Kumpirmadong tinanggal na si Sunshine Dizon sa afternoon soap ng GMA-7 na Tinik Sa Dibdib.
Kaugnay nito ay nagpalabas ng maikling official statement ang Kapuso network. Ayon sa kanila: "GMA Network would like to inform the public that it has pulled out Ms. Sunshine Dizon from her current afternoon drama program, Sine Novela Presents Tinik Sa Dibdib, due to health reasons.
"It was decided that Ms. Dizon's condition would make it impossible for her to perform as an actress. GMA Network advised Ms. Dizon to rest in order to fully recover."
Bagamat "health reasons" ang ibinigay na dahilan ng GMA-7, may mga lumalabas na iba't ibang reports sa tunay raw na kadahilanan sa pag-pullout kay Sunshine sa Tinik Sa Dibdib.
Una na nga rito ang balitang "buntis" diumano si Sunshine. Pero mariin itong pinabulaanan ng ina ng aktres na si Dorothy Laforteza.
Ayon sa ina ni Sunshine, magbabakasyon muna ang kanyang anak sa U.S., kung saan naroroon ang ama nito. Plano rin daw ni Sunshine na mag-aral doon at hindi pa sigurado kung babalikan nito ang pag-aartista.
May lumabas din report na "depressed" diumano ngayon si Sunshine. Ito ay dahil daw sa pakikipag-break niya sa kanyang boyfriend, na kapatid diumano ng aktres na si Tanya Garcia.
Ang balita pa nga, kaya raw naospital si Sunshine dahil na-overdose diumano ito sa sleeping pills. Pero walang gustong magkumpirma ng report na ito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-backout o pinalitan si Sunshine sa isang proyekto. Matatandaang nag-backout din siya noon sa afternoon soap na Gaano Kadalas ang Minsan?. Nakapag-taping at nag-pictorial na noon si Sunshine, pero pinalitan siya ni Camille Prats, na noo'y kapapanganak lang sa kanyang unang baby. Dahil daw sa matinding migraine niya kaya nag-backout noon si Sunshine.
Si Sunshine ang gumaganap sa lead role bilang Lorna sa Tinik Sa Dibdib. Sa kanyang pagkakatanggal sa show, papalitan siya ng StarStruck Avenger na si Nadine Samonte, na huling napanood bilang Babaeng Impakta sa Darna.
Halos isang buwan nang umeere sa Kapuso network ang TV remake na ito ng 1985 film na pinagbidahan ni Ms. Nora Aunor. Kaya malaking problema sa mga scriptwriter ng Tinik Sa Dibdib kung paanong gagawing kapani-paniwala na mag-iiba ng hitsura ang central character ng Sine Novela na ito.
Kasalukuyang nasa Germany si Nadine, pero sa Sabado, October 17 na ang balik nito. Magsisimula siyang mag-taping para sa Tinik Sa Dibdib sa Oct. 19.
Bukod sa Tinik Sa Dibdib ay hindi na rin mapapanood si Sunshine sa morning program na Unang Hirit at sa weekly musical-variety show na SOP.
Isa rin sana si Sunshine sa magiging judge ng StarStruck V, pero dahil sa nangyari ay mukhang hindi na rin siya matutuloy rito.






correct! andami niang show, kaya sa tingin ko hindi lang basta basta prob nia.. bka health reasons talaga.. kac di ba? kung kaya nman niya mgwork bkit ngayon pa xa magpapahinga dahil lng sa lovelife?! kaya i don't think its about that.. bka health reasons talaga.. and i think kung buntis man, much better than sa lumalalang migraine.. babies are blessings and illness are just sufferings..
OT: Nakita niyo yung scoopbox,taray noh? Si Rhian na naman ang nakakuha ng role para sa leadinglady ni DD sa movie niya since hindi pwede si Marian.
Wala na bang ibang girl???
lols
hahahaha wag mo na dagdagan si jezza sa pangangalandakan ng green card nya noh hahahaha.... itong si sunshine naman malamang pagbalik nito ang drama sa airport eh tipong hello philippines, natagpuan ko na ang sarili ko, artista na ako ulit. echos!
At bakit naman naging HOt ang article na ito???
Anyways, pagbigyan, pagbigyan, kahit dito lang sa PEP, maging hot naman.
Sa tagal ni shine sa showbiz tapos ala pa ring napatunayan, baka nga kailangan niya lang magrefresh, or better yet, retire.
Bakit nga pala walang article ang PEP about CMMA kung saan maraming awards ang KAPAMILYA.
ABS-CBN The 1st Philippine TV Station...
Proud to be Kapamilya, since I was still an embryo, fetus and this will last for life, for all eternity and forever...until my next life...Mabuhay ABS-CBN.