Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kim Chiu last Sunday, October 25, pagkatapos ng ASAP '09. Ikinuwento ng young actress na nakapagsimula na silang mag-shooting ng kanyang ka-loveteam na si Gerald Anderson para sa bago nilang pelikula mula sa Star Cinema.
"Kahapon nag-shoot na kami ni Gerald. Sa Breakwater kinunan yung eksena namin," balita ni Kim.
Wala pang napipiling title ang Star Cinema para sa bagong pelikulang ginagawa nina Kim at Gerald.
"Kimerald movie pa lang ang title. Sabi ko, 'Ano bang title nito?' 'Wala, Kimerald movie!" natatawang sabi ng young actress.
Ano ba ang role nila ni Gerald sa pelikula?
"Mag-best friends kami since bata pa hanggang sa maging twenties na kami, magkaibigan pa rin kami. Tapos parang kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Ako yung takbuhan niya pag may problema siya. Di ba, pag magkaibigan, pag mag-best friend, kailangan babae sa babae? Kami ni Gerald best friends, pero babae sa lalake. Doon tatakbo na yung kuwento. Una magaan, tapos padulo na nang padulo, pabigat na nang pabigat."
Magkakaroon ba sila ng love scene ni Gerald sa pelikula gaya nang ginawa nila sa defunct primetime series nilang Tayong Dalawa?
"Hindi pa po tapos yung script, e. So, paunti-unti lang yung tini-take namin. Kahapon, dalawa nga lang po ang kinunan sa amin," sabi ni Kim.
Pero hindi ba nasabi sa kanila kung may kissing scenes o love scene sila sa pelikula?
"Hindi pa. Siguro ginugulat nila kami. Siyempre si Direk Ruel [Bayani] yun, direktor namin sa Tayong Dalawa. Nanggugulat yun, e."
TAYONG DALAWA. Ang Tayong Dalawa ang huling teleserye na pinagsamahan nina Kim at Gerald. Maraming fans ng dalawa, lalo na ang Kimeralds, ang hindi nagustuhan ang ending ng nasabing serye dahil pinatay rito si Kim. Ano ang masasabi ni Kim dito?
"Siyempre ginawa nila ito para mas maging kakaiba yung ending. Malungkot man yung ending namin, nandun pa rin yung value," paliwanag niya.
Masasabi ni Kim na ang Tayong Dalawa ang the best, so far, na teleseryeng nagawa niya.
"Kasi nandun na lahat ng emotions ko. Binuhos ko na lahat. Swimming pool na yata na luha ang naibuhos ko dito! And worth it naman dahil ang daming pumasok na endorsements sa akin. Kaya thankful naman ako sa Tayong Dalawa," sabi ni Kim. Samantala, available na sa mga record bars ang DVDs ng Volumes 1-7 ng Tayong Dalawa.
Susunod na mapapanood sina Kim at Gerald sa telebisyon sa Kung Tayo'y Magkakalayo. Kasama nila rito si Kris Aquino.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
49 jihoo4ever
48 jihoo4ever
47 satotoolangpastarka
since pbb days pa.
ang layo na ng narating mo.
at mas lalo ka pang itataas ni god kase npkabuti mong tao, anak, kapatid, kaibigan, etc.
at hgit sa lahat hnidi ka nghangad ng msama sa kapwa mo.
god bless u.
46 ashley26
45 d3Xt3Rz
and i love KIMERALD
44 utotngpinoy
43 gutsykg
Go Kim, go Gerald! Continue to amaze us! Your humility; heroism; generosity; and genuine love for work and respect for the people around you, be they great or small are propelling you to greater heights! Best wishes!
Kim and Gerald, you are veritable role models for the young and the young at heart, God bless you both always!
42 gutsykg
She's a natural. Surprisingly, a basically shy person, she sings; dances; hosts; models like a pro; has a gold record, etc. and is now a contender to box office queendom, God willing, with Gerald as king.
I credit Kim the ability to turn a sorry situation into something beautiful and true just by being true to herself, her God and her aspirations.
God bless you and Gerald both!
41 KAP
i dont think its true na nadala lang siya sa kasikatan ni gerald coz in the first place siya ang big winner ng PBB and siya ang marami ang endorsements,i think it would be the other way around,it just so happens na gerald is given more opportunities and importance sa station coz kulang ng magagaling na younger leading men with potential ang ABS at siguro dahil din sa tranny executive factor.
40 Realou
39 alkassim
38 spotpep
37 utotngpinoy
Tama at maganda yang attitude mo. Always keep your feet on the ground. Alalahanin mo, mayroon ka pang dapat na patunayan, yan ay ang box office appeal, ok?
The best of luck to you! We Love You KIM CHIU!
36 badjaobabe
manilaphils
Kaya nga sabi ni cali4niababe na ang title daw ng movie ni Kim ay Tinimbang ka Ngunit Kulang hhahaah
kulang sa timbang hahahaa
35 KGlang
34 manilaphils
Maganda si Kim pero patpatin kailangan pa magpatambok.
Inday Kim patambok sad para dili ka biyaan ni Gerald kay tingali pag gakos sa imo mabalian ka hehehe
33 gorgeous_aleck
32 Mistique
31 librarian
in fairness, loyal sya kay liezel...
nakita ko na sya sa eastwood eh, grabeh, parang college student lang!
may anak ba sya outside world?
30 spryperk
more comments