Patuloy ang pagdami ng mga artistang tumutulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Pero ang isang katulad ni Gary Valenciano, halos 11 years nang ginagawa ang pagtatabi ng oras upang makatulong sa mga nasalanta, lalo na sa mga bata.
At muli, pagkatapos ng pananalasa ng bagyong Ondoy, nagtabi na naman ng oras si Gary para gampanan ang inakong responsibilidad na ibinigay sa kanya ng United Nations Children's Fund (UNICEF) labing-isang taon na ang nakararaan—ang pagiging UNICEF Philippine Ambassador.
Kaninang hapon sa Bagong Silangan Elementary School sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City—kunsaan pansamantalang naninirahan ang mahigit apat na raang pamilyang apektado ng bagyong Ondoy—pinangunahan ni Gary ang pamimigay ng relief goods, mga laruan at pagbibigay ng pag-asa sa mga batang galing sa mga pamilyang naninirahan sa paaralang iyon.
Nagkuwento pa si Gary sa harap ng mga bata kung paanong nagkaroon siya ng sakit ng diabetes sa edad na 14, kung paanong sinabihan siya ng doktor niya noon na hanggang 44 years old lang ang itatagal ng buhay niya, at kung paanong napanagumpayan niya ang sakit na dapat sana'y kumitil na sa buhay niya.
"Alam nyo ba kung ilang taon na ako ngayon?" tanong ni Gary sa mga batang nakikinig sa kanya. "45 years old na ako."
Pinatunayan ni Gary na mali ang naging hatol sa kanya ng doktor niya noon dahil hanggang ngayon nga ay buhay siya sa tulong na rin ng kanyang sipag sa paggalaw at sa modernong gamot laban sa diabetes. Kaya nga raw "Mr. Pure Energy" ang tawag sa kanya ay dahil sa walang-tigil at sipag niyang gumalaw.
"Dahil kung masipag ka, kahit na anong pagsubok ang dumating sa inyo, kayang-kaya nyong gawin," paglalahad niya pa sa mga bata.
Ipinakita pa ni Gary ang nakakabit na aparato sa kanyang katawan na siyang nagmo-monitor sugar level niya at nagbibigay ng gamot sa kanyang katawan. Natulala ang mga bata nung ipinakita ni Gary ang aparato niyang iyon.
Sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago ang pakikipag-usap niya sa mga bata, sinabi ni Gary na matagal na siyang sumusuporta sa UNICEF sa pamamagitan ng pagbibigay ng fund raisers para rito.
"Until 1998...1997, they asked me to be a part of, officially, UNICEF as a national ambassador," kuwento ni Gary sa PEP.
Sa kabila ng pagkakaroon ng sakit na diabetes, pagiging showbiz personality at pagkakaroon ng mga shows, may oras pa rin daw siya para sa UNICEF, lalo na sa mga nangangailangan na mga bata.
"You cannot put to words doing things like this... It's something that I enjoy doing, it's something that I've seen the effect of..."
Ayon kay Vanessa Tobin, Country Representative ng UNICEF, pinili raw nila noon pa man si Gary bilang kanilang Philippine ambassador dahil sa positibong energy na ibinibigay nito sa mga Pilipino.
"He is so popular, he is so pure of energy, positive energy. And that's what people, especially in these depressing times, want to hear. And when Gary talks, people listen. He just emits that positive energy everyone needed, especially in these trying times," sabi pa ng British-national na head ng UNICEF sa Pilipinas tungkol kay Gary.
Hindi lang mga laruan at libro ang dala ng UNICEF para sa mga pamilyang biktima ng bagyo sa Brgy. Bagong Silangan, kundi mga kahon-kahon ng "family kit" na naglalaman ng mga blanket, gamot, sabon; "health kit" na naglalaman ng mga gamot laban sa diarrhea at kung anu-ano pang sakit sa tuwing may malalang bagyo at baha na nagaganap; at "water kit" na naglalaman ng malinis na tubig, timba at water-purification tablets na puwedeng tumagal ng isang buwan.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
14 lazir_12
13 182395
Mga kababayan ... ibinalik lang ng kalikasan ang nuon ay inyong tinapon. Sana ito ay maging isang malalim na aral sa lahat and duon sa mga nawalan ng lahat lahat - go back to your province and start anew. Huwag na kayong makipag sisiksikan sa Maynila dahil di lang yan ang matatamo nyo sa darating pang araw kung di rin lang kayo magbabago. - stop blaming the govt, stop blaming the rescuers and stop blaming others. Nasa inyo ang pagbabago.
12 foreverinluv_66
Kudos to lots of commoners and volunteers too who without regard for their own safety lost their own lives trying to save others. Our prayers are wit ya
11 foreverinluv_66
d'ya really have to make quot;panawaganquot; foe ur idol to be included in the headlines nowadays like that...wut a desperate call ahaha _
while other celebrities like angel and the rest made their presence felt, their visibility to help those unfortunate ones very early sunday morning pa lang...where's ur idol btw, hayun bz sa doorbell nya ahaha _
angel btw doesn't want to disclose the amount she donated very early sunday morning pa lang even befoe other celebrities followed had it not been foe kristeta's taklesa additude, she leaked to the media wut angel's doin foe all those helpless unfortunate victims of typhoon ondoy
o pep sumone's beggin heah include her idol naman daw lolllzz ahaha
btw a omost foegot kudos to gary v too and to all those people celebrities or not foe helpin those people who're all in dire need of help. Kudos to lots of commoners and volunteers too who wit
10 qwarkz
9 qwarkz
8 qwarkz
7 rizzajs19
k2lad nga ng sbi ni Joey de Leon wg n ipamalita kung mgkano o ano ang nagawa mo pr s kababayan..quot;hindi 2 pnahon ng bida kundi panahon ng salbabidaquot;..
6 olachiks
5 kagandahantalaga
4 pingot78
yung dating superhero andun agad kahit wala pang ibang nakiki ride on
3 glen
sows! pakiheadline ka jan! katawa naman comment mo. kelangan ba talaga ng mga artista at pulitikong i-announce na tumutulong sila? LOL!
2 olachiks
1 marian_4ever
more comments