Pormal nang sinampahan ng Cavite Prosecutor's Office ng kasong Reckless Imprudence Resulting In Homicide si Richard Gutierrez dahil sa pagkamatay ng personal assistant niyang si Nomar Pardo nang maaksidente ang sports car na minamaneho ng aktor noong May 22 sa Silang, Cavite.
Pero ayon kay Richard, handa siyang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya ng biyuda ni Nomar na si Lorayne Pardo. (CLICK HERE to read related article.)
"We tried our best, we tried our best to talk to them properly, to settle. But, ayaw talaga nila. Now we have no choice but to fight it out on [sic] court," sabi ni Richard nang makapanayam siya ng entertainment press sa local premiere ng Hollywood film The Echo noong Miyerkules, September 23, sa SM Megamall.
Dagdag ng aktor, "Ako, I was kind of expecting it already. Of course, nalungkot ako at ang buong pamilya ko na kinailangan at inisip nilang pumunta sa ganung klaseng desisyon. Hindi ko ine-expect na sa ganitong time ng buhay ko pa nangyari ang ganitong klase ng kaso.
"Pero para sa akin, yun ang gusto nilang tahakin na paraan... For us, you know, kung yun ang gusto nila, then we have to fight it out on [sic] court. Lalaban ako, lalaban ako dahil hindi ko naman ginusto yung nangyari. Wala akong criminal intention, or wala akong binalak na ganun. Basta lalaban kami."
Kahapon, Sept. 24, ay nagpatawag ng presscon si Lorayne at ang kanyang mga abugado upang ipahayag ang kanilang saloobin sa naging desisyon ng Office of the Provincial Prosecutor ng Cavite. Ayon kay Richard, napaghandaan na niya kung anuman ang sasabihin ni Lorayne sa media. (CLICK HERE to read related article.)
"Yes, they can talk to the media, they can tell the people what they want. Gusto ko lang sabihin sa mga tao na ako, totoo ang mga sinasabi ko. Aksidente yung nangyari, hindi ko ginusto yung nangyari. I think gusto nilang i-demolish yung character ko, but hindi ako papayag. I'm gonna let my lawyers to do their job," saad ni Richard.
Gaya ba ng ina niyang si Annabelle Rama ay naniniwala siya na may malaking tao na nag-uudyok kay Lorayne para i-push nito ang kaso laban sa kanya?
"Alam mo, hindi mahirap isipin, o sumasagi yun minsan sa isip ko na baka may tao behind them, pushing them to do this, sinusuhulan sila... Pero, siyempre, hindi natin malalaman kung ano talaga ang totoo, pero hindi ko maiwasang maisip yun."
Dagdag pa ni Richard, "I just want to let everybody knows that na kahit na nangyayari ito sa akin ngayon, it motivates and inspires me to work harder."
Nag-post na ng cash bond na P30,000 si Richard sa Quezon City Regional Trial Court noong Sept. 23 kaugnay ng isinampang kaso laban sa kanya.






Bakit biglang laki body nya? Nag-streoids ba sya??? Pati mukha nya lumalaki. Tsk tsk tsk...
oo naman, pinakita ko lang minsan ang baluktot na mentality ng tao, kasi hindi maiwasang magkaroon ng ganyan.
pero bantayan lang natin, halatang magaling ang abogado ni lorraine, let's see kung kayang tapatan ito ng lawyer ni richard.
sa nissan talaga sinisi lahat at parang wala ng kasalanan iyon driver. e to think na di pa raw speeding si RG.
mali talaga, just settle it, admit the mistakes and take responsibility RG.
yon lang ang sa akin, kesa ma drag pa name mo at mawalan ka ng projects. if RG will admit and take respobility about this baka maiba pa pananaw ng karamihan sa pep kay RG at sa mom nya.
ambitiousfrog
gy
September 26, 2009
12:06 PM
depende na rin sa mga buyers kung papadala sila sa mga negative feedbacks pertaining nissan cars.
e kung sa nissan ka talaga at satisfied ka sa mga cars and services nito. hindi mo iisipin ung sa case ni RG.
naku, kahit di na natin isama ang competitor, the fact na involved ang car sa isang accident at high profile case pa, it will leave bad taste sa public
take the case of the mercedes benz na sinakyan ni princess diana noong naaksidente siya. kahit established na human error ang dahilan ng bangga at hindi mechanical failure, bumagsak pa rin ang sales ng nasabing kotse, alam mo naman ang mentality ng tao.
i guess, whether gamitin ng kampo ni rg yung car as defense o hindi, posibleng maapektuhan ang nissan.
yung mga competitors naman, eh matter of ethics na lang yan kung sisiraan nila ang nissan para mabenta ang sasakyan nila.
What an egotistical 'tard. His character was already demolished because of his mom!
the thruth hurts! un lang cge lng sbhin mo kng ano gsto mo sbhin, i dont care... pag inalis ako d2 as as a user, well no doubt insider ka nga! che!
pero that doesn't erase the fact that competitors can make an advertisement showing Nissan's defects and that one particular GT-R pa na was bought from an actor in the Philippines.
it means competitors can hurt nissan's market share and nissan will of course won't take this thing lightly or as they say sitting down.
The defense will use a conspiracy theory. Sasabihin nila na may nagmanipula sa kotse ni RG. Walang kasalanan ang Nissan sa bandang eto.
Tsaka gaya ng nasabi ko, palpak ang police report. The judge can't convict someone with reasonable doubt.
userdaw
September 26, 2009
dito sa amerika naglalabas sila annually ng survey, about cars, may safest, most reliable, consumer friendly etc, at kasama ang accidents as one of the factors.
We condone arrogant people like the Gutierrez!
AR thinks she can get our support, no way Ma'am. We are not idiots. Ask yourself perhaps.
just a piece of advice it's still not a good idea for the defense. pero kung gagamitin nila expect for the worst.