga lang ang sinasabi ko, kapag sigurado ka naman na wala ka namang ginagawang masama, sigurado ka naman sa sarili mo, wala ka namang dapat i-worry talaga."

Pero dahil sa mga malisyosong isyu tungkol sa kanila, ang mga managers daw nila ang mas apektado.

"Like yung Pop Icons concert namin, hindi na namin madala sa States. Iba na ang concerns nila sa bawat artist. Tapos kami rin, parang hindi na kami puwedeng magkasama sa bawat concert. Kasi nga, ang dami ngang... alam mo yun, nagkakaroon ng isyu.

"Unang-una, aside sa mga schedules namin, yung ibang managers namin, parang 'huwag muna kayong mag-concert'. Kasi nga, pinaplano naming dalhin sa States. Kami kasi, okey lang kami. Pero concerning our careers, yung mga managers namin, may say rin sila. Pero ako, kung ano ang sasabihin ng mga tao, wala na akong ano dun," saad niya.

Naniniwala naman si Mark na siguro dahil pare-pareho silang single sa grupo nila, kaya sila natsitsismis.

1  2  3  Next »

Related Articles

62 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name