Isang balita ang nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa isang takaw-pansing insidente na kinasangkutan ni Richard Gutierrez sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3 sa Pasay City, noong Biyernes, ika-2 ng Oktubre.
Ayon sa isang sumulat sa PEP noong Sabado, Oktubre 3, na nagsabing may kilala siyang witness sa pangyayari, nag-iskandalo raw ang aktor sa NAIA. Ito raw ay nangyari noong napagsarhan si Richard at si Jewel Mische, na ayon sa showbiz circles ay girlfriend niya, sa boarding gate.
Sa pagdedetalye ng source, sinabi nito na sa galit ni Richard, dinuraan nito ang boarding pass at hinampas sa pader, at pagkatapos ay pinagsalitaan ng masama ang taong kausap.
Sa pag-verify ng PEP ng kuwentong ito, napag-alaman namin na may naglabas na nga ng ganitong balita sa social networking site na Facebook.
Sa pag-verify pa rin ng PEP, umabot kami sa ilang airport sources. Ang mga ito ay nagpatotoo ng nangyaring insidente, at sinabi ring nangyari ito sa departure area ng NAIA noong gabi ng Oktubre 2, Biyernes. Dahil nga raw nakakatawag-pansin ang aksyon at boses ng kilalang aktor, may ilang pasahero ng ibang flights na nagsisikuha na ng litrato at video ng pangyayari.
Ayon sa unang source ng PEP, hindi malinaw sa kaibigan niya kung bakit galit si Richard, pero ang dinig daw nito, "They were offloaded from their flight." Ang ibig sabihin nito ay natanggal sina Richard at Jewel sa flight manifest at hindi na maaaring maging pasahero sa flight na iyon.
Ayon naman sa airport records, papuntang Kuala Lumpur, Malaysia, sina Richard at Jewel. Eksaktong 8:04 ng gabi ng Oktubre 2 sila nag-check in ng kanilang bagahe. Subalit sa hindi malamang kadahilanan, nahuli sila ng pagdating sa boarding gate. Apat na beses na na-page ng Cebu Pacific ang dalawa. Ngunit nang nakita raw na nakikipag-argumento si Richard sa boarding gate, pasado 9 p.m. na. Ibig sabihin ay may pagitan ng isang oras mula ng pag-check-in at pag-board.
Sa nakapaskil na flight schedules sa airport, "8:55 p.m." ang EDT, or Estimated Departure Time, ng Cebu Pacific, ang eroplanong sasakyan nina Richard.
Malinaw namang nakasaad sa ticket at website ng Cebu Pacific Air na ang pasahero ay dapat nasa boarding gate "at least 30 minutes before the scheduled departure time." Ibig sabihin, dapat 8:25 p.m. ay nasa boarding gate na sina Richard at Jewel.
Kasali rin sa airline terms and conditions for boarding ang ganito: "gate will close fifteen (15) minutes before departure." Ibig sabihin ay 8:40 p.m. ay sarado na ang gate.
Ayon pa sa isang may koneksiyon sa airport na nakausap ng PEP, "Airlines need the '15 minutes' to do three things: (1) Redo the passenger manifesto; (2) Take out the baggage; and (3) Update any document relevant to the flight. Ang resulta raw ng hindi pagsunod sa procedure na ito ay mali-late ang flight. Sinabi rin niya na ang mga airline ngayon ay nagpupursiging maging on time.
Ganito nga ang nangyari kina Richard at Jewel. Dapat nasa boarding area na sila ng 8:25; dumating sila sa Immigration Counter 8:50 p.m., na last step before boarding stage.
Bagamat limang minuto na lang iyon bago ng departure time, pinilit pa ring gawan ng paraan ng airline personnel. Nakitang inuuna sina Richard at Jewel sa queue. Ngunit naabala na naman ang pag-usad nina Richard at Jewel dahil may mga airport employees na gusto pang makipaglitrato sa dalawang celebrity.
Nang ipinatupad ng Cebu Pacific ang patakaran nitong dapat nasa boarding gate na ang sinumang pasahero 15 minutes before estimated departure time, tinanggal na finally sa manifest ang pangalan nina Richard at Jewel. Noong nalaman ni Richard na napagsarhan nga sila, ayon sa original PEP source: "He started to get mad and demanded for the manager."
Ayon din sa kanya, mayroong nakakita mismo na nagbibigay-paliwanag ang Cebu Pacific manager, ngunit nanigaw na si Richard. Nang yakagin daw ng manager si Richard sa check-in counter upang makaiwas sa mga nakikinig at mga nagbi-video, tinuloy pa rin ng aktor ang panduduro sa manager. "Masasamang salita" raw ang ginamit nito at itinuturo pa raw nito ang dalawang daliri sa taong kausap.





hay naku mother like son ika nga......
sana may magpadala ng video para sa news update....
of the late pax---gt;gt;should be OF THE TARDY PAX, iba kasing pakinggan :
He has very limited options left - siguro yung horse na lang sa Zorro is his only mode of transport. Have not watched a single episode of his Zorro - meron ba siyang kabayo?
He can always befriend Willie R - who is buying an airplane and a chopper.
I swear RG's life and career has evolved into something comical. Who can have such rotten luck week after week???
Yes I do hope Cebu Pacific will say something about this. And if Richard is liable for something, tama lang na they sue him for libel as well.
The more Richard's camp is quiet about this - it gives confirmation to what happened. We all know RG never does anything by himself. Since he didn't have a PA or Mommy dearest with him - no one could read it to him...LOL
All involved issue of JUDGMENT. Feeling DIVA kasi masyado. Akala talaga, SUPER SPECIAL siya, na dapat, laging extended sa kanya ang SPECIAL TREATMENT.
thanks for that. i laughed so hard... LOL
Joke lang po.... wala naman po kasing evidence na lumalabas pa so tawanan muna bago magpost ang PEP nang another 5 pages explanation..hehehe.
Patay na, Richard Gutierrez. What time were you at the departure gate? Naku, papaano mo idedemanda ang Cebu Pacific Air if you violated 6.2 of the contract that you signed with them? Tsk tsk tsk. RG, if you BAD MOUTH Cebu Air Pacific, baka ikaw pa ang ma kasuhan ng LIBEL diyan. So ang mga spin meister ni Richard Gutierrez, kaunting ingat. If you want RG to look good, by putting Cebu Pacific Air in a bad light, they do have a battery of lawyers too, you know.
go to 6.3, read the right of the airline to off load your luggage.
I still have to meet a lawyer who discounts - LOL. Here, they even charge about 35 for every 15 minutes that you are on the phone with them and also 35 for every email you send them - even if the email only had 1 line. I should have listened to my father and agreed to go to law school after my bachelors degree -LOL.
Yes, I earlier posted that he should go back to school to enable him to read and understand the law better.
What is wrong with this guy? He has had problems with an automobile, a boat and now a plane! He is starting to remind me of a Steve Martin / John Candy movie - Planes, Trains and Automobiles.