Noong Lunes, pinagpasa-pasahan through Facebook accounts ang isang video na dalawang taon nang naka-upload sa YouTube.
Sa tingin ng mga nagpakalat sa kanilang Facebook accounts, relevant pa rin ang mga nasabi ng award-winning actor na si Aga Muhlach sa interview sa kanya ni Cito Beltran sa show ng huli na Straight Talk sa cable channel na ANC—kahit dalawang taon nang nakararaan mula nang mai-air ang interview na ito.
Edited version ang video ng mahabang diskusyon ni Aga with Cito tungkol sa "deterioration" ng bansa at ang "dumi" at "pangit" na pamamalakad ng gobyerno. Kitang-kita sa mukha ni Aga ang pagkadismaya at frustration sa mga obserbasyon sa klase ng governance o pamamalakad sa gobyerno dito sa Pilipinas. (CLICK HERE for the video.)
Nagpaunlak ng phone interview si Aga sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 6, habang pansamantalang itinigil muna ang shooting ng pelikula niya with Regine Velasquez dahil sa nangyaring pagbagyo. Tentatively titled Umboy and Berns ang Bb. Joyce Bernal-megged movie niya.
Hindi mapigilan ni Aga ang mapatawa nang makausap na ng PEP tungkol sa nabanggit na video. Natatawa kasi siya sa mga texting at tawag na nakarating sa kanya tungkol din sa kumakalat nang video niya. "That interview was like, mga 2003 or 2004. Sobrang tagal na no'n," aniya pa tungkol dito.
Kahit na wala namang partikular na pangalan, ahensiya o mismong rehimen na binanggit si Aga, inilagay na lang ng gumawa ng video na ang pagsesentimyento at paglalahad ni Aga ng sama ng loob sa gobyerno ay para sa administrasyong Arroyo. Pero nilinaw ni Aga sa PEP na wala siyang pinatutungkulang administrasyon.
"No. It's not just this government but also the past governments," paglilinaw nga ni Aga.
Although unfair din naman daw na magturo ng sisi o ibuhos ang frustrations niya at ng taong bayan sa pamamalakad ng gobyerno, ang mga sinabi lang naman daw niya sa interbyung iyon ay base na rin sa mga naobserbahan niya sa mga lumipas at kahit na sa kasalukuyang gobyerno.
"Basically, what I said then, four or five years ago, it's still happening today. It's all the same," tukoy ni Aga. "Tingnan mo, kung in the past, nandiyan yung mga nag-aaway na senador, nagtuturuan na government officials...gano'n pa rin naman hanggang ngayon."
Kung anuman daw ang opinyon niya sa gobyerno noon ay siya pa ring opinyon niya hanggang ngayon. Kung mas bigyan lang daw sana ng panahon ng mga taong gobyerno ang magtrabaho kesa magbangayan.
"Tulad ngayon, pagkatapos ng [typhoon] Ondoy, ang daming properties na nawala, ang daming buhay na nawala...yung iba, yung mga binaha, makikita mo sa TV yung mga kotse nila, tinangay ng baha, nasira. I mean, yung ibang mga tao, minsan parang yung buong kabuhayan nila at paghihirap nila sa pagtatrabaho, inilaan lang nila para magkaroon ng magandang kotse na hinuhulugan pa nga nila, pero ngayon, wala na after Ondoy. Maibabalik ba yung mga nawalang iyon sa pagtuturuan at pag-aaway ng mga tao sa gobyerno?
"And there is this plan supposed to be na hindi sinunod, kaya nangyari yung flood, yung pagbuhos ng basura. It was planned way back pa during the past government, pero up to now, ganun pa rin ang practice na ningas-kugon. Gawa tayo ng plano, start tayo ng plano, pero hindi naman susundin. Short-cut na lang."
Hindi rin daw maintindihan ni Aga kung bakit sa dami ng mga nababalitaang malalaking pera ng gobyerno na napupunta lang sa ibang mga bagay at luho ng ilang tao sa gobyerno ay hindi mabigyang-solusyon ang mga kakulangan sa serbisyo para sa mga mamamayan, tulad na lang halimbawa sa edukasyon.
"Like, kelan ba yun, pasukan last year? Merong balita na maraming estudyante ang di makapag-aral dahil sa kakulangan ng mga schools. Wow, saan na napunta yung mga perang milyun-milyon o bilyun-bilyon ng gobyerno? I mean, alam na naman natin kung saan napunta, sino ang nagnakaw, pero ano ang ginagawa natin? Bakit walang nakukulong?" reklamo ni Aga.
NO POLITICAL PLANS. Dahil sa mga pahayag ni Aga, may mga nakakaisip tuloy kung may plano si Aga na tumakbo sa darating na eleksyon.






paunti-unti, yes... pumapayat na siya, nakita ko yung latest pic niya sa isang forum, picture niya sa sagip kapamilya and video sa the buzz last sunday. may ginagawa na siyang movie sa viva and after nun, yung movie naman sa star cinema
I Timothy 6:10 King James Version
quot;For the love of money is the root of all evil: which while some coveted after, they have erred from the faith and pierced themselves through with many sorrows.quot;
Perhaps, if the politicians have God's Word to live by, maybe they will grow a conscience and realize that corruption is wrong for it leads them to other sins--lying, cheating, stealing, etc. But then again, if they are sociopaths, they won't have a guilty conscience! Don't lose hope. Just vote for politicians who have good character as opposed to someone who is in it for fame and personal gain.
wag tau maniniwala sa mga kandidatong nagbabayad for ad pra sa kampanya nila...tulad ni VILLAR na ang kapal ng mukha na namimigay ng relief goods n may plastik n nkalagay name nya feeling nya sa kanyang pera ung ginamit nya galing un sa pork barrel nya n galing sa tax ng mamamayan...wag po natin sya iboto..
MALIBAN LANG SA....
DI MANGAMPANYA KUNG TATAKBO KANG PRESIDENTE!!
Puede ba namang di mangampanya kung tatakbo kang presidente???
ANO KAYA YON!!!
Siempre ma ngangampanya ka pa rin.. di nga lang garapalan gaya ng ginagawa ng halos karamihang mga politiko!!
nag-e-english pero di mo namna ata naiintindihan mga sinabi ni aga...basahin mo ulit...
and it gets dirtier, and dirtier, deeper and deeper the pangs of greed in the face of the philippine government!
i try not to watch the updates about the typhoons wherein kababayans are handed a bag of sorties...a cup of rice, a bottled water, noodles...at ubos na raw ang milyons of money allocated to the relief drive, kani-kanino kayang bulsa nahulog ang mga milyones? nakakasakit ng loob...
kaya ang iba nagsasapalaran sa abroad, kahit na mahulog sa bitag ng white slavery...the plight of so many pinoys around the globe...
juan dela cruz...sana nga ang susunod na presidente at gabinete matulungan ka man lang bumangon sa pagkakahandusay sa gitna ng trahedyang iyong kinalulugmukan.