news

Aiko Melendez refutes claims that she did not extend help to typhoon victims in Quezon City
by Archie de Calma posted on October 8, 2009  STATS: 10969 Views | 29 Comments

 

"Naniniwala naman kasi ako na ang mga bagay na ganito ay responsibilidad talaga ng isang public servant na gaya ko. Lalo na sa ganoong pagkakataon, pero hindi na kailangang konting kibot, nami-media para lang masabing tumutulong ako," says Aiko Melendez.

Photo By: Noel Orsal

Iniintriga pala ang actress-politician na si Aiko Melendez kaugnay ng nakaraang bagyong Ondoy na maraming pininsala. Iniugnay kasi ang pagtulong diumano ng aktres na si Angel Locsin sa ilang barangay na nasasakupan ni Aiko sa second district ng Quezon City bilang konsehala roon, at sinasabing wala raw nagawa si Aiko para matulungan ang kanyang constituents na naapektuhan ng kalamidad.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Aiko nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Hindi naman kasi totoong wala akong ginawa," sabi ni Aiko. "And in fact, hanggang ngayon, wala kaming tigil sa pagtulong at paghingi na rin ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyo. Pagkatapos na pagkatapos ng bagyo, kahit binabaha pa ang ilang areas, dumalaw na ako sa Barangay Holy Spirit at sa Bagong Silangan para mamahagi ng relief goods, at obserbahan na rin ang iba pang pangangailangan ng mga tao doon.

"Naniniwala naman kasi ako na ang mga bagay na ganito ay responsibilidad talaga ng isang public servant na gaya ko. Lalo na sa ganoong pagkakataon, pero hindi na kailangang konting kibot, nami-media para lang masabing tumutulong ako."

At press time, 15 barangays na raw ang nabibisita ni Aiko nang personal at namamahagi talaga siya ng tulong.

"Pagkain talaga ang kailangan nila doon," sabi niya. "Dapat na ma-sustain din ang pagtulong, at hindi naman yun minsanan lang. Kailangang pina-follow up yun, at yun ang hindi naiintindihan ng iba. Kaya nga kinakapalan ko na ang mukha ko, nilalapitan ko pati ang mga kaibigan ko, like Regine Velasquez, Ogie Alcasid, and Pops Fernandez. Nagbigay talaga sila ng tulong. Kasi, kung iaasa din lang lahat sa Q.C. government 'yan, kakapusin.

"Napakalawak ng damage ng bagyo, lalo sa district na nasasakupan namin. Mabuti na lang, to prove it, ikinalat ko sa Facebook yung documented photos, yung accounts ng pagtulong na ginawa namin personally.

"Hindi na ito dapat ginagawa, pero mabuti na rin yun. May dates talaga ang na-document na mga litrato, just to prove na kumikilos naman kami at hindi totoong wala na kaming ginagawa. Sa City Hall din kasi, kailangan ang mga proof na yun para malaman din nila doon na totoo ang naire-report namin at yung hinihingi naming tulong na dapat i-extend sa mga kababayan natin," paliwanag ni Aiko.

Malapit na kasi ang eleksyon. Hindi kaya naiisip ni Aiko na pakana rin ito ng mga kalaban niya sa pulitika?

"Hindi ko na iniintindi kung inggit ba 'yan o sinisiraan lang ako, kasi hindi ko na problema 'yan," saad niya. "Ako naman, mananahimik lang siguro ako kung guilty ako sa mga akusasyon. Pero ito'y malinaw na walang basehan.

"Hindi ko lang talaga ugaling sa bawat pagtulong ko, kailangang nabu-broadcast o nami-media. Kawanggawa 'yan, e. Hindi na 'yan dapat ibinabalandra sa mga tao, kasi marami naman ang makapagpapatunay—lalo na ang mga supporter ko—na tumutulong talaga kami sa mga nangangailangan.

"Hindi na rin kailangang maghintay na may humingi ng tulong. Kasi, sa halip na siraan nila ako o intrigahin, o kahit na sino sa panahon ng krisis, mas mabuti sigurong tumulong na lang tayo. Yun lang din ang ginagawa ko, hindi lang bilang public servant, kung hindi as a private citizen na may responsibilidad sa kapwa ko kapag may mga ganitong pagsubok na dumarating.

"At wala naman sa intensyon ko na gagawin ko lang ito dahil tatakbo ako sa pagka-vice mayor sa susunod na eleksyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon, sapat ang maitutulong ng munisipyo, pero gumagawa kami ng paraan para makatulong."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

29 Comments

  • 29  careermuna

    10/10/2009 | 11:15 PM
    alam nyo ba sa canada nga may lifestyle check sa mga nakaupo jan...pag nga nakabuntis o may mistress ka,tatangalin kana,.gaya ni BONG REVILLA sa a tin,..kase ,may kaagaw sa pera ng bayan e,.hehe,..at dapat lang na role model ang mag nakaupo diba?may silbi,..at ito pa,..mas matalas mag ingles kesa sa ordinaryong tao kase nga nakikipag usap sila sa ibnag bansa diba?/umayos,..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  careermuna

    10/10/2009 | 11:08 PM
    aiko,.baka matalo ka na ,.kase di mo ayusin nag sarili at life mo jan,.nagbibilang ka ng asawa ,.masama yan iha,...maawa ka sa sarili mo,...maging role model ka naman...pero love kita kase magaling ka na actres..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  fey_survivor

    10/10/2009 | 01:59 PM
    namigay nga kya lng napansin k ung bottled water my nksticker ng melendez.ok n sana nmigay e bt kailangang mg aksaya p ng sticker,ang pgtulong nya is not 100 come from heart.wasted help.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  squared

    10/09/2009 | 12:40 PM
    baka ma misinterpret lang ho. hindi kasama sa balita daw ang ibang mga nabanggit na personalidad sa online g----g. wala kasing parenthesis dito sa PEP. salamat PEP, mabuhay kayo. merry Christmas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  squared

    10/09/2009 | 12:38 PM
    magsitigil nga kayong hidi mga taga district 2. hindi lang si aiko ang nawawala balita kasi nasa online g----g si aiko noon pati na sina: allan francisco, candy medina, winny castelo, toto medalla, atty. bong liban. at higit sa lahat si bistik at SB. kung hindi niyo sila kilala ay hindi kayo taga district 2 at wala kayong karapatang magsabi na malaki ang gagawa ni aiko much less nag-ikot noong kasagsagan ng bagyo and relief operations.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  shidax

    10/09/2009 | 12:13 PM
    Saludo ako sa iyo AIKO at salamat sa pagtulong sa mga kababayan natin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  tearhere

    10/09/2009 | 08:31 AM
    She looks different,since nagka-anak sya nag-iba ichura nya,mgnda pa din nman kaya lng muka na tlga syang nanay.Unlyk her frnds Carmina en Gelli,naka-2 anak na rin pero ang gaganda pa ng katawan.Konting diet Aiko,sayang ang ganda mo kung mgppa-taba ka lng lalo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  ensure

    10/09/2009 | 07:15 AM
    gusto ring umeksena 'tong laos na 'to.
    hoy mangulekta ka na lang kung sino ulit ang makaka tisbun sa yo.
    hahahhahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  TheBloodOrchid

    10/09/2009 | 04:03 AM
    Totoo din naman na minsan may ginawa ka man para makatulong people just dont get enough, dahil mas maraming tao na nangangailangan and sometimes out of frustrations dahil ikaw yung nasa position na elected ikaw yung sinisisi kung bakit it's not enough. Ginusto mong maging politician eh yun yung isa sa mga negative aspects. All eyes are on you and people are harsh that's all there is to it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  kapusong220

    10/09/2009 | 12:53 AM
    it doesn;t mean na porket politician siya e wala na siya karapatan magkaroon ng social life. she is also like one of us na nagmamamahal at nagkakamali. Ang hirap sa ibang commentators, masyadong perfectionist but i'm sure dami din dumi sa mukha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  careermuna

    10/08/2009 | 11:15 PM
    wise na po mga tao now,..dapat lang naman lahat tumulong diba???mapa showbiz o hindi diba???tao tayo no!!!si aiko naman ang ikinakabagsak e yung lifestyle nya din kase nagbibilang ng asawa,....tsk,.nasa pulitika ka aiko so behave,..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  careermuna

    10/08/2009 | 11:08 PM
    we love her being an actress,.magaling sya...sana nga mag ka tv series o movies pa sya,..malalim na actress,..sana nga rin ayusin nya life nya kase di rin sya mapakali ng walang lalake sa tabi,.anong tawag dun??MAKAYI!!!bibingo na sya pag nabuntis pa sya soon,...hehe..sayang!b role model iha,..lifestyle mo jan ka babagsak sa political dream mo,.so,ayusin muna life mo at sarili wid god,...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  2psinapod

    10/08/2009 | 11:05 PM
    GAnon? May tatak ang bote?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  york_shire

    10/08/2009 | 10:37 PM
    sino naman c marissa delgado? hehehehe

    dami lalaki nag kaka gusto kay aiko kasi maganda, kaya mga ingit dyan, wala kayo magawa...gudluck aiko...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  ceasarryan

    10/08/2009 | 09:59 PM
    dapat nga huwag nang i broadcast if gusto mong tumulong.. yan si aiko the best.. dina kailangan ipagsabi me if tululong siya..go aik's im sure mananalo ka sa eleksyon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  lowfaatmilk

    10/08/2009 | 09:50 PM
    honeybums

    TAMA KA DIYAN. nakakahiya naman yun, pulitika nga naman. tutulong na kailangan pang lagyan ng quot;MELENDEZquot; ang bote. TSE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  pangitkopangitkarin

    10/08/2009 | 09:24 PM
    hindi naman issue dito yung pagkakaroon ni aiko ng dalawang anak sa magkaibang lalaki, nagmahal lang siya, nagpakasal at nagkaanak tapos di sila bagay dahil di sila magkasundo or babaero yung mga lalake na naging asawa niya, hindi kailangan magtiis sa piling ng mga walang kwentang lalake para lang ipakita sa mga tao na succesful yung marriage niya, kahit puro away at bangayan ang nangyayari araw araw sa loob ng pamamahay. mas maigi na yung ginawa ni aiko nakipaghiwalay dahil yun ang mas nakakabuti. tama din naman siya di na kailangan pang ibroadcast sa madla para lang masabi tumulong siya. di siya katulad nung iba. ggood work1 good luck Aiko!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  shinin

    10/08/2009 | 08:32 PM
    sagwa ng itsura ni aiko sa pic nya dito. mukha syang kontrabida. nawalan ako ng gana sa babaeng yan mula nung naging siga nung inaway ang grupo ni happy ongpauco. obvious naman na kasalanan nya. naging politiko lang sumama na ang ugali.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  timelessclassics

    10/08/2009 | 07:14 PM
    no. 7 may tama ka...

    Andrei anak ni Jomari
    Martina anak ni Martin
    SOON - anak ni vice mayor

    parang si angelu de leon lang pla to..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  honeybums

    10/08/2009 | 06:15 PM
    Tumulong siya. Nakita ko sa SNN. Meron pa ngang Melendrez na label yung tubig na binibigay niya eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About