Armida Siguion-Reyna continues to promote culture in Aawitan Kita sa Makati... Live!

William R. Reyes
Sunday, October 11, 2009 @ 07:47PM  |  5605 views

 

Singer, actress and producer Armida Siguion-Reyna puts in her fiery two cents' worth on the National Artist issue: "The issue is the violation of the rules.  Whether or not they are deserving... is a matter of opinion.  Para sa akin, ang na-violate... ang nababoy ay yung proseso."

 

Photo By: Emerson Sy













Para kay Armida Siguion-Reyna, ang kasalukuyang isinusulong na panukala ng Concerned Artists of the Philippines (CAP) kontra sa apat na nahirang na Pambansang Alagad ng Sining (National Artist) ay may positibong patutunguhan.

"Hindi maaaring hindi maganda ang puntahan niyan, o mapupunta lang 'yan sa magandang ending, kung ang mga ibinoto ng mga kabilang sa committee [ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o CCP, at National Commission for Culture and the Arts]... na nagdya-judge, ay siyang masusunod.

"You cannot right a wrong by making another wrong,"  sabi pa ni Tita Midz nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Tulad ng CAP at iba pang sangay-pangkultura at sining sa Pilipinas, na nagpapasulong ng protesta, naniniwala ang beteranang mang-aawit, aktres at prodyuser na hindi dumaan sa tamang proseso ng pagkakapili ang apat sa hinirang ng Malacañang na National Artist, na sina Cecilia Guidote-Alvarez (Theater), Francisco Mañosa (Architecture), Jose "Pitoy" Moreno (Fashion Design), at Carlo J. Caparas (Visual Arts and Film).

Sinasang-ayunan ni Siguion-Reyna ang ginawang pagtutol ng ilang kabilang sa roster ng National Artists (tulad nina Bienvenido Lumbera, Benedicto Cabrera, Napoleon Abueva at Arturo Luz), sa pamamagitan ng petisyong inihain ng CAP sa kataas-taasang hukuman ng Pilipinas (Supreme Court), bilang isang hamon (o pag-kuwestiyon) sa legalidad ng pagkakadeklara sa apat na personalidad.

Samantala, kabilang sa mga naideklarang National Artist nitong taon, na kasama sa napili ng CCP at NCCA committees, ay sina Manuel Conde (posthumous, Film and Broadcast), Lazaro Francisco (posthumous, Literature), at Federico Aguilar Alcuaz (Visual Arts).

QUALIFICATION IS NOT THE ISSUE. Ang isa pang nakasama sa pagpili ng CCP at NCCA committees, si Ramon Santos (Music), ay tinanggal ng Malacañang sa talaan.

"Ang issue, inililihis nila," paniwala ni Tita Midz.  "Dinadala nila sa qualification.  That is not the issue.  The issue is the violation of the rules.  Kaya sa issue na 'yan, nagkakamali sina Cecile Guidote at Carlo Caparas... si Pitoy naman, at si Mañosa, hindi nagkokontra-protesta...

"Yung qualification, that's a matter of opinion. You may think, 'I'm the best' or 'the most beautiful woman on earth...,' pero yung weight of the process... that is the serious matter.

"And for that alone, they [Guidote-Alvarez, Moreno, Mañosa at Caparas] should not be nominated! They should really be stricken out of the list!" sabi ng ever vocal na Tita Midz.

Ang kanyang maaanghang na pahayag ay sinundan pa ng pagsasabing, "Whether or not they are deserving... is a matter of opinion.  Para sa akin, ang na-violate... ang nababoy ay yung proseso.   Nababoy ng Malacañang, at saka ni Cecile Guidote-Alvarez.  That is unfair!"

Tinutulan nga ng marami ang pagkakapili ng Malacañang kay Guidote-Alvarez, dahil ito ang pinuno ng NCCA, at isinusulong ang kanyang pagkakapili sa puntong ito'y isang "presidential prerogative."

"Tapos, yung talagang nakapasa sa lahat ng committee, yun ang tinanggal?" naiiling na nangingiti na lang si Tita Midz.

CRIS AND MONIQUE.  Hindi man aktibo tulad nang dati bilang artista at prodyuser ng pelikula, masaya raw si Tita Midz sa kasalukuyan niyang buhay.

"I would say that I'm happy.  Yun ang secret ko.  So I cannot produce because, as movie producer, you cannot expect the luxury of your time.  And the function of an artist is to do something that will fulfill his gift of expression.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name