Mismong si Kris Aquino ang naghayag kahapon, October 11, sa ASAP '09 na contract artista na ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, ang kanyang bunsong anak na si Baby James Yap.
"Baby James is now a member of the Star Magic family," deklarasyon ni Kris.
Malugod namang sinalubong si Baby James ng tinaguriang "hari" ng Star Magic na si Piolo Pascual.
"Baby James, welcome to Star Magic family!" ani Piolo.
Nagpasalamat naman si Kris sa pamunuan ng Star Magic.
"Thank you Mr. M [Johnny Manahan], and Mariole [Alberto] for welcoming your youngest member sa Star Magic."
Nag-guest sina Kris at Baby James sa ASAP para personal na tanggapin ang Gold Record Award na ibinigay ng Star Records para sa outstanding sales of more than 10,000 units ng album nilang mag-ina under Star Records na We Are 1.
Kaaagad na pinasalamatan ni Kris ang Star Records, ABS-CBN, ASAP, at ang mga shows niya sa Dos (SNN at The Buzz, para sa promotion ng album); ang mga artists na kumanta sa album gaya nina Piolo, Gary Valenciano, Aiza Seguerra at Rhap Salazar; lahat ng mga record stores; at lahat ng mga taong bumili ng We Are 1 album.
HELP FOR TYPHOON VICTIMS. Dahil sa tagumpay nilang ito ay inihayag ni Kris ang tulong na ibibigay nila sa Star Magic kaugnay ng benefit event at fashion show nitong Magic For A Cause na ginanap kagabi sa ABS-CBN para sa mga nasalanta ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.
"And in support for Magic For A Cause tonight [October 11], I'm pledging lahat ng royalties na tatanggapin namin ni Baby James for We Are 1 ay ibibigay namin dun sa Magic For A Cause. Donation 'yan ni Baby James. Because today would have been my mom and dad's 55th wedding anniversary. So, I'm doing this also to honor my mom and dad.kasi alam namin kung gaano kaimportanteng magtulungan tayo ngayon.
"And sa dami po ng nakikita nating mga kababayan natin na nahihirapan dahil sa [bagyong] Ondoy at Pepeng. And most especially because Pepeng really affected our area in Tarlac and in Northern Luzon. So, Annabelle [Regalado-Borja, Star Records managing head], magbigay ka na ng computation bukas para mabigay na natin para sa mga biktima ng Ondoy at Pepeng," pahayag ni Kris.
Dagdag pa ni Kris, ibinabalik lang daw nila sa mga tao ang tagumpay na tinatamasa nila ngayon.
"Baby James, di ba, it's important to share? Because we are so blessed, so dapat lang na lahat ng blessings na tinatanggap namin, maibahagi po namin sa inyo dahil kung hindi n'yo naman po kami sinusuportahan, wala kaming maibibigay at maibabalik sa inyo. So, maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga Kapamilya," ani Kris.
Ayon naman sa Star Records, malapit na rin daw maging platinum ang album nina Kris.
"Konting-konti na lang po at platinum na kami. Gusto po namin ni Baby James na talagang maraming maibahagi sa ating mga kababayan na totoo namang nangangailangan ngayon. And I commend Star Magic for doing that tonight sa Magic For A Cause because we must lead our celebrities in a very positive way. And in our own way talaga marami tayong matutulungan at mayayakap ng ating pagmamahal at pagkalinga."
Sa huli, nagpahabol pa ulit ng pasasalamat si Kris sa ASAP.






To all the showbiz personalities who work hard and share their earnings to the less fortunates MABUHAY! May you get more blessings in life so you can also share more.
gogogo kris. gogogo bbjames
love ka namin bbjames. excited na kami sa mga shows mo and all. gogogo andito lng kami to support you. malakas ka kaya sa amin.
gogogo bbjames. magmovie kana para makita kana namin sa bigscreen. taz magteleserye ka at hosting paglaki mo. sure yan maghihit.
ang mga magulang iingatan ang pangalan ng mga anak. sa eat bulaga ang mga contestant talaga naman ang mga pangalan puwede mong isumpa ang mga magulang.importante ang pangalan. pag natukso iyan at napaaway kasalanan ninyo. si lucky ayaw ng patatawag kay vilma
si amalia at joseph pinipilit na a at j ang umpisa ng mga pangalan ng mga kamaganak. kaya si aga may anak andres ang pangalan. wala na bang mas matanda pa doon ang pangalan.
ito lang tandaan mo at pakisaksak jan sa makitid mong utak... kris aquino has attained a degree from hard work havent you heard she sent herself to college when she started to earn, meaning she values education very much,money that came from showbiz tingin mo papbayaan nya anak nya komo SM talent na,,, bakit alm mo na ba kung anung mga klaseng project nakaline up para kay baby james to say na magiging mal edukado in the future yung bata... LITTLE LEARNING IS AVEREY DANGEROUS THING, people are entitled to their own opinion pero let us all remember na theres a thin line between opinions and mockery, its high time for everyone to learn how to think before voicing out comments such as what avisala made, simple lang naman diba kung di kayo approve sa ginawa ng isang tao bakit di nyo analng sabihin quot;sana di nalang nya pinasok maxado pang bataquot; bakit kailangan insultuhin pa at pagsalitaan ng masasakit at di magaganda, harap harap nga muna sa salamin avisala.. try mo paganahin ng maayos
aysusmaryosep
kaya di mu maintidihan - dahil dinidibdib mu ang komento ko. WAG, komento kulang ito ha. huminga kalan' at wag mung isipin kasi na paninira ito kay kris, kay tuloy, nasasaktan ka - peace!
GOGOGO BBJAMES LOVE KA NAMIN.