Suzuki Sadatsugu, the latest castaway voted off Survivor Philippines: Palau, reveals what he felt after being voted out in an emotional Tribal Council. "Umiyak ako kasi nag-promise ako sa kanya [his grandmother] na tutulungan ko siya sa business niya. May tindahan kasi siya sa bahay namin sa Tondo. Gusto ko siyang tulungan kapag nanalo ako sa Survivor Philippines. Kaso, hindi nga ako nanalo kaya umiyak ako," he explains.
Survivor castoff Suzuki Sadatsugu denies being the father of fellow castaway's unborn child
Tuesday, October 27, 2009
12:39 PM
Rating
Inamin ng latest castoff ng at bagong member ng Jury ng Survivor Philippines: Palau na si Suzuki Sadatsugu na sumama ang loob niya nang pagkaisahan siyang i-vote out ng mga kapwa niya castaways. Ang akala raw niya ay si Justine Ferrer ang matatanggal, pero noong nasa Tribal Council na sila, naramdaman niya na siya ang ibu-vote out.
"Sa umpisa, ang alam ko si Shaun [Rodriguez] ang gusto nilang i-vote out. Kaso nasa kanya nga ang immunity bracelet, kaya naisip ko na si Justine na. Pero noong magbotohan na, feeling ko na kasama ako sa paaalisin nila. Yun na nga ang nangyari, kasi naligtas si Shaun.
"Oo naman, masama ang loob ko, lalo na sa girls' alliance. Wala na kaming laban talaga kasi tatlo na lang kaming lalake. Si Justine kasi, babae na siya, di ba? Kaya hindi na namin siya puwedeng kakampi. Kaya kami-kami na lang nina Shaun at Charles [de Vera Fernandez] ang pag-iinitan nila.
"Pero after naman akong ma-vote out at masabi ko na ang mga gusto ko, hindi naman nagtagal ang lungkot ko. Kasi nga naisip ko na part na ako ng Jury. Mas okay 'yon kasi kami ang mag-decide kung sino ang karapat-dapat na bagong Pinoy Sole Survivor," kuwento ni Suzuki nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Showbiz Central last Sunday, October 25.
Bago tuluyang nagpaalam ay ibinigay niya ang "blood pearl" sa castaway na si Mika Batchelor na makakatanggap ng automatic two votes sa next Tribal Council. Sinabi ni Suzuki na si Mika lang ang tanging choice niyang bigyan nito.
Paliwanag niya, "Si Mika kasi ang leader ng alliance nila, e. Siya talaga ang pinili ko para mabigyan ng blood pearl. We are all playing a game kaya huwag niyang personalin 'yon."
Umiyak nga si Suzuki sa kanyang exit interview pagkatapos niyang ma-vote out. Nabanggit niya ang pangalan ng kanyang lola na si Mrs. Emma Esguerra at nag-sorry siya rito.
"Na-miss ko na kasi ang lola ko. Siya kasi nag-alaga sa akin noong pauwiin ako dito ng parents ko from Japan. Wala akong mga kaibigan dito at ang lola ko lang ang nag-alaga at nagpaaral sa akin.
"Umiyak ako kasi nag-promise ako sa kanya na tutulungan ko siya sa business niya. May tindahan kasi siya sa bahay namin sa Tondo. Gusto ko siyang tulungan kapag nanalo ako sa Survivor Philippines. Kaso, hindi nga ako nanalo kaya umiyak ako. Naalala ko kasi promise ko sa lola ko. Pero alam ko na manalo o matalo man ako, mahal pa rin ako ni Lola at mahal na mahal ko siya," sabi ni Suzuki.
FROM JAPAN TO TONDO. Ipinanganak noong January 10, 1988 sa Gunma, Japan si Suzuki. Isang Japanese businessman ang kanyang ama at Pinay naman ang kanyang ina na dating member ng isang all-female dance group na madalas sumayaw sa shows ng GMA-7.
Sa Japan na lumaki si Suzuki until mag-18 years old siya at pinauwi siya sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral niya rito.
"Kahit naman noon pang bata ako, umuuwi kami dito for vacation," sabi ng Survivor castoff. "Pabalik-balik kami. Pero noong mag-18 ako, pina-stay na ako dito kasi dito na raw ako mag-aral. May business kasi ang daddy ko sa Japan. Something happened na hindi maganda kaya nalugi ang business. They decided na dito na ako sa Pilipinas magtapos ng college. Hindi na kasi ma-afford ng parents ko ang pag-aaral ko sa Japan.
"Pag-uwi ko nga rito, hindi ako marunong mag-Tagalog. Natuto lang talaga ako sa mga naririnig ko, tapos ginagaya ko. Tinatanong ko sa lola ko kung ano ibig sabihin ng ganitong word. Sinasabi naman sa akin. E, sa Tondo kami nakatira kaya kung anu-anong Tagalog words ang naririnig ko. Unang Tagalog word nga na natutunan ko ay [mura]. Kasi 'yon ang naririnig ko sa kapitbahay. Tapos yung iba mga bastos na words na. Natatawa sila kapag ginagaya ko kasi hindi ko pa alam ang meaning ng mga iyon. Kaya paunti-unti I learned to speak Tagalog. First few months pa lang ako dito, marami na akong naiintindihan at nasasabi na Tagalog words."
Naging working student si Suzuki para makadagdag sa gastusin niya sa pag-aaral ng BS Criminology sa Emilio Aguinaldo College.
"Nagtrabaho ako bilang waiter, tapos naging kargador pa ako. Kung anu-anong work ang ginawa ko. Then, may nagpasali sa akin sa mga male bikini contest. Malaki raw kasi ang prize. Tatlo lang naman ang sinalihan ko noon—Bodyshots, Hataw Super Bodies, at Super Bodies in 2008—at talo ako sa lahat!" tawa niya.
"Kaya noong mag-audition ako sa Survivor Philippines," patuloy niya, "natuwa ako noong mapili ako as one of the castaways. Kahit papa'no, manalo o matalo, may makukuha pa rin ako. Kaya I can continue with my Criminology course. One year na lang kasi at tapos na ako."
TARA'S CHILD. Natawa na lang si Suzuki nang siya ang ituro na ama raw ng pinagbubuntis ng isa pang Survivor Philippines: Palau castoff na si Tara Macias. Four months pregnant na kasi si Tara at si Suzuki raw ang naging close nito noong nasa isla pa sila. Pero mabilis na nag-deny ang Fil-Jap hunk.
"Bakit naman ako? Hindi lang naman ako ang lalake dun?" sabay tawa niya. "Oo naging close kami ni Tara. Noong ipatawag nila ang Top 80 sa Survivor Philippines, naging friend ko na si Tara. Kasama niya ang boyfriend niya that time. Kaya noong nasa Palau kami, ikinukuwento niya parati ang boyfriend niya.
"Mabait naman si Tara, pero hindi ako ang nakabuntis sa kanya. May boyfriend siya, kaya yun ang daddy ng baby niya," paglilinaw pa ni Suzuki.
SUZUKI'S CHOICE. Kung papipiliin si Suzuki ng sino sa mga natitirang castaways ang gusto niyang manalo, si Justine ang pinili niya.
- Survivor Philippines castoff Suzuki Sadatsugu is back in Japan installing windows in buildings
- Suzuki Sadatsugu on rumored affair with Arnel Ignacio: "Bahala sila mag-isip nang di maganda, basta friends kami!"; Arnel Ignacio: "Alam mo naman ako, si Ms. Friendship!"
- Jef Gaitan admits fellow Survivor castaway Marvin Kiefer is now her boyfriend
- Survivor jury member Marvin Kiefer refuses to divulge his choice for Pinoy Sole Survivor...but buckles down
- Justine Ferrer still in the healing process after 39 days in Survivor Philippines: Palau
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Bianca King says she has introduced rumored boyfriend Dennis Trillo to her mom and lola: " Wala namang problema."
- Kris Bernal and Mark Herras reunite in afternoon soap
- Nancy Castiglione on Vicki Belo and Hayden Kho Jr. split: "I don't really know what's going on."
- MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares on the new SPG rating for TV
- Louise delos Reyes and Enzo Pineda to go on a Valentine date via Skype
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
-
Health and Beauty
PEP EXCLUSIVE : Ronnie Liang talks about maintaining his lean frame
What did he do during his break from showbiz?
-
In a glimpse
E-Boy is described as a "modern-day Pinocchio"
E-Boy pilot week will air anew on ABS-CBN this Sunday
-
Looking Back
Star For All Seasons Vilma Santos looks back at her 50 years in showbiz
Vilma names her most memorable films and favorite leading men.
-
Profiles
ChicoSci vocalist Miggy Chavez plans to venture into tattooing and acting
After playing a small role in Segunda Mano , Miggy says "Why not?" to doing more mainstream projects.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

