Last month pa unang umugong ang usap-usapan na hindi na magre-renew ng kanyang contract si Claudine Barretto sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, na nag-aruga at nagpasikat sa kanya mula nang magsimula siya sa showbiz.
Last week, napabalita muli sa isa pang pahayagan na lilipat na si Claudine Barretto ng kuwadra. Pero it turned out na hindi naman pala TV network—from Kapamilya to Kapuso—kundi film outfit.
Last Thursday, October 8 ng gabi, naganap ang paglipat na 'yon ni Claudine nang mag-sign ito ng two-picture contract sa Viva Films ni Boss Vic del Rosario, sa Viva offices sa Tektite Towers in Ortigas Center, Pasig City.
Masayang sinalubong si Claudine ng Viva executives na sina Boss Vic, ang anak nitong si Veronique del Rosario-Corpus, at June Torrejon-Rufino. Nandoon rin ang talent manager na si Shirley Kuan, na manager din nina Albert Martinez, Helen Gamboa, at co-manager ni KC Concepcion, among others.
Nagpadala ng text message ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Shirley, verifying kung siya na ba ang bagong business manager ni Claudine.
Ang reply ni Shirley: "Star Magic pa rin. Nagpasama lang siya sa akin."
RETURN TO THE BIG SCREEN. At any rate, sa nasabing contract signing, ayon sa report ng SNN: Showbiz News Ngayon kagabi, October 9, ilang movie concepts ang kanilang napag-usapan.
"Masayang-masaya ako and I'm very excited coz this is the very first time I'm doing a movie with Viva for a movie," sabi ni Claudine. "I asked permission kay Tita Mariole [Alberto, of Star Magic] at saka kay Mr. M [Johnny Manahan], and Star Magic.
"Ang last movie ko, you must remember, was Sukob pa [with Kris Aquino] and that was in 2006. So, talagang ang feeling ko, parang na-miss ko talaga yung big screen," sambit ng aktres.
Ito'y isang malaking career move para kay Claudine. Pero nangangahulugan din bang iiwan na niya ang Star Cinema—ang film outfit ng Dos—kung saan ilang pelikula ang nagawa niya, na karamiha'y nag-hit at ang ilan ay nagka-award pa?
"Hindi naman ako umalis," paglilinaw ng aktres. "Hindi naman... I'm still gonna be working with them. So, wala... Konting freedom lang ang hiningi ko."
Ibinalita nitong may gagawin nga raw siyang isang Star Cinema movie, pero sa January pa ang start ng shooting nito.
"Sa January pa yun, e. E, we're hoping we could already start working itong November, kasi parang ang tagal-tagal na," pahayag niya.
A SERIES WITH SIS. Magkaganoon man, tuloy pa rin ang pagiging Kapamilya ng aktres dahil, pagbabalita pa rin niya, tuloy ang teleserye nila ng kanyang kapatid na si Gretchen Barretto sa ABS-CBN.
"Tuloy pa rin ang show namin ng ate ko. Kung kelan ilalabas, hindi namin alam. Supposedly, it's October 10 ang start ng taping namin, and then, na-move to the 16th, so... Inaayos pa, may mga inaayos pa, because of the bagyo nga."
Masaya si Claudine dahil may mga bago siyang makakatrabaho sa pelikula, gaya ni Anne Curtis, isang homegrown Viva talent (na may 10 years na yatang mahigit sa kanila), na isa sa mga concept na napag-usapan sa naturang contract-signing.
"I've been telling Anne for the longest time that I'd really love to work with her, and at least, hindi lang kami magkakasama sa iisang network, kundi sa pelikula rin sa labas," say niya.
Ayon sa text message that we got from Ms. Veronique naman ng Viva: "We just presented concepts to her, no final decision yet." Kaya hindi pa confirmed ang Claudine-Anne movie, sa ngayon.
Under Viva, kasalukuyang nagsu-shoot ng bagong pelikula sina Aga Muhlach at Regine Velasquez, pinamagatang Of All The Things, directed by Joyce Bernal.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
49 nevertheless
48 tezamei
47 keepondreamin
46 oreobaby
to be able to work with different directors amp; actors.
Go Claudine! we love you!!
45 oreobaby
Claudine wants to do more challenging role/ different roles..which she cannot do kung naka box lang sya sa isang film outfit..
44 mismogizmo
alvaro_alvaro
October 10, 2009
21:08 PM ang kapuso,ang saya saya nila na may rumors na lilipat si claudine sa gma,pero naudlot ang kasiyaan na only film outfit pala ang lilipatan nya.lol
==========
Balita ko na natakot daw si Claudine na lumipat sa GMA dahil hindi siya sanay na makatrabaho ang mga walang pangalan o hindi kilalang artista.
Kaya play safe siya dahil Viva works with ABS/Star Cinema.
43 mismogizmo
Ang tanong ko lang ay bakit nagtaka siya na five years ago pa ang movie niya. Di ba nagpakasal siya, nabuntis, tumaba?
42 MARKY2000
41 djrw76
40 leonorrivera
39 chok_nutt
38 inggiteraparin
well, sana nga lang kung lilipat siya eh siguraduhin niyang maibabalik ang kanyang kinang dahil may sarili naman na siyang trono sa puting tabing. naks sa tagalog!
37 inggiteraparin
tumpak! kahit siguro lumipat siya sa gma...walang keber ang dos dahil mas marami ngayong mga bata na magagaling..tapos naman na ang time ni clau sa dos as the favorite. kaya siguro oks lang sa dos lumipat man siya. na turn off ako kay clau nong inalipusta niya si Angel.....piolo was turned off as well kaya nga nagtampu si clau kay piolo... masyado kasing feeling si clau...like ko din naman sya......
kahit kasama siya sa darna..keber ko pa din lol..
36 spryperk
35 tagaamparoako
kubang_isnabe
ra
October 10, 2009
23:00 PM Flash News : ...Claudine may Cameo role sa DARNA !..sya yata ang papalit kay angel Aquino na Guardian Darna ...
====================
Confirmed na ba yan, kubang isnabera?
34 inquisitive
33 krenda
32 archeryrich
31 archeryrich
Pwede ka sa GMA since kulang ang artista dun,sila at sila lang ang nakikita mo sa screen,paulit ulit lang kaya sinasabi ng iba na marami daw trabaho mga artista dun.pero ang totoo kokonti lang kasi sila. Dun mabibigyan ka mga projects. Sana may may lumipat na din na actor sa GMA kasi kulang na kulang ang male actors dun,si Diet sana diba kaya lang napurnada.
30 0407cookie
more comments