PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH: Sen. Bong Revilla remains firm on his decision not to run as vice president

Bong's birthday wish is for wife Lani Mercado to win as congresswoman in Bacoor.
by Trish Alvarez
Published Oct 1, 2009
"Ako, naniniwala ako na pag lumaban ako at nalaman ng tao ang accomplishments namin, hindi nila basta-basta matatawaran. Pero sa ngayon, focus muna ako sa pagiging senador ko," says Sen. Bong Revilla.

Naghalong celebrities mula sa pulitika at showbiz ang mga bisita ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. sa selebrasyon ng kanyang 43rd birthday na ginanap noong September 25 sa Whitespace, Pasong Tamo Extension, Makati City.

Kumpleto siyempre ang buong pamilya ni Bong. Nagkaroon din ng special number ang kanyang pamilya sa pangunguna ng maybahay niyang si Lani Mercado at ang mga anak nilang sina Bryan, Jolo, Inah, Laudette, Gianna, at Ram. Kasali rin sa production number ng pamilya Revilla ang anak ni Bong sa ibang babae na si Luigi at ang apo na si Gab.

BONG'S GRANDSON & OTHER SON. Sa kalagitnaan ng selebrasyon ay tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bong kung paano nila nahiram ang apo na si Gab sa lola nito na si Rosanna Roces?

"Through Grace [Adriano, ina ni Gab]. Si Grace ang kinausap namin," sagot ng actor-politician.

Nagkaayos na ba sila ni Osang?

"Hindi pa," matipid na sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Artistahin din ang dating ng anak ni Bong na si Luigi. Kaya marami ang nagulat nang sumayaw ito kasama ang mga anak ng senador kay Lani.

"Debut pa lang ni Inah lumalabas na siya kasama ng pamilya ko. Nandun din siya sa tuwing birthday ko, pero hindi n'yo lang napapansin," banggit niya.

Papayagan ba niyang mag-artista si Luigi?

"Puwede, puwede, di ba? Kaya lang, ipapaalam muna natin sa nanay niya," ngiti niya.

POLITICAL PLANS. Sa birthday party rin ni Bong, kinumpirma niya ang pagsubok muli ni Lani na pasukin ang pulitika. Matatandaang tumakbo noong 2001 bilang mayor ng Bacoor, Cavite, pero natalo siya. Next year ay tatakbo naman siyang congresswoman sa Bacoor, Cavite.

"Ang [birthday] wish ko sana manalo si Lani. Tatakbo rin ako for another term as senator next year, pero more on Lani ako na manalo. All-out ang support ko kay Lani, kasi nakikita ko na gusto niya talagang mag-serve sa tao. Gusto niyang makatulong sa mga kababayan natin. Mataray siya, pero alam ko ang puso ni Lani. Mabait 'yan. Saludo ang pamilya ko sa kanya," sabi ni Bong tungkol sa kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba siya nag-aalala na mabawasan ang oras na ibinibigay ni Lani sa kanya at mga anak nila?

"Hindi naman, kasi malalaki na ang mga anak namin. E, pag wala siya, ako na ang bahala sa mga anak namin. Aba, teka, baligtad na!" natatawang sabi ni Bong.

"Pero nag-e-enjoy naman ako kapag kasama ko ang mga bata," pahabol niya.

Isa sa mga bisita ni Bong sa kanyang birthday party si Pres. Gloria Macapagal Arroyo. May bulung-bulungan na kaya raw dumalo si PGMA ay para humirit sa huling pagkakataon na tumakbo siyang vice president ni Secretary Gilbert "Gibo" Teodoro, na dumating din nung gabing yun. Ano ang masasabi ni Bong dito?

"Hindi kasi alam naman ng lahat ang stand ng pamilya ko regarding that, 'no. Pinaatras ako ng daddy ko [former Sen. Ramon Revilla] at tapusin ko muna ang term ko as a senator. Hindi ba, gusto ko nung una na mag-run ng vice president?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ako, naniniwala ako na pag lumaban ako at nalaman ng tao ang accomplishments namin, hindi nila basta-basta matatawaran. Pero sa ngayon, focus muna ako sa pagiging senador ko," saad niya.

Ano naman ang masasabi niya sa naging balitaktakan sa Senado ng mga kaibigan niyang sina Senators Jinggoy Estrada at Ping Lacson?

"Nalulungkot ako. Nalulungkot ako kasi kami ang magkakasama at maliit lang ang Senado. Sabi ko sa kanila, i-settle na lang nila 'yan. Pareho ko silang kumpare. Sinabi ko na walang pupuntahang maganda 'yan," pahayag ni Bong.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako, naniniwala ako na pag lumaban ako at nalaman ng tao ang accomplishments namin, hindi nila basta-basta matatawaran. Pero sa ngayon, focus muna ako sa pagiging senador ko," says Sen. Bong Revilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results