Mismong ang anak ni Lyka Ugarte ang dumulog sa ilang entertainment press tungkol sa sitwasyon ng kanyang ina na nagtangka na namang magpakamatay dahil sa matinding depression and financial problem nito.
Ayon sa taped interview ng Showbiz Central sa 19-year-old daughter ni Lyka na si Kimberly Lao, sinabi nitong, "Pinipilit na nga niyang mag-move on in life, tapos biglang may darating ulit. So, it gets harder and harder for her."
Kuwento ng anak ni Lyka, apat na beses na raw nagtangkang magpakamatay ng kanyang ina.
"Yung una was sa Mom niya, noong magkaproblem sila ng lola ko. Then, yung pangalawa at pangatlo, dahil dun sa relationship niya," sabi ni Kimberly.
Na-interview rin ng Showbiz Central ang character actress na si Melissa Mendez, isa sa malapit na kaibigan ni Lyka. Naikuwento nga nito na nagte-text sa kanya si Lyka "to pray for her na sana she would not wake up anymore because of the burden she has on her shoulders."
Through a text message ay humingi ng tulong si Kimberly sa Startalk pagkatapos nitong maisugod ang kanyang ina sa hospital dahil sa suicide attempt nito. Ayon kay Kimberly, sa mga nakaraang suicide attempts ng kanyang ina ay siya lang mag-isa ang nagha-handle rito.
"Yung mga dati niya, nag-try akong i-handle na ako lang. Siguro kapag may ibang taong pumasok, or siguro I'll ask help from other people, it might help more," aniya.
Ang bagong dahilan daw ng tangkang pagpapakamatay ni Lyka ay financial problem.
"Marami kasing nangyayari like, yun nga, yung bagyo," banggit ni Kimberly. "Nagbebenta nga kami ng gamit and as you can see, wala na kaming gamit. So, ano pa ang ibebenta namin? So, saan na kami kukuha ng pera?"
Pero kung mga kaibigan daw ni Lyka ang tatanungin, may iba pa raw pinag-uugatan ang problema sa pera ng aktres.
Ayon kay Maria Isabel Lopez, "Masyado kasi siyang magastos. Medyo compulsive siya pagdating sa pera."
Bukod pa raw rito ang mapait na pagtatapos ng two-year relationship ni Lyka.
"We try to understand naman. You reach a point na ayaw mo na rin. Parang ganun. Pang-apat na beses na 'to, siguro naman, hindi na natin ito uulitin," pahayag ng anak ni Lyka sa pagitan ng pagluha.
Ipinakilala si Lyka sa pelikulang May Lamok Sa Loob ng Kulambo (1984) kung saan bida sina Eddie Garcia at Gloria Diaz. Itinuturing na isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz noon si Lyka.
LYKA'S LIVE INTERVIEW. Pagkatapos ng taped interview kay Kimberly ay live namang nakausap ni Raymond Gutierrez si Lyka sa studio ng Showbiz Central kahapon, October 19.






anyways.. sana magbalik- loob sya sa Dyos para magkaroon sya ng peace of mind.. alisin nya ang galit sa puso at matutong magpatawad.. mahalin nya rin ang sarili nya.. pano nyang sasabihin na mahal nya ang mga anak nya kung hindi nya mahal ang sarili nya.. pray lang sister!
minsan kapag nahihirapan tayo, nakakabuti na tumulong pa rin sa iba dahil doon natin makikita ang mission ng Diyos para sa atin na ang mundo natin ay malawak at mayroon pa rin tayong maibibgay sa ngalan Niya. it's not all about us, ika nga, kaya don't give up and think na wala tayong silbi, dahil lahat ng buhay natin may saysay.
hay nako, walang pang halaga sa buhay.. sana may matutunan ng matinding lesson para naman ingatan ang buhay nila..
walang kwenta yang pa awa effect.. if they admit my problem sila, face it and seek professional help.. minsan personal attitude ang dapat unahin bago makapag move on!!!
Sana huwag naman nating husgahan si lyka, obviously, hindi niya kayang lutasin ang condition niyang mag-isa. Kailangan niya ng tulong. Sometimes it does not have to do about having kids or not, having money or not. Depression is even the fourth leading cause of disability in the United States. Kung nasa Amerika si Lyka, may institution na kung saan especially the suicidal ay dinadala at doon ineevaluate sila, may counselling, psychiatric therapy and are given medication to help them deal with depression. Most people if not all, get depressed pero siguro ang kay lyka is a major depressive disorder in which like other medical/mental conditions, medical attention and
bakit hindi dalhin ang mga bata sa kanilang tatay? kasi hindi maganda na ang mga bata nasa nanay na suicidal.