Naurong ang nakatakdang paglipat ni Kris Aquino, at ng kanyang mister na si James Yap at dalawang anak na sina Joshua at Baby James, sa bago nilang titirhang condo sa Makati next month. Humirit pa kasi ng palugit si Kris sa mayamang mag-asawa na nakabili ng bahay nila sa Valle Verde II sa Pasig City.
"You know naman me. I'm so maarte, di ba? Pina-renovate ko yung kitchen. So, na-move kami ng pag-transfer. Three Kings na kami lilipat," pahayag ni Kris sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, October 20.
Pumayag naman daw ang mga nakabili ng bahay niya sa Valle Verde na ipagpaliban ang paglipat nila doon. Sabi pa ni Kris, "Mababait sila and because pumayag sila, I will give them two 42" flat TV plus yung iba pang TV sets sa bahay."
Sunud-sunod ang mga bagong proyekto ni Kris sa TV at mga commercial endorsements. Tatlong malalaking endorsements ang naisara ni Boy Abunda para kay Kris. Pero kahit isang sentimos daw ng kinita niya doon ay hindi niya nakita dahil diretso lahat yun sa campaign funds ng kanyang kapatid na si Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III sa pagtakbo nito bilang presidential candidate sa 2010.
"I still have naman yung kinikita ko sa mga shows ko sa ABS-CBN. And my contract with them is up to four years," sabi ni Kris.
UPCOMING TV SHOWS. Bukod sa existing shows niya ngayon sa ABS-CBN na The Buzz every Sunday at Showbiz News Ngayon (SNN) gabi-gabi sa Primetime Bida, magsisimula na rin si Kris para sa bagong talent show ng Kapamilya network, ang Pilipinas Got Talent. Ang unang report na lumabas ay si Kris ang maghu-host ng Pilipinas Got Talent, pero nilinaw ito ng TV host.
"Sa Pilipinas Got Talent, I'm a judge with Freddie Garcia. Ang hosts sina Billy [Crawford] and Luis [Manzano]. But the judge has not been complete—Freddie, ako, and one more. Hindi pa nade-decide who the other male judge is. Okey sa akin maging judge. Mas sumikat naman si Simon Cowell, di ba, kesa kay Ryan Seacrest [sa American Idol]? At mas mayaman si Simon!" birong seryoso ni Kris.
Balik-teleserye na rin si Kris pagkatapos ng TV remake ng Patayin sa Sindak si Barbara with Jodi Sta. Maria. Kung hindi magkakaroon ng aberya, magsisimulang mag-taping si Kris ng bago niyang teleserye, na pinamagatang Kung Tayo'y Magkakalayo, on November 16.
Makakasama ni Kris sa unang pagkakataon ang sikat na loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson. And for the first time, gaganap na ina si Kris sa isang young star sa katauhan ni Kim.
Paano siya napapayag na gumanap na ina ni Kim sa teleserye?
"Because she's number one!" mabilis na sagot ni Kris. "Sa bracket ng mga young stars between 18 to 20, siya talaga yung number one."
Hindi kaya magtampo ang fans ni Maja Salvador na pasok din sa age bracket na sinabi niya?
"Oh, yes. She's in that age bracket also. I love her. But si Maja is more on acting. She's actually yung mala-Lorna Tolentino and Dawn Zulueta. Tapos si Kim naman yung Sharon Cuneta and Maricel Soriano type," paliwanag niya.
Dagdag ni Kris, "You know, ayaw talaga ni James na gumawa ako ng soap. Pero mga sister [ko], they like Kim and Gerald. Kaya sabi nila kay James, 'Pumayag ka na.' Tsaka bongga ang mga fans nina Kim and Gerald! Niregaluhan sila ng tig-isang flat TV at malalaking refrigerator for Gerald nung nabalitaan nila na may bagong bahay na siya!"
Madalas din daw siyang regaluhan ng flowers and chocolates ng fans nina Kim at Gerald. But what about her own fans? Nakakatanggap din ba siya ng gifts mula sa mga fans niya mismo?





remember, he did not plan to run for Presidency, i think he is preparing himself for a lot of things before facing the media, the voters, the oppositions.
more than anybody else, he is going to be scrutinized the most because of what he is.
you can deduce which of these politicians delivered.
ang masasabi ko lang ang isang Senador pwedeng magpasa ng napaka raming bills, ang tanong e para ba talaga sa ikakabuti ng masa o pa pogi points lang?
na para pag nangampanya sila for higher office mahaba listahan nila?
shobizaddict
October 23, 2009
12:15 PM
may bayad man o wala, ung pagkuha ng celebrities as endorsers, they still have the same intentions. to gain votes.
as i have said i've nothing against dingdong and the kapamilya stars for endorsing noynoy. faith in noynoy? or faith in kris aquino?
pero naman...
ano pagkakaiba ng mga TRAPO kay Noynoy sa pagkuha ng artista for campaigning? well yung mga TRAPO nagbabayad ng TF sa mga artista, si Noynoy hindi kasi wala naman syang pera para ipambayad. yung pera ni Kris na ibinigay nya sa campaign para sa print materials, ads TV and prints, expenses for a lot of things. kung babayad sila ng artista, malaking pera ang mababawas sa budget nila.
bottom line is, believe ako kay DD at iba pang stars for endorsing Noynoy, they are motivated by faith in Noynoy.
for sure po, hindi na magpapabayad si kris sa mga nagastos nya kay noynoy.. Kris is so generous... thats why she is so blessed.. kung sa ibang tao nga po super generous din sya what more pa sa kapatid nya..
abscbn, gumitna lang kayo, mamaya, mapaso na naman kayo sa pang-eepal nyo pulitika. wala kayong dala-dala.
kontodo pa kayo dun sa pag broadcast ng anunsyo ni plunder nung weds sa tondo.
regarding kris, major turn-off na yang ginagawa mo para kay Noynoy. madalas mo pang ginagawang robot yang kuya mo. incase your brother wins, don't expect na mababalik sa yo yung financial na itinulong mo sa campaign nya. people will be watching your family considering kurakot yung susundang pamahalaan ng kuya mo.
kinabog
October 23, 2009
07:47 AM
ABSCBN, simply BIAS, may kinikilingan nga talaga...
Tama lang ang sinabi dati si Susan Roces.
They should not alow Kris to endorse NoyNoy or mga poster nya sa show.
Kaya ayoko dito sa ABSCBN eh, in the service of the filipino daw! Because of this, I wont vote for Noynoy.-
==================
ayaw din ng ABS sayo at hindi ka kawalan kahit hindi mo iboto si noynoy. mananalo pa dn yan.