Singer-songwriter-comedian Ogie Alcasid is spearheading a very worthy project para sa mga kababayan nating naging biktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Ito ay ang pagre-record ng kantang "Kaya Natin 'To," kung saan halos lahat ng OPM artists ay kasama.
Habang nasa proseso sila ng pagbuo ng naturang project, isa pang magandang pangyayari na na-accomplish nila ay ang pagkakaisa ng OPM artists—regardless kung anong network o recording company man ang kinabibilangan nila.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa bagong building ng GMA-7 noong Linggo, October 18, pagkatapos ng SOP. Aniya, bukod sa kantang nilikha niya ay magkakaroon din ng isang malaking fundraising concert para sa mga nasalanta ng bagyo.
"Ang title ng concert ay Pilipino, Kaya Natin 'To," banggit ni Ogie. "Pero bago ang concert, which is on December 5 sa Mall of Asia, meron kaming CD na ni-record. Bale nakaka-four days na kami. Meron pang recording sa Tuesday [October 20]. Siguro, nakaka-forty na ang nagre-record, kasama sila Sharon Cuneta, si Charice Pempengco... Maraming mga taga-Channel 2, sina Christian Bautista..."
Ayon kay Ogie, siguro raw ay 90 percent ng OPM artists ang posibleng makasama sa ginagawa nilang single.
"Yung iba, mahirap talaga dahil nasa States. Si Lea Salonga, nasa States, pero magre-record siya dun at magpapadala. Same with Gary Valenciano and Martin Nievera. Yung APO, sobra kasing tight yung sked. They really wanted to be part of this and I thank them for giving their interest. Si Ely Buendia naman, I'll find out this week kung may sked pa siya."
Basta matapos daw nila ang recording, anytime ay puwede na nilang i-release ang single.
"It's just one song, 'Kaya Natin 'To,' na sinulat ko. It's like 'We Are The World.'"
Yun ba ang peg nila?
"Yes, of course," pag-amin ni Ogie. "Hindi namin ide-deny na ginaya namin yun. Yung 'We Are The World,' tinulungan nila ang Africa. Ito, we're helping yung mga kababayan natin na nasalanta, naapektuhan [ng bagyo]."
A SONG THAT UNITES OPM ARTISTS. Sa mga nangyayari ngayon, hindi itinatago ni Ogie ang kanyang kasiyahan.
"Nakakatuwa, kasi pati yung sila Yeng Constantino, yung mga bata, yung mga taga-Channel 2 at saka mga taga-rito [GMA-7], sa studio, nagkakatuwaan sila. Hindi lang GMA at ABS, pati mga banda, tulad nina Rico Blanco. Everybody really wants to help. So, it's really a nice feeling na very supportive sila of what I have thought of. Siguro rin dahil marami sa kanila, mga kaibigan ko rin. Ginamit ko na rin yung pagiging magkaibigan namin," saad ng singer-songwriter.
Ang dahilan ba ng kagustuhan niya na maglabas ng isang single at pagkaisahin ang OPM artists ay dahil sa nangyaring bagyo, o bago pa man ito ay meron na siyang ganung plano?
"Palagi naman tayong ganyan, di ba? Lahat naman tayong mga Filipino, palaging matulungin. We always help people, I mean, kami ni Regine [Velasquez, Ogie's girlfriend] and I guess lahat naman ng Filipino, ganun. It's just that this time, the devastation is grabe...and it continues to get worse.
"Alam mo, lahat naman tayo nagpunta sa evacuation center para magbigay ng relief. Lahat tayo ginawa yun. Pero, siyempre, binigyan tayo ng gift to sing, to write, to perform, gamitin natin yun. At yung message ng kanta is... 'Kaya Natin 'To,' so we're trying to uplift the spirit of those who were affected na puwede pa tayong bumangon ulit. Hindi namin ipinapangako na lahat sila ay matutulungan. It's just sheer inspiration listening to the song and listening to all your favorite singers singing a song of hope is, I guess, a big thing for them," paliwanag ni Ogie.






sana ibalik yung back to back to back sa SOP.. nami-miss ko na bumirit ang mga world class concert artists ng SOP.. especially the magnificent4..
you are making a difference
i love ung song you and janno wrote...i will be. teary eyed ako kapag pinapalabas sa GMAung lalo when kapuso artists sang it sa SOP
we will pray for typhoon victims
IAmKashieka
talaga si lola siningit pa ang kanyang ASAP eh, kulelat naman sa CMMA..
Lahat talaga sinali.
God bless us all...
bangon bayan ko!..................
Sila pa lang siguro nakagawa ng ganito o nakapag isip ng ganito..
MABUHAY MGA KAPUSO!!!!!!!!
KEEP UP THE GOOD WORK!!
GOD BLESS YOU ALL!!