May panibago na namang kontrobersyang kinasasangkutan ang talent at kaibigan ni Boy Abunda na si Gretchen Barretto. This time, involved si Gretchen sa isyu ng mahiwagang text messages na sinasabing galing sa beauty businesswoman na si Mikaela Bilbao.
Ano ang masasabi ni Boy tungkol dito?
"Wala," sambit ng sikat na TV host pagkatapos ng kanyang programang SNN: Showbiz News Ngayon. "Wala talaga naman kasi akong alam doon.
"Nabasa ko ang isang text message. Parang kinopi-furnish ako. So, nalaman ko. Hindi ako nagtanong. Hindi ako, wala."
Did he ask Gretchen about it?
"May mga bagay kasi na pinag-uusapan, may mga bagay na hindi. Pero parang wala, e."
"WE'RE NOT TALKING ABOUT IT." Kinunsulta ba siya ni Gretchen tungkol dito bilang manager at kaibigan niya?
"Kung tatanungin niya ako at wala namang basehan, umiikot sa balita, kanya na yun, di ba? Parang kulang naman kami sa kontrobersyang pinagdaanan ngayon. Hahaha! Huwag na muna [mag-comment]."
Ayaw nilang patulan ang isyu, gano'n ba?
"Ah, hindi. Your words not mine. Ah, may bagay na hinaharap, may mga bagay na hindi. Base sa pagkakaalam ko, e, wala naman. I don't know much of the story. Pero parang kung ganun kagrabe, napag-usapan na sana namin ni Gretchen. E, the fact that we're not talking about it siguro, hindi grabe, pero walang basehan."
May ideya ba siya kung sino ang nag-text sa kanya?
"Sa rami naman ng nagte-text sa akin... Meron namang number pero walang pangalan."
Hindi niya inalam kung sino yung nagpadala ng text messages sa kanya?
"Oo, naman. Alam mo, minsan nga pag may nagte-text sa akin, 'Alam mo, kalbo,' blah-blah. Hindi ko na pinapansin. Hahaha!"
A LAWSUIT IS "A MATTER AMONG FRIENDS." May source na nakapagsabi sa amin na pursigido si Mikaela na idemanda si Gretchen.





and no, hindi sya fluent sa English.. marunong syang mag english pero, hindi naman sya ganun ka fluent.