Mismong ang anak ni Lyka Ugarte ang dumulog sa ilang entertainment press tungkol sa sitwasyon ng kanyang ina na nagtangka na namang magpakamatay dahil sa matinding depression and financial problem nito.
Ayon sa taped interview ng Showbiz Central sa 19-year-old daughter ni Lyka na si Kimberly Lao, sinabi nitong, "Pinipilit na nga niyang mag-move on in life, tapos biglang may darating ulit. So, it gets harder and harder for her."
Kuwento ng anak ni Lyka, apat na beses na raw nagtangkang magpakamatay ng kanyang ina.
"Yung una was sa Mom niya, noong magkaproblem sila ng lola ko. Then, yung pangalawa at pangatlo, dahil dun sa relationship niya," sabi ni Kimberly.
Na-interview rin ng Showbiz Central ang character actress na si Melissa Mendez, isa sa malapit na kaibigan ni Lyka. Naikuwento nga nito na nagte-text sa kanya si Lyka "to pray for her na sana she would not wake up anymore because of the burden she has on her shoulders."
Through a text message ay humingi ng tulong si Kimberly sa Startalk pagkatapos nitong maisugod ang kanyang ina sa hospital dahil sa suicide attempt nito. Ayon kay Kimberly, sa mga nakaraang suicide attempts ng kanyang ina ay siya lang mag-isa ang nagha-handle rito.
"Yung mga dati niya, nag-try akong i-handle na ako lang. Siguro kapag may ibang taong pumasok, or siguro I'll ask help from other people, it might help more," aniya.
Ang bagong dahilan daw ng tangkang pagpapakamatay ni Lyka ay financial problem.
"Marami kasing nangyayari like, yun nga, yung bagyo," banggit ni Kimberly. "Nagbebenta nga kami ng gamit and as you can see, wala na kaming gamit. So, ano pa ang ibebenta namin? So, saan na kami kukuha ng pera?"
Pero kung mga kaibigan daw ni Lyka ang tatanungin, may iba pa raw pinag-uugatan ang problema sa pera ng aktres.
Ayon kay Maria Isabel Lopez, "Masyado kasi siyang magastos. Medyo compulsive siya pagdating sa pera."
Bukod pa raw rito ang mapait na pagtatapos ng two-year relationship ni Lyka.
"We try to understand naman. You reach a point na ayaw mo na rin. Parang ganun. Pang-apat na beses na 'to, siguro naman, hindi na natin ito uulitin," pahayag ng anak ni Lyka sa pagitan ng pagluha.
Ipinakilala si Lyka sa pelikulang May Lamok Sa Loob ng Kulambo (1984) kung saan bida sina Eddie Garcia at Gloria Diaz. Itinuturing na isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz noon si Lyka.
LYKA'S LIVE INTERVIEW. Pagkatapos ng taped interview kay Kimberly ay live namang nakausap ni Raymond Gutierrez si Lyka sa studio ng Showbiz Central kahapon, October 19.






JOKE.
gaano ba khirap magpakamatay?libre naman yun diba?
Di ba pag may physical disorder or illness tayo pumupunta tayo sa doctor at the same time pray? I believe it would help her, see a doctor/psychiatrist and rehabilitation I think is good kasi med