Patuloy sa pagtulong si Angel Locsin sa mga nasalanta ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. At ngayon, sinamahan pa siya ng mga kaibigan niyang artista sa rehabilitation efforts ng Philippine Red Cross (kunsaan siya ang celebrity ambassador)—sa pamamagitan ng isang website na binuo nila para sa auction ng kani-kanilang mga mamahaling personal items.
"Shop and Share" ang ipinangalan nina Angel, Anne Curtis, Dimples Romana, at Kris Aquino sa website na binuo nila at iba pa nilang mga kaibigan.
"Overwhelming ang response ng mga tao. Nakakatuwa na maraming gustong tumulong," sabi ni Angel nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook account niya kaninang hapon, October 20.
Mamahaling items ang mga naka-display at for auction sa www.shopandshare.ph nina Angel, gaya ng Hermes, Prada, Louis Vuitton at Chanel. Nang tanungin ng PEP kung sino ba sa mga celebrity ang nagbigay ng pinakamahal na items, sinagot ni Angel na hindi issue sa kanila kung gaano ba kamahal ang item.
"Ang importante sa amin kung gaano ka-special yung item na yun sa nag-donate," sagot ni Angel.
Heto ang pangalan ng mga celebrity at mga item na ibinigay nila for auction:
Heart Evangelista (Tiffany and Co. ring and Fendi shades), Isabelle Daza (dress creations by Rhett Eala, Debbie Co and Isabelle herself), Pokwang (Louis Vuitton Magnolia Heels shoes), Luis Manzano (Technomarine watches), Kim Chiu (dresses and Louis Vuitton bags), Maxene Magalona (Gucci and Coach bags) Ruffa Gutierrez (Tory Burch bags and shoes), Boy Abunda (Uru Recoleta jacket and Roberto Cavalli glasses), Mariel Rodriguez (Kate Spade, Prada and Marc Jacobs bags), Gerald Anderson (Oakley Eye Patch sunglass), and Marian Rivera (mga classy and expensive dresses na sinuot niya sa mga events at colorful Coach bag). (CLICK HERE and HERE to see photos of their items.)
"Hindi pa namin nakukunan ng pictures yung kay Dingdong [Dantes], pero nag-donate din siya ng personal items niya," balita pa ni Angel.
Dahil puro pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo ang pinagkakaabalahan ni Angel ngayon, tinanong na rin ng PEP kung saang relief operations o pagtulong siya nahirapan.
"Bukod sa nahihiya akong humingi ng mga items, nahirapan ako pag nade-deploy ako sa mga urban poor communities. Naawa talaga ako, pag tumitig ka na sa mata ng bata na gutom, may sakit, nakatulala," sabi ng aktres.
Nang tanungin naman ng PEP kung a-attend ba siya sa International Emmy Awards kunsaan nominated siya sa kategoryang Best Performance by An Actress sa pagganap niya sa Lobo, ito ang naging sagot niya: "Hindi pa po ako sure."
Visit www.shopandshare.ph para sa mga gustong makisali sa auction ng mga personal items ng mga artista at makatulong na rin sa mga nangangailangan nating kababayan.






never seen spicy around..nag aabang din un ng article ni angel eheheheh.
hi eheheh long time no see din..ala pa kasi article ni idol angel eh... oh yeah? tingin ko nga mayron pala don news. heeheh
aabangan ko ung michael kors shades ni angel ung gray or black...hoping eheheheh
ala article idol waaaaaaaaaaa.... monday pm here
waaaaa hindi tayo nagkakatagpo dito .....yung sagot ni angel na un na nandito pa rin...si luis pa rin???? ikaw ang ninong....may katotohanan ung nasa facebook na engaged na siya? hmmm Angel will surely be an asset sa kanyang mapapangasawa..dahil super siyang matulungan at good hearted person.
shooting for a movie? or shooting for a tele serye with jonh lloyd....sana before the shooting eh nakapag sign na siya ng contract. eheheheheh
well, like you spicy, kahit sinong mahalin ni Angel go lang me dahil lab ko siya....
angel guested kanina sa the buzz with tito boy interviewing her...she lost a lot of weight...very simple sya..halos walang make up pero ang ganda pa rin nya...i just love her hair...very thick and shiny...tito boy asked her about the supposed to be lipatan issue pero sabi niya HINDI...ayaw na daw nya mangyari yong nangyari noon...so its final hindi sya lilipat...she also mentioned na she will be starting shooting this coming november....tito boy asked also kung kumosta na ang puso nya...sagot nya eh andito pa rin sabay tingin sa chest...she was saying na ikaw ang ninong which made me think...engaged na ba sya to somebody or what? kasi they never talk about luis...hmmmmmm whatever love ko pa rin sya..pero wish ko na sana sila pa rin ni manzano....he he he he
sa shopandshare naman...they were able to collect 12,000.00 dollars....wow!
bat nawala sa pic ung LV wallet ni anne? hindi ko nakita
oks na yang 410 dollars..about 20,000 pesos din. worth palagay ko kasi may kasama nang tulong ung presyo tapos galing pa luis...
haahahhah 3 days to go na lang tapos na ang pagbid sa gown ni mr, 0 bid pa rin nyaahha asan na ung mga fans nya?
sabagay nga naman uunahin pa ba yang gown na yan?
nyhaahahahh......bakit sila hindi ra magbid? mura na eh heheheh.
ang ganda pala ng Pride and Glory! kakatapos lang.. 12.28 na ng madaling araw, we cant start duplicity ni julia roberts sobrang late na.....start na ng savings daylight ano?