Ang pinakabatang castaway ngayong season ng Survivor Philippines: Palau na si Marvin Kiefer ang natanggal sa unang Tribal Council ng merged tribe na Sonsorol.
Dahil itinuturing siyang malaking threat sa laro, ibinoto siya ng siyam niyang kasamahan, pati na ng mga dati niyang katribo sa Koror at ang naging malapit na rin sa kanya na si Jef Gaitan.
Noong una, ang akala ng lahat, ang tinaguriang "Taray Queen" na si Tara Macias ang matatanggal dahil hindi nito kasundo ang karamihan sa mga castaway. Pero dahil isang laro ang Survivor Philippines, mas pinili nilang tanggalin si Marvin dahil nga sa lakas nito sa challenges, na makakasagabal sa pag-abot nila sa tatlong milyong pisong cash prize at sa karangalan bilang Pinoy Sole Survivor.
RETURN OF THE BLACK PEARL. Pero bago tuluyang magpaalam si Marvin ay pinapili siya ng host na si Paolo Bediones ng pagbibigyan ng itim at puting perlas—na ginamit na rin sa unang season ng Survivor Philippines. Ang itim na perlas ay magsisilbing sumpa sa sinumang may hawak nito dahil may isang boto na siya agad sa susunod na Tribal Council. Samantalang ang may hawak naman ng puting perlas ay mababawasan ng isang boto sa susunod na Tribal Council.
Pagkatapos pag-isipan ni Marvin ay nagdesisyon siyang ibigay ang itim na perlas kay Mika Batchelor, samantalang kay Suzuki Sadatsugu naman niya ibinigay ang puting perlas.
Sa kanyang exit interview, ipinaliwanag ni Marvin na kaya niya ibinigay ang itim na perlas kay Mika ay dahil ayaw niyang maging "girls vs. boys" ang labanan. Sa pagkatanggal kasi ni Marvin ay tatlong lalake na lang ang natitira (Suzuki, Shaun Rodriguez, at Charles de Vera Fernandez), samantalang anim pa ang mga babae (sina Mika, Jef, Tara, Echo Caceres, Amanda Coolley Van Cooll, at Justine Ferrer).
Maluwag namang tinanggap ni Marvin ang kanyang pagkakatanggal. Bagamat may mixed feelings siya tungkol dito ay kailangan niya raw tanggapin ito.
Si Marvin ang kauna-unahang miyembro ng Jury na magdedesisyon kung sino ang tatanghaling Pinoy Sole Survivor.
THE MERGE. Nang makatanggap ng Tree Mail ang Koror at Airai ay nagtungo sila sa site ng challenge. Doon ay sinalubong sila ni Paolo.
Nagulat ang natitirang siyam na castaways—anim mula sa Koror at tatlo mula sa Airai—nang ipatanggal sa kanila ni Paolo ang buffs nila. In-announce ni Paolo na wala na ang Koror at Airai dahil iisang tribo na lang sila sa puntong yun.
Nagtalunan ang mga castaways at isa-isa silang binigyan ni Paolo ng kulay blue na buff, na magsisilbing kulay ng bago nilang tribo, ang Sonsorol.
Sinabi rin ni Paolo na walang Reward Challenge na magaganap, kundi bibigyan lamang sila ng reward. Lilibutin nila ang mga isla ng Palau sakay ng isang yate, kung saan meron silang cocktails, inumin, at isang piging.
JUSTINE'S RETURN. Pagkatapos ng paglilibot ng mga castaway sa Palau ay ibinaba sila sa Isla Debed, kung saan naroon muli si Paolo.
Ipinaliwanag ni Paolo ang activity na gagawin ng mga castaway. May dalawang shelters na ipapakita sa kanila. Iiskoran nila ang mga ito base sa ibibigay na criteria. Binigyan sila ni Paolo ng parchment at pansulat at sinabihang huwag magkopyahan.
Pagkatapos kilatisin ng mga castaway ang dalawang shelters ay kinuha na ni Paolo ang kanilang score sheets. Pero bago i-announce ni Paolo kung sino ang nanalo ay ipinapanood muna sa kanila ang isang twist na lingid sa kanilang kaalaman—ang Isla Purgatoryo.






sa mga natitira. . . halos lahat sila plastik at walang paninindigan. hindi sila marunong maglaro ng patas. . . LAHAT SILA TAKOT. . . INSECURED sa mga kakayahan nila dahil na ti threaten sila kay marvin. . . THEY DON'T DESERVE TO WIN. . . Si Echo, lumalabas na ang tunay na ugali - ganid. Si Jef - ipokritang sinungaling na gusto rin mawala yung pinakaquot;malakasquot; na gusto raw alagaan. Si Tara - palengkerang tagabundok na kulang sa breeding. Si Charles - weakling na nag papa awa effect na pag nakatalikod iba ang ugali. and so on and so forth.
si Jef ang pinakamahina, si Tara ang least na likeable at aside from Shaun at Mika na pinakamalakas as of now, does that mean na sila ang matitira at mananalo?
what about justine na tinalo lahat na pinatalsik nila nung una? si charles na so friendly sa lahat?
hehehehehe dami pang twist na pwede mangyari ano?
Yup, JC Tuiseco is cute after their successful dramarama w/ Maxene, he'll be doing one again w/ Maxene this time sila na.
Still our number 1 bet is Marvin, next, Justine, Suzuki, Shaun, Amanda, Charles.
SP na mamaya after Rosalinda and before Shining Inheritance!
Gogogo pa din kay Vaklush! V for Vendetta!!! La Vendetta!!! V for Justine Veklah!
We love Survivor Philippines Palau! Ang galing galing! Hindi kami tinitipid!
sabi nga pala ni paolo may hidden immunity ba yun?1?
GMA7 THE BEST!
SURVIVOR ROCKS!
greetings from LONDON
SIYA ANG PINAKA PLASTIC SA LAHAT!
I LOVE MARVIN!
mas ok pa kung kina dindong, richard, aljur, at mark anthony sya ihahanay dahil papable sya. wag na isali ang mga baduy na artista ng dos like piolo and echo at sino pa ba? john lloyd? un lang naman ang mga leading men dun eh.
ang talino ni mika..buwaya na ahas pa..hahaha
sobrang nasusuka na ako sa kanya!!!
mas gusto ko pa si TARA!
atleast sya totoo! sinasabi nya pag-galit sya
pero si mica nakakatakot sya!!!
napakagaling nyang magpa-ikot!
uto-uto naman itong mga KORROR! lalo na si ECHO!
hindi nya alam na iisahin na pala sila ng AIRAI!!!