Naging emotional at makapigil-hininga ang naganap na ika-apat na Tribal Council ng merged tribe na Sonsorol, kung saan ang Filipino-Japanese student na si Suzuki Sadatsugi ang natanggal.
Sa unang botohan ay ang Manila City Hall employee na si Shaun Rodriguez ang nakakuha ng pinakamaraming boto (3 out of 7). Pero dahil sa bisa ng hidden immunity na inilabas niya bago magsimula ang Tribal Council ay hindi counted ang mga boto laban sa kanya, kaya ang sumunod na castaway na may pinakamaraming boto ang matatanggal. Ang kaso, parehong dalawang boto ang nakuha ni Suzuki at ng businesswoman na si Justine Ferrer kaya kinailangang magkaroon ng tie-breaker.
Dahil iboboto nila ang isa't isa, hindi na pinaboto ng host na si Paolo Bediones sina Suzuki at Justine. Ang mga katribo nilang sina Shaun, Mika Batchelor, Jef Gaitan, Amanda Colley Van Cool, at Charles de Vera Fernandez na lang ang bumoto. Pero naging mahigpit pa rin ang labanan—tatlo para kay Suzuki at dalawa para kay Justine. Kaya sa huli ay si Suzuki ang natanggal.
Hindi napigilang umiyak ng ilang castaways sa pagkakatanggal ni Suzuki, na isa sa pinakagusto ng lahat dahil sa magandang ugali nito. Maging si Suzuki ay napaiyak sa kanyang exit interview.
Sa pagkakatanggal ni Suzuki ay anim na lang ang natitirang castaways—sina Justine, Shaun, Charles, Mika, Amanda, at Jef.
Si Suzuki naman ay magiging ika-apat na miyembro ng Jury, na kinabibilangan din nina Marvin Kiefer, Tara Macias, at Echo Caceres. Ang Jury ang magdedesisyon kung sino ang karapat-dapat makakuha ng cash prize na three million pesos at sa titulong Pinoy Sole Survivor.
Bago umalis si Suzuki ay pinapili siya ni Paolo kung sino ang pagbibigyan niya ng "red pearl" sa mga natitirang castaways. Ang sinumang may hawak ng "red pearl" ay awtomatikong magkakaroon ng dalawang boto sa susunod na Tribal Council. Ang napili ni Suzuki na pagbigyan nito ay si Mika.
SURVIVAL AUCTION. Hindi makukumpleto ang isang Survivor show kung wala ang traditional auction.
Pero bago simulan ang Survivor Auction, kailangan munang lumangoy ng castaways sa dagat papunta sa isang marker. Sa ilalim ng marker, na may lalim na eight feet, ay matatagpuan ang isang treasure chest. Sa loob ng treasure chest ay naroon ang rai stones na kulay blue, red, at yellow. Ang isang blue rai stone ay nagkakahalaga ng 10,000 pesos; ang red ay 5,000; at ang yellow ay 3,000.
Kailangang kumuha ang mga castaway ng kahit ilang rai stones sa loob lamang ng limang minuto bago magsara ang treasure chest. Ilalagay ng mga castaway ang makukuha nilang rai stones sa isang sako na ibibigay sa kanila. May option din ang mga castaway na tulungan ang isa't isa o hindi.
Pagkatapos lumangoy at sumisid ng castaways ng limang minuto, tanging sina Amanda, Shaun, at Mika lang ang nakakuha ng rai stones, samantalang walang nakuha sina Suzuki, Charles, Justine, at Jef.
Kinuha ng host na si Paolo Bediones ang mga sako nina Mika, Shaun, at Amanda at pinalitan niya ito ng eksaktong halaga na katumbas nito sa peso bills. Si Amanda ay nakakuha ng 131,000 pesos, si Shaun ay nagkamal ng 81,000 pesos, at si Mika ay nakakuha ng higit sa 150,000 pesos.
Pagkatapos nito ay sinabi na ni Paolo ang rules para sa auction. Maaari silang humiram at humingi ng pera, pero hindi nila maaaring ibahagi sa ibang castaway ang kanilang reward.
Dahil si Mika ang nakakuha ng pinakamaraming rai stones, inabot sa kanya ni Paolo ang isang envelope na maaari niyang gamitin sa auction.
Ang starting bid ay 5,000 pesos. Ang ilan sa mga naka-auction ay nakatakip at ang iba naman ay naka-expose. Nasa mga castaway kung magbi-bid sila o hindi.






kapag nagkaroon ng short feature ang GMA7 in between commecials about any of the remaining cast away obvious na matatanggal sa tribal council...like echo she was featured thursday then friday natanggal nga...same with evil tara..
kktawa ang entrance ni tara kagabi with charle...kulit hehehe..si echo engot hehehe
galing ni justine...justine ako!!!
baduy ng gaya-gayang justine sa pbb...concious sa cam hehehe sino ba yun?
Siguro may swerte ring darating sa iyo Zuki kasi mabuti kang tao.
before, i like mika, but now, i'm starting to hate her. sana sya na matanggal.
delikado na si shaun.....
congrats to SP2!
Na feature na kasi sila sa isang article ng PEP noong bago mag merge. tingnan nyu isaisa sa kanila na vovote out.
Hehehehe sana mali hinala ko
Yay Justine on safe side na ulit.
Ang labanan sa susunod na lalabas ay na kay Shaun at Mica pag di sila nagkaayos ulit
pbb dw magandaa?? corny nio!
survivor ang pinaka-reality show ng pinas
hindi scripted.
subukan nio manuod para malaman nio..
hndi tulad ng pbb.
season 1 palang scripted na..
after nung teen. hndi nko nanuod.
knowing jam. na clasm8 ko nung elementary. at nalaman ko na my story con. papala cla kung papano mga roles nila sa loob ng bahay.
scripted ang lahat.
SURVIVOR is the best.
walang text votes para maligtas sa tribal council.
pagalingan lng tlga at pautakan.
tama na ang tweetums. itapon na sa basurahan.
LAHAT NGA CLA DESERVING!!
pero gs2 ku c MIKA at JUSTIN!
SCRIPTED daw 2?? hala!!! hahahaha
inggit lng ung 2 kc wla clang SURVIVOR!!
PBB nga scripted eh.. SABI YAN NG MGA NAKAKANUOD NG PBB!! hehe.. sbi lng nila.. d ku p kc napapanuod eh..
bsta SP2.. ASTIG!!
all of them deserves to win except for Jef and Charles!
yeheyyyyy!
firebird
October 24, 2009
05:11 AM kelan b mmtpos tong wlng kwentang reality show n to!
=======
Aba aba anu naman sayo may kwenta? PBB na palabas ng mga tsismoso, walang isip at mga mamboboso?
go PBB mas maganda pa rin
pero still want her in the top 3 together with shaun and justine...
Go Justine!