Marco says he and his Dreamguyz co-stars ended up such buddies, they got the separation blues when they finished filming. "Nagkaiyakan pa nga," he candidly shared. "Bihira kasi yung nagkakasama-sama sa isang pelikula ang halos magkaka-age lang. Pare-pareho pa naman kaming loko, kaya nagkakasundo talaga kami."

 

Photo: File photo

Marco Morales loves to poke fun at his I Love Dreamguyz co-stars. Sobra raw ang respeto niya kay Sherwin Ordoñez, dahil ito raw ang pinakamatanda sa kanila. At baka di raw alam ng mga fans si Miggy Valdez, malakas daw itong tumoma. Natatanggap naman ng mga kaibigan ni Marco ang mga pagbibiro niya.

"Close na kasi talaga kami," ani Marco. "Nagte-text-an kami na parang mga gago. Asaran. Si Jay-L Dizon ang grabe kung mag-text."

Ang susunod na proyekto ni Marco ay para sa isang film festival sa University of the Philippines. Kaso nga lang, ang location para sana dito ay nilubog ng bagyong Ondoy.

"Baka hindi matuloy dahil hindi mami-meet yung deadline," panghihinayang ni Marco. "May talks na may November shooting na, pero habang wala pang cameraworks, hindi pa 'yan definite. Sa panahon ngayon, pabagu-bago ng mga plano."

SPECIAL BONDING WITH DREAMGUYZ. Sa natitirang dalawang buwan ng taon, gusto sana ni Marco na maging productive pa siya. Marami rin kasi siyang nagawa for this year.

"Itong Dreamguyz ang huling iso-showing na pelikulang kasama ako for this year," sabi ni Marco. "Promo lang ang inaatupag namin sa ngayon for the movie, pero feeling namin, nami-miss na namin ang isa't isa. Noon kasi, halos araw-araw, sa preparations pa lang, sa workshops, magkakasama na kami hanggang mag-shooting.  'Tapos, biglang natapos. Nagkaiyakan pa nga.

"Bihira kasi yung ganyan, nagkakasama-sama sa isang pelikula ang halos magkaka-age lang. Pare-pareho pa naman kaming loko, kaya nagkakasundo talaga kami.

"Pare-pareho naman ang closeness ko sa kanila. It's just that si Sherwin, I'm so honored na nakatrabaho ko siya. Bigatin kasi si Sherwin. Masaya ako na naging mga kaibigan ko sila," banggit pa ni Marco.

GUY-ON-GUY LESSONS FOR JAY-L. Napapansin namin na patindi nang patindi ang pagiging daring ni Marco sa pelikula. Sa bawat pelikula niya, siya lang ang buong tapang na nagpo-frontal nudity nang walang daya.

Sa I Love Dreamguyz, bigay na bigay siya sa laplapan scenes nila ni Jay L. Dizon.

"Ayoko kasi yung half-baked," sabi ni Marco. "Kung gagawa rin lang nang ganoon, dapat ipakita na hindi asiwa. Kasi, mahahalata yun sa harap ng kamera.

"Kilala naman ako ng mga nakakatrabaho ko. Si Jay-L kasi, baguhan pa lang 'yan, and he claims, hindi pa siya marunong makipaghalikan sa kapuwa niya lalaki. Nang sampolan ko, feeling ko, may experience na rin," natatawang biro pa ni Marco sa kanyang co-star.

Sa kapapalabas na Pipo, isa siyang cybersex performer. Masahista naman ang pinortray niya sa Heavenly Touch, at isang macho dancer sa Walang Kawala.  Kakaiba rito sa I Love Dreamguyz dahil hip-hop dancer siya na miyembro ng isang grupo.

"Hindi na rin bago sa akin ang gay scenes," aniya. "Walang problema sa akin sa parteng 'yan, basta kailangan talaga sa istorya, at tumitingin ako sa director. Kung talagang naniniwala ako, ibibigay ko ang lahat.