news

ELECTION WATCH: Senator Manny Villar denies giving Willie Revillame P300 million to campaign for him
by Trisha Alvarez posted on October 13, 2009  STATS: 282 Views | 81 Comments

 

Senator Manny Villar (left) answers reports saying that he gave Wowowee host Willie Revillame P300 million to support him in his presidential bid in the 2010 elections.

Photo By: Noel Orsal (Villar) & ABS-CBN (Willie)

Dinumog ng mga Caviteño ang Namamasko Po concert sa Dasmariñas National High School (DNHS) last Sunday, October 11.

Ang naturang concert ay pinangunahan ng Wowowee host na si Willie Revillame. Bukod kay Willie, kumanta rin ang sexy singers na sina Alynna, Mae Rivera, Selena Sevilla, at Jessa Zaragoza. Nag-perform din si Blakdyak at ang rapper na si Andrew E.  

Si Senator Manny Villar ang nagdala kay Willie at ang iba pang singers doon bilang maagang pamasko ng mambabatas para sa mga Caviteño.

Kabilang din dapat sa libreng concert ang pagbibigay ng bahay at lupa ni Senator Villar sa mga Caviteño. Pero dahil sa grabeng pagsisiksikan at tulakan para mapiling contestant sa "Bigaten"—kung saan ang mananalo ay mabibigyan sana ng  bahay at lupa—nagdesisyon si Willie na huwag nang ituloy ang palaro.

Naawa si Willie sa mga kababaihan, lalo na ang mga matatanda na naiipit para lamang makalapit sa kanya at mapiling "Bigaten" contestant. Imbes na sila ang makipagsiksikan at lumapit kay Willie, ang TV host na ang bumaba ng stage at saka inikot ang buong quadrangle ng DNHS.

Tumulong na rin si Senator Villar kay Willie sa pamimigay ng  jacket at iba pang giveaways, gayundin ang dalawa pang anak ng senador na sina Mark at Camille.

NOT BASED ON MONEY. During the concert ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Senator Villar tungkol sa mga isyung lumabas tungkol sa kanila ni Willie. Partikular na ang tungkol sa pagsososyo diumano nila ni Willie sa P1.8 billion worth na Wil Theater/Mall with matching twin tower sa tapat ng ABS-CBN Audience Entrance.

Nilinaw ni Senator Villar na ang construction company lamang niya ang in-charge sa pagtatayo ng mall at twin tower, pero ang lupa ay pag-aari raw ni Willie. Wala rin daw siyang binigay na P300 million na pera kay Willie para ikampanya siya sa kanyang pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas. Hindi raw nakabase sa pera ang partnership nila ngayon ni Willie.

Tinanong din namin si Senator Villar kung totoo ba na kinakausap nila si Senator Jinggoy Estrada para maging running mate niya sa 2010 elections. Nabanggit kasi ni Jinggoy ito sa amin sa birthday celebration ng kaibigan niyang si Senator Bong Revilla.

"Wala pa kaming napagdedesisyunan, pero marami kaming pinagpipilian," sagot ni Senator Villar. "Sa ngayon, hindi pa namin naaasikaso 'yan. At magkakaroon naman kami ng malaking announcement if ever may final decision na siguro mga first week ng November bago ang deadline sa pagpa-file ng candidacy sa Comelec."

Isasama ba niya si Willie once he files his candidacy sa Comelec?

"Ah, that's a good idea. Why not? Pero ngayon, hindi pa namin naiisip 'yan," sabi ng senador.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

81 Comments

  • PhilEntPortal

    10/13/2009 | 03:33 PM
    Halatang di totoo ang humor na to'

    Korni
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About