Si Cristine Reyes ang sumalang sa "The Buzz Tough Ten" segment ng ABS-CBN showbiz talk show na The Buzz last Sunday, October 18. At ang nagtanong sa kanya ay isa sa mga co-host ng programa na si Ruffa Gutierrez.
Pagkatapos mag-promote ng Patient X ay pinansin ni Ruffa ang cross tattoo ni Cristine sa kamay nito at tinanong kung ano ba ang ibig sabihin nito.
"Ibig sabihin nito ay God is with me," sagot ni Cristine.
After nito ay tumuloy na sila sa "Tough Ten" questions.
Tough Ten Question No. 10: Noong mga oras na nasa taas ka ng bubong ng bahay n'yo sa Provident Village, Marikina, ano ang pinagpe-pray mo sa Diyos? [Ito ay noong kasagsagan ng bagyong Ondoy kung saan lumubog ang bahay nina Cristine.]
"Noong time na nandun ako sa roof, siyempre talagang pinagpe-pray ko na sana ma-save kami, ma-rescue kami, at saka sana ligtas kami," ani Cristine.
Ilang hours kang nasa bubong?
"12 hours."
At sinu-sino yung mga tinawagan mo?
"Marami, marami... mga friends ko, manager ko, family ko, mga kapatid ko, kasama na dun si Richard [Gutierrez]."
Tough Ten Question No. 9: May mga ilang taong umiintriga at nagbibigay kulay sa naging pagtulong sa iyo ni Richard, dahil daw promo lang ito ng bago n'yong pelikula na Patient X. Bibigyan ka namin ngayon ng pagkakataon. Ano ang message mo sa mga taong umiintriga sa inyong dalawa at sa mga detractors n'yo?
"Kasi kahit sino naman puwede pong mag-rescue sa akin that time. Nagkataon lang na si Richard naglakas-loob na pumunta talaga doon. Sana huwag po nilang bigyan ng kulay yun dahil ni-risk ni Richard yung life niya para i-save lang ako, kami, at hindi po biro yung pinagdaanan niya. So, huwag po natin siyang i-judge doon sa ginawa niya na promo lang daw," pahayag ni Cristine.
Tanong pa ni Ruffa: "Si Richard ba, nagdala ba ng camera crew noon?"
"Wala," mabilis na sagot ni Cristine.
Nakarating ba siya sa bahay mo, kasi sabi nila nandun lang daw siya sa may riverbank? Was he able to get to your house?






Sila sila naglolokohan! tigilan nga ako sa ka-cheapan gimmick na ito!
Mga gimikero kasi ang dalawang ito!
anong akala nila mga walang pinagaralan at ignorante lahat ng fans? please!!!
nung si richard at angel.eh close din daw sila. muntik daw ma inlove si richard..
nung si richard at kc. hay naku. ganun din at close na close daw..
ngayon naman si richard at cristine close din..
ANO VEERRR?!