Nagkaroon ng media launch ang The Bar para sa cocktail drink na nagiging craze sa young crowd ngayon, ang apple vodka. Ginanap ito kahapon sa Eastwood Mall, at isa sa mga endorsers ng bagong mix ay si John James Uy.
Kasama ang iba pang Star Magic talents na sina Jay-R Siaboc, Wendy Valdez, Joyce So at Jaymee Joaquin sa pag-e-endorse nito.
Bukod dito, ang "Be Bench" finalist noon at ngayon ay gumagawa na rin ng pangalan bilang artista. Tampok si John James bilang isa sa mga suporta ni Coco Martin sa Tonyong Bayawak ng ABS-CBN.
"Parang one of the Alabang Boys ang role ko," nangingiting sabi ni JJ. "Coño kid na kontrabida ang role ko sa Tonyong Bayawak.
"Medyo natagalan nga. Nag-guest lang ako sa Tayong Dalawa, Your Song, The Wedding, kahit paano, may exposures. Puro guestings. Yun lang ang puwede kong gawin sa ngayon.
"Kasi bulol pa ako. Konting ayos lang. Pinagbabasa lang ako ng komiks. Kailangan ko nga ng Tagalog tutor. Kinakausap ko ang mga katulong sa bahay. Medyo konti pa.
"'Yan ang setback ko. Alam ko naman ang weaknesses ko, and my Tagalog is one of them," sabi pa niya.
At least, bongga si JJ dahil nakapag-VJ (video jock) siya sa Myx USA. Pero, nagbabawas nga raw ng VJs sa U.S. dahil hindi ito masyadong click doon. Mayroon pa raw mga VJs, pero hindi na nagbi-VJ si JJ.
JJ'S STALKER. Umiiwas na rin daw yung hacker/stalker na for a time ay gumagambala sa kanya.
"Thank God," at napabuntung-hininga siya. "Baka natakot na rin sa kung anu-anong istoryang lumabas. Kumalat kasi, 'tapos naging subjects pa sa talk shows.
"Nakakainis nga, kasi, na-hack ang e-mail ko, ang Facebook, pati iba ko pang accounts sa Internet. Mukhang umiwas nga nang medyo lumalaki na ang istorya sa media.
"Wala talaga akong alam, except that he or she is using a bogus name, I don't know. Jenna Jimenez yung name. Girl ang pangalan, but we don't know kung girl nga siya."
Imposible naman daw na yung ex-girlfriend niya na si Carla Humphries ang may kagagawan niyon. Mabait daw ito sa kanya.
"Kahit matagal na kaming nag-split, last January. Hindi nag-work. Maybe we just have to give more time to ourselves. Minsan, may communication pa rin. Nakita ko siya sa Star Magic Ball," sabi pa ni JJ.
Natawa nang malakas si JJ nang tanungin namin kung ano ang feeling niya nang pinagpalit siya ni Carla kay Raymond Gutierrez.





Carlo and Raymunda? Yuck. Gusto ko pa naman sana si Carla. papatol ba siya sa bading? Baka naman Si JJ at si Ramunda and nag-kissing at hindi Si Carlo Humpries.
Hijo, kung sino man adviser mo, palitan mo na agad. At wag maniniwala at magpapakawala ng ganyang gimik. Bihira lang ang stalker sa pinas, karamihan pa stalking on women not men.
Punta ka kaya kay Belo baka sakali magawan ng paraan na maging kapani-paniwalang may stalker ka nga.
bilang ka ng ilang bwan wala ka ng cereer..............
bka magalit na nman c anabelle nyan!! pki ayos nman mukhang pinapatamaan nyo nman sya yan eh!! hehehe