Dinumog ng mga Caviteño ang Namamasko Po concert sa Dasmariñas National High School (DNHS) last Sunday, October 11.
Ang naturang concert ay pinangunahan ng Wowowee host na si Willie Revillame. Bukod kay Willie, kumanta rin ang sexy singers na sina Alynna, Mae Rivera, Selena Sevilla, at Jessa Zaragoza. Nag-perform din si Blakdyak at ang rapper na si Andrew E.
Si Senator Manny Villar ang nagdala kay Willie at ang iba pang singers doon bilang maagang pamasko ng mambabatas para sa mga Caviteño.
Kabilang din dapat sa libreng concert ang pagbibigay ng bahay at lupa ni Senator Villar sa mga Caviteño. Pero dahil sa grabeng pagsisiksikan at tulakan para mapiling contestant sa "Bigaten"—kung saan ang mananalo ay mabibigyan sana ng bahay at lupa—nagdesisyon si Willie na huwag nang ituloy ang palaro.
Naawa si Willie sa mga kababaihan, lalo na ang mga matatanda na naiipit para lamang makalapit sa kanya at mapiling "Bigaten" contestant. Imbes na sila ang makipagsiksikan at lumapit kay Willie, ang TV host na ang bumaba ng stage at saka inikot ang buong quadrangle ng DNHS.
Tumulong na rin si Senator Villar kay Willie sa pamimigay ng jacket at iba pang giveaways, gayundin ang dalawa pang anak ng senador na sina Mark at Camille.
NOT BASED ON MONEY. During the concert ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Senator Villar tungkol sa mga isyung lumabas tungkol sa kanila ni Willie. Partikular na ang tungkol sa pagsososyo diumano nila ni Willie sa P1.8 billion worth na Wil Theater/Mall with matching twin tower sa tapat ng ABS-CBN Audience Entrance.
Nilinaw ni Senator Villar na ang construction company lamang niya ang in-charge sa pagtatayo ng mall at twin tower, pero ang lupa ay pag-aari raw ni Willie. Wala rin daw siyang binigay na P300 million na pera kay Willie para ikampanya siya sa kanyang pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas. Hindi raw nakabase sa pera ang partnership nila ngayon ni Willie.
Tinanong din namin si Senator Villar kung totoo ba na kinakausap nila si Senator Jinggoy Estrada para maging running mate niya sa 2010 elections. Nabanggit kasi ni Jinggoy ito sa amin sa birthday celebration ng kaibigan niyang si Senator Bong Revilla.
"Wala pa kaming napagdedesisyunan, pero marami kaming pinagpipilian," sagot ni Senator Villar. "Sa ngayon, hindi pa namin naaasikaso 'yan. At magkakaroon naman kami ng malaking announcement if ever may final decision na siguro mga first week ng November bago ang deadline sa pagpa-file ng candidacy sa Comelec."
Isasama ba niya si Willie once he files his candidacy sa Comelec?
"Ah, that's a good idea. Why not? Pero ngayon, hindi pa namin naiisip 'yan," sabi ng senador.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
81 alvaro_alvaro
80 option05
79 liefdes545leven
78 liefdes545leven
77 wiseguy888
76 teenaruby
ok lang yon... pero sana malaman mo kung anong ginawa ni Villar sa mga me ari ng bahay sa Camella Homes.
75 teenaruby
74 cagayana2
.
but hanging question is... ganun ba kalakas sa tao si willie that politions are willing to pay him 300M for endorsement?? .
.
kaya naman tulo laway sa inggit tong si joey kay willie eh..siguro pag si joey to, 1 to 2 million lang ang fee.
73 dumped_heart
Just my opinion, peace.
72 FrancisKo
sa mga nasalanta ng bagyo - di makatawid, dahil hinyang sa bayad sa bangka - kaya, ginagawa, lumlusong nalang...tapos milyones, binibigay lang - maawa naman kayo, kung ibubuto - positibong - babalik ang nakakarami sa, bangka at kuliglig na sasakyan.
71 rydksa
70 moviefandin
69 beachbum
68 matangbaka
67 kooracha
Utang na loob, pipol, huwag ninyong iboboto ang mga ganitong klase ng tao...sa laki ng gingastos n'yan, pag yan ang umupo, babawiin n'yan ng todo todo sa kaban ng bayan yung mga ginastos n'ya.
NOYNOY pa rin!
66 mrpogiako
65 mixandmatch
aanhin itong tandem na ito..
villar willie ano meron dito kundi pareho silang kurakot..
64 kontilang
63 solidaridad
62 neophyte
Sana nga KUNIN NI VILLAR SI WILLE AS HIS RUNNING MATE!!!
Maski MAHIRAP yung mga tao, hindi mawawala ang kanilang pagasa na sila ay makasama sa BIGATIN!!!
more comments