news

ELECTION WATCH: Senator Manny Villar denies giving Willie Revillame P300 million to campaign for him
by Trisha Alvarez posted on October 13, 2009  STATS: 286 Views | 81 Comments

 

Senator Manny Villar (left) answers reports saying that he gave Wowowee host Willie Revillame P300 million to support him in his presidential bid in the 2010 elections.

Photo By: Noel Orsal (Villar) & ABS-CBN (Willie)

Dinumog ng mga Caviteño ang Namamasko Po concert sa Dasmariñas National High School (DNHS) last Sunday, October 11.

Ang naturang concert ay pinangunahan ng Wowowee host na si Willie Revillame. Bukod kay Willie, kumanta rin ang sexy singers na sina Alynna, Mae Rivera, Selena Sevilla, at Jessa Zaragoza. Nag-perform din si Blakdyak at ang rapper na si Andrew E.  

Si Senator Manny Villar ang nagdala kay Willie at ang iba pang singers doon bilang maagang pamasko ng mambabatas para sa mga Caviteño.

Kabilang din dapat sa libreng concert ang pagbibigay ng bahay at lupa ni Senator Villar sa mga Caviteño. Pero dahil sa grabeng pagsisiksikan at tulakan para mapiling contestant sa "Bigaten"—kung saan ang mananalo ay mabibigyan sana ng  bahay at lupa—nagdesisyon si Willie na huwag nang ituloy ang palaro.

Naawa si Willie sa mga kababaihan, lalo na ang mga matatanda na naiipit para lamang makalapit sa kanya at mapiling "Bigaten" contestant. Imbes na sila ang makipagsiksikan at lumapit kay Willie, ang TV host na ang bumaba ng stage at saka inikot ang buong quadrangle ng DNHS.

Tumulong na rin si Senator Villar kay Willie sa pamimigay ng  jacket at iba pang giveaways, gayundin ang dalawa pang anak ng senador na sina Mark at Camille.

NOT BASED ON MONEY. During the concert ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Senator Villar tungkol sa mga isyung lumabas tungkol sa kanila ni Willie. Partikular na ang tungkol sa pagsososyo diumano nila ni Willie sa P1.8 billion worth na Wil Theater/Mall with matching twin tower sa tapat ng ABS-CBN Audience Entrance.

Nilinaw ni Senator Villar na ang construction company lamang niya ang in-charge sa pagtatayo ng mall at twin tower, pero ang lupa ay pag-aari raw ni Willie. Wala rin daw siyang binigay na P300 million na pera kay Willie para ikampanya siya sa kanyang pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas. Hindi raw nakabase sa pera ang partnership nila ngayon ni Willie.

Tinanong din namin si Senator Villar kung totoo ba na kinakausap nila si Senator Jinggoy Estrada para maging running mate niya sa 2010 elections. Nabanggit kasi ni Jinggoy ito sa amin sa birthday celebration ng kaibigan niyang si Senator Bong Revilla.

"Wala pa kaming napagdedesisyunan, pero marami kaming pinagpipilian," sagot ni Senator Villar. "Sa ngayon, hindi pa namin naaasikaso 'yan. At magkakaroon naman kami ng malaking announcement if ever may final decision na siguro mga first week ng November bago ang deadline sa pagpa-file ng candidacy sa Comelec."

Isasama ba niya si Willie once he files his candidacy sa Comelec?

"Ah, that's a good idea. Why not? Pero ngayon, hindi pa namin naiisip 'yan," sabi ng senador.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

81 Comments

  • 81  alvaro_alvaro

    10/31/2009 | 11:09 AM
    be sure to watch wowowee after showtime and before nagsimula sa puso on the no1 station abs-cbn..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  option05

    10/31/2009 | 11:09 AM
    sinungaling ka villar eh hangang dto nga sa amerika ikaw din ang magbibigay ng paprtemyo na house and lot . pero di bale konti lang naman manonood ng wowowee sa alas vegas mahina benta ng ticket buti nga sa inyo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  liefdes545leven

    10/15/2009 | 05:20 PM
    sana yong mga ibang presidentiables ng oposisyon ay magka-isip at magising sa mga surveys dahil grabe naman ang paglalampaso sa kanila ni NOYNOY. sana magtulungan nlng sila. wag sarili lang ang pairalin. dyan mo makikita kung ano talaga ang layunin nila sa bansa natin. at sana tuloy2x ang pag-iisip at pagkagising ng ating mga mamamayan na iboto si NOYNOY for PRESIDENT.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  liefdes545leven

    10/15/2009 | 05:16 PM
    napaka uliran talaga tong mga aquino. look at them kahit me kailangan silang malaki for noynoy's campaign eh nakuha pa nilang tumulong esp sa ondoy's victims at sa ibang foundations na me ibang pangangailangan. yong rosary album ng mga aquino, ang lahat ng royalties ay ibigay nila sa san carlos seminary para sa mga magpapari. at yong royalties ni bbjames sa album nya ay para na naman sa mga biktima sa ondoy at pepeng. c kris nga nagbigay din ng free service sa mano po for thanking mother lily n sharon. what a GOLDEN HEART. kung lahat ba naman ng mga mayayaman ay kagaya nila, wala sanang kuraption at panlulupig sa mga mahihirap. ang ganda sana ng human rights ng bansa natin. wish ko lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  wiseguy888

    10/15/2009 | 03:45 PM
    sana magtuloy tuloy ang malaking agwat sa presidential survey results ni noynoy over manny villar. please, kung may awa pa kayo sa bayan natin, please dont vote for those candidates who are already spending a lot in campaign ads. these people especially manny villar ay magiging corrupt para mabawi ang gastos. at the rate that villar is spending on tv ads, he will be probably more corrupt than gloria arroyo! junk villar and all candidates who have political ads even before the prescribed period by law.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  teenaruby

    10/14/2009 | 07:04 PM
    dumped heart

    ok lang yon... pero sana malaman mo kung anong ginawa ni Villar sa mga me ari ng bahay sa Camella Homes.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  teenaruby

    10/14/2009 | 07:01 PM
    abs ha... wag ninyong aapihin si NOynoy porket ala siyang pera ha... I am a true blooded kapamilya pero pag inapi ninyo si Noynoy eh mag iisip isip kami! marami rami rin kaming magkakapamilya na naka tfc.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  cagayana2

    10/14/2009 | 07:00 PM
    i hate villar, not voting for him..i hate also willie for being villar's tuta..kahit kapamilya pa ako.
    .
    but hanging question is... ganun ba kalakas sa tao si willie that politions are willing to pay him 300M for endorsement?? .
    .
    kaya naman tulo laway sa inggit tong si joey kay willie eh..siguro pag si joey to, 1 to 2 million lang ang fee.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  dumped_heart

    10/14/2009 | 04:22 PM
    Para sa akin lang mas ok c Villar kay Noynoy kasi meron syang ginagawa at marami na syang natulungan. C Noynoy parang sunod-sunoran lang at wala pang napatunayan sa sarili nya kahit matagal na syang senador. Parang wala pa syang sariling identity at sumisilong lang sa mga magulang nya.

    Just my opinion, peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  FrancisKo

    10/14/2009 | 02:11 PM
    kasi isip naman mga kababayan.

    sa mga nasalanta ng bagyo - di makatawid, dahil hinyang sa bayad sa bangka - kaya, ginagawa, lumlusong nalang...tapos milyones, binibigay lang - maawa naman kayo, kung ibubuto - positibong - babalik ang nakakarami sa, bangka at kuliglig na sasakyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  rydksa

    10/14/2009 | 01:33 PM
    NEVER aamin yan kc ba naman ang laki ng pera. eh kung ibinigay na lang ba yan sa sa mga foundation na tumutulong sa binaha eh di mas me [pakinabang pa kaysa ibigay sa taong wala ring kwenta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  moviefandin

    10/14/2009 | 01:02 PM
    yang mga ganyan obvious ba na hindi aaminin. 300Million is a lot of money, maybe enough to rehabilitate a city damaged by ondoy. so geezzz... please...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  beachbum

    10/14/2009 | 12:52 PM
    Aquino/Roxas tandem is the much awaited savior of our country. They might not be able to eradicate corruption completely but I believe they have the highest integrity and moral obligation to mitigate this cancer of our society. It's time for us hold hand in hand and shout all over the country to elect Noynoy for president and Mar for vice president.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  matangbaka

    10/14/2009 | 10:28 AM
    hayyy lht ng mga presidentiables... same dog different collars... in the end magiging mas corrupt pa sila... kinuha pa ni villar c willie to campaign? hahahahha ewan q sa inyo... kawawa tlg pnas!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  kooracha

    10/14/2009 | 10:25 AM
    Ang nagagawa nga naman ng pera. Kahit hindi mine mention ni Willie ang name ni Villar sa wowowee, panay naman ang sabi n'ya ng YUNG LAGING NAKASUOT NG ORANGE...kampanya na rin yun.
    Utang na loob, pipol, huwag ninyong iboboto ang mga ganitong klase ng tao...sa laki ng gingastos n'yan, pag yan ang umupo, babawiin n'yan ng todo todo sa kaban ng bayan yung mga ginastos n'ya.
    NOYNOY pa rin!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  mrpogiako

    10/14/2009 | 09:45 AM
    Before mataas ang tingin ko kay Villar, isa siyang kagalang-galang na tao. Pero ngayon..utak Biya din pala siya. Hala.. magsama kayo ni Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  mixandmatch

    10/14/2009 | 09:14 AM
    go for noy..

    aanhin itong tandem na ito..
    villar willie ano meron dito kundi pareho silang kurakot..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  kontilang

    10/14/2009 | 08:35 AM
    mag-isip naman kayo! si moneyV and si willie magkasama? parehong mandaraya 'tong dalawa na 'to...ang laki na nagasto ni money villar sa kampanya, paano niya yun babawiin, pagnakaupo na siya as president? Wow! kawawang Pilipinas..huhuhu..nagtataka ako bakit pati si sen Allan Cayetano nasa kampo ni MoneyV, e corrupt nga 'to...tsk,tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  solidaridad

    10/14/2009 | 08:32 AM
    Kaya naman pala maraming pera si Willie galing kay Villar. Mabuting ngang maraming maubos na pera si Villar sa pangangapanya hindi naman siya mananalo. Mabawi lang yong ibang perang nakuha niya sa C5. Akala kaya niya na iboboto siya ng tao dahil kinakampanya siya ni Willie. Sabagay maraming Pilipinong saksakan ng engeng tingnan ninyo si Erap na convict na ng plunder ayun at namamayagpag pa at kasama pa si Enrile at Defensor. Dapat yong dalawang matandang yon na kay Arroyo. Dapat huway nang iboto si Enrile at Defensor. Iboto straight Liberal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  neophyte

    10/14/2009 | 08:25 AM
    Actually....VILLAR-WILLIE is the TEAM TO BEAT!!!

    Sana nga KUNIN NI VILLAR SI WILLE AS HIS RUNNING MATE!!!

    Maski MAHIRAP yung mga tao, hindi mawawala ang kanilang pagasa na sila ay makasama sa BIGATIN!!!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About