Dahil sa pananalasa ng bagyong Ondoy, kung saan marami sa mga kababayan natin ang naapektuhan nang husto, naging aktibo rin ang Yes Pinoy Foundation sa pagsasagawa ng relief operations para sa mga nasalanta. Ito ay sa kabila ng ang main objective ng Yes Pinoy Foundation na tulungan ang pamilya ng marines, lalo na yung mga naulila.
Ang Yes Pinoy Foundation ay itinatag ng aktor na si Dingdong Dantes kasama ang ilang mga malalapit na kaibigan niya.
Last week, hangga't maaari ay ipina-cancel ni Dingdong ang kanyang schedules para personal na mamahagi ng relief goods.
Kahapon, October 5, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong. Ayon sa kanya, tuloy-tuloy pa rin ang operation ng Yes Pinoy Foundation. Araw-araw silang namamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.
Kahit wala si Dingdong, dahil sa taping niya ng Stairway to Heaven at iba pang commitments, ang buong team naman daw ng Yes Pinoy ay patuloy sa pagsasagawa ng relief operations.
Isa sa commitment sana ni Dingdong noong Saturday, October 3, ay ang autograph signing para sa kanyang bookazine na YES Life Stories: Dingdong. Dahil sa hectic schedule ng aktor, ipina-cancel niya ito para personal na mamahagi ng relief goods.
Pero siguradong matutuwa ang mga tagahanga ng aktor, lalo't higit sa mga nagtatanong kung saan makakabili ng bookazine niya.
Sa October 11, Linggo, ay pupunta si Dingdong sa branch ng National Bookstore sa TriNoMa from 1 to 3 p.m. para personal na pirmahan ang kanyang bookazine sa mga bibili nito.
Sa October 17, Saturday, ay nasa Powerbooks Greenbelt naman siya from 3 to 6 p.m. At sa October 22, Thursday, nasa Filbars Megamall naman siya from 3 to 6 p.m. din.
Magkakaroon din daw ng book signing sa Mall of Asia, although hindi pa kumpirmado ang exact schedule nito.






Mag-ayos ka sistah!!!Nalilito na ako sa yo..hehehe
congrats papa DD, luv u...
at least di nag effort si DD na bilhin yang bookazine nya para lang sabihin na super sikat sya, di tulad ng iba jan.
basta lalo kong admire si DD nung napanood ko sa Dantes Peak dinala nya fans nya sa Enchanted Kingdom, and spent time with them kahit na hectic ang schedule nya. meron na bang ibang artista na gumawa nyan?
.
kaya nasa bookstand pa rin tong magazine aka bookazine ni dingdong kase wala naman talaga pambili mga fans niya..
.
yung mga curious makita to, ginagawa binubuksan na lang sa shelves ng national bookstore at dun binabasa!!..hehe,,tipid..
wais talag mga fans ng kapuso..
.
yung tarot hinintay na lang sa pirata di na nanuod ng sine, tapos kung makakwento dito sa pep kala mo pinanuod sa sine..
It's so typical among some of the Pinoy fans to have that instant result for projects. Instant gratification kumbaga. Even novel authors promote their books all year long. WTH is the matter with Dong promoting his bookazine 2 months after it was released? My Gosh.
You guys would just say anything to sound smart but my golly, desperation oozes out of your mouth everytime you hit -submit comment-.
ohs? critical thinking??hahahah...
wala lang...i wonder what's your profession...
Good luck!enigmatic smile!
ikaw lang nakakaalam f alam mo tlga social resposibilities mo!ako alam ko sa sarili ko na nasa outreach program ako at tumulong tlga.hahaha.ewan ko snyo!