Maja Salvador can't believe she's making a commercial with Korean heartthrob Kim Bum. "Grabe yung ginawa naming commercial, yung mga eksena na parang gusto kong isipin na, ano ba ito, panaginip lang ba ito o talagang nangyayari? Yung ganoon."
Maja Salvador shoots commercial with Boys Over Flowers' Kim Bum
Saturday, October 3, 2009
11:27 PM
Rating
Dumating sa bansa noong Miyerkoles, September 30, si Kim Bum o mas kilala bilang Yi Jeong sa top-rating Asianovela ng ABS-CBN na Boys Over Flowers, upang maging bagong endorser ng RC Cola at para mag-shoot ng isang commercial katambal ang young actress na si Maja Salvador.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Maja kaninang hapon, October 3, sa presscon ng RC Cola na ginanap sa ELJ Builing ng ABS-CBN, ay sinabi niya na nakapag-shoot na sila ni Kim ng commerical. Sa Binondo at Paco, Manila ang location.
Hindi naman daw sila gaanong pinagkaguluhan doon. Konti lang ang nanood dahil sa balitang may darating na typhoon, ito ngang si Pepeng na nasa bansa na ngayon at nanalanta sa Northern Luzon.
Kamusta naman ang commercial nila ni Kim?
"Sobrang nakakakilig yung istorya. Ako'y kinilig. Doon din sa set e lahat, matanda, bata, lahat po ng edad, kinilig din po."
May kissing scene ba sila ni Kim sa commercial?
"Abangan ninyo na lang po. Hindi daw po puwedeng magsalita, e. Basta nakakakilig. Abangan ninyo na lang po."
Nung unang sinabi raw kay Maja na gagawa siya ng commercial with Kim ay napatili raw siya.
"Kasi napakasuwerte ko. Ang daming nangangarap na mga bata ngayon, na mga teens ngayon na makasama siya o kaya makapagpa-picture man lang. Ako makapagpa-picture, makita ko man lang, di ba parang masaya na ako?
"Eto grabe, grabe yung ginawa naming commercial, yung mga eksena na parang gusto kong isipin na ano ba ito, panaginip lang ba ito o talagang nangyayari? Yung ganoon.
"Alam ninyo, etong 2009, ito yung isa sa napakaimportanteng memories na nangyari sa akin na talagang itatago ko. At magandang birthday gift na rin siguro na natanggap ko."
"MAGALING MAKISAMA." Bukod sa pagiging guwapo, ano pa ang nagustuhan ni Maja kay Kim?
"Magaling siyang makisama, e. Sobra!" sagot ni Maja. "Kahit na minamadali kasi parang konti lang yung oras niya dahil kailangan niya nang bumalik ng Korea, parang sa kanya okey lang yun. Relax lang siya. Yung hindi mo siya makikita na parang masungit. Yung masaya lang din siya.
"Tapos parang lagi niya akong tinatanong, kung lagi akong pagod, ganyan, ganyan. Tapos parang yung tina-try din niya na parang... ahh... alam ninyo yun, na maging okey lahat sa set kahit na may typhoon na."
Napapanood daw dati ni Maja si Kim sa Boys Over Flowers. At hindi raw siya makapaniwala na nakatrabaho at nakasama niya ito sa commercial.
"Sinabi ko sa kanya na I'm a big big fan of their shows," sambit ni Maja.
"Tapos parang nagtanong siya kung sikat daw ba yung mga Korean artist dito. Ayun kumanta ako ng 'Twenty One,' yung 'Nobody.' Natuwa naman siya. Gusto ko namang maramdaman niya na welcome na welcome siya dito sa Philippines."
Sinabi ni Kim sa isang interview na napaka-professional daw magtrabaho ni Maja. Anong reaction niya dito?
"Ah, siyempre, para manggaling sa isang international actor, parang nakakatuwa naman po na ganyan ang nakita niya sa akin. So yun po."
Bukod sa hindi nawawalan ng show sa ABS-CBN ay mabenta ring product endorser si Maja. Anong feeling na sunod-sunod ang mga blessings na dumarating sa kanya?
"Ah, hindi ko po maipaliwanag kung ano pang dapat maramdaman, yung kung meron pang mas magandang word dun sa masaya. Kung meron pang mas tutumbas sa word na yun. Yun na po siguro."
Ang Korean actor na si Kim Bum ay mapapanood muli sa isang sports drama na may titulong Dream na siyang ipapalabas sa Kapamilya Network. (CLICK HERE to read related article)
- PART 2 Maja Salvador is now more confident about her relationship with Matteo Guidicelli: "Alam naman namin na sa akin siya, sa kanya ako."
- PART 1 Year of the Dragon is also Maja Salvador's year: "This is my lucky year. Kine-claim ko na yun."
- Maja Salvador wants to end up with Matteo Guidicelli; says Matteo's family wasn't reason behind their two-week breakup
- Maja Salvador hopes her relationship with Matteo Guidicelli leads to marriage
- Matteo Guidicelli says Maja Salvador is the last woman he will ever love
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Comedian Betong Sumaya named Celebrity Sole Survivor
- Lea Salonga reveals her stand on OPM artists' call for "Filipino first" in the concert scene
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- AGB Nielsen Mega Manila People Ratings (Feb. 7-9): Survivor Philippines final week rule primetime; Eat Bulaga! still the undisputed No. 1 noontime show
- Carl Guevara on playing a ghost in My Beloved: "Parang first day-last day na agad?"
- Beauty queen Danielle Castaño on joining showbiz: "Sobrang I just want to experience how it is like in the industry... not only experience it, like feel that I'm working."
-
In a glimpse
E-Boy is described as a "modern-day Pinocchio"
E-Boy pilot week will air anew on ABS-CBN this Sunday
-
Indie
PEP REVIEW: Pintakasi : How art saves
Pintakasi will have February 8 and February 29 screenings in select SM cinemas.
-
In Focus
John Lloyd Cruz chooses to keep silent about Shaina Magdayao
John Lloyd: "I am indeed better than ever."
-
Profiles
ChicoSci vocalist Miggy Chavez plans to venture into tattooing and acting
After playing a small role in Segunda Mano , Miggy says "Why not?" to doing more mainstream projects.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

