After winning in Are You The Next Big Star?, nagiging visible na si Frencheska Farr sa ilang Kapuso shows. Regular na siyang napapanood sa musical-variety show na SOP along with fellow winner Geoff Taylor. Both of them are also part of the new musical game show Bandaoke, na nagsimula nang mapanood noong Linggo ng gabi, Oct. 25. Aside from that, naka-line-up na rin daw ang album ng Top 6 finalists ng Next Big Star.
Bukod sa pagiging singer, sumasabak na rin si Frencheska sa pag-arte dahil may movie itong pinagbibidahan with no less than Chito Roño at the helm.
"Musical po siya with Direk Chito po ang director. Hindi po ako sure sa production, pero alam ko po sa CCP [Cultural Center of the Philippines]. Alam ko po, independent po ang producer na yung tema po ng movie, para po siyang Mamma Mia! na musical nga po," pagbabalita ni Frencheska sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ayon kay Frencheska, mga indie actors daw ang kasamahan niya sa pelikula.
"Nag-start na po kaming mag-shooting, hindi ko lang po alam kung hanggang kailan po aabutin ang shooting. Dapat po kasi, nagsu-shoot na kami sa may bandang Benguet. Kaso lang po, may mga landslide [dahil sa bagyong Pepeng], nade-delay po. Mga Ilokano po kasi kami dito, pero musical po siya. And alam ko po, all original po ang mga songs. Ang title naman po ng movie ay Emir."
Nag-audition daw siya for the movie.
Sa ginagawa niyang singing and acting, si Regine Velasquez ang ginawa niyang peg?
"Opo," nakangiti niyang sabi. "Siyempre naman po, Regine Velasquez po yun!"
LIFE AFTER "NEXT BIG STAR." Napag-alaman din ng PEP kay Frencheska na hindi pa nila nakukuha ni Geoff ang cash prize nilang P1 million pesos sa pagkapanalo nila sa Are You The Next Big Star?. Pero, okey lang daw sa kanya kaya biro namin sa kanya, dedma lang ba siya sa cash?
"Ay, hindi naman po!" natatawa niyang sabi. "Ayoko lang pong magtanong. Pero may mga nakuha rin po kasi kaming TF sa mga shows, inipon po yun ng mommy ko. Yun po ang ginamit naming pambili ng mga pangangailangan para sa mga shows po. Para po makaipon na rin po."
Kinakausap naman daw sila ng management tungkol dito. Nagkakaroon lang daw ng delay sa mismong sponsor na magbibigay ng cash prize. When it comes to the condo units na napanalunan nila ni Geoff, nakausap na rin daw nila ang developer at by next year pa raw ito magagawa.
Mula nang manalo siya sa Are You The Next Big Star?, nararamdaman naman daw ni Frencheska na marami na rin ang nakakakilala sa kanya.
"Kapag lumalabas po ako, hindi na rin po puwedeng kahit ano na lang ang suot ko. Kasi po, may nakakilala na rin po. Minsan po nagbubulungan sila, so kahit papaano po," sabi ng 17-year-old singer.
Pakiramdam na rin daw niya, kahit pa'no ay may mga pagbabago na sa buhay niya.
"Opo, nararamdaman ko po talaga ang mga pagbabago. Like, kapag nakakarinig po ako ng mga tugtog na pang-hotel, nami-miss ko po talaga. Nami-miss ko po yung dati, yung lounge days. Pero naisip ko rin naman po na feeling ko po, mas okay ngayon, mas palakas naman po."






nakita ko si jonalyn in person cute sya..
at kung makapag salita ka.. baka ikaw dyan mukhang nanay...
d masyadong sikat si jonalyn
pero pag may solo performance sya sa SOP
marami ang nag u upload sa youtube
at marami ang nag co comment at ang views..
voice quality at vocal acrobatics mani lang kay jonalyn
sino nagsabi n iisa lang Genre ang kaya ng LA diva??
hello??
nag Rnb rin kaya sila..
ang iba dyan comment ng comment wala naman kwenta.lalo n yung walang alam sa music..
at leas di katulad ng iba dyn n singer sa kabila na palagi na lng sablay at obvious ang pag ka nasal.
F5 and up hirap na
16 pa lang mukhang nanay na! ano ba yan GMA!
CONGRATULATION ANG GOODLUCK.
goodluck sa iyo........
eh yung french fries dy at jerome salat? nasaan? yung nanalo sa show ni zsa zsa na retokada? nasaan?
big stars nga nasa abs, pero di naman sila pinasikat ng abs unlike sa gma, pinagsikapang pasikatin ang mga batang gustong mag-artista.
ang abs, ike-claim lang pag sikat na or piratahin pag sikat na. di ba charice at arnel at billy?
si sarah di rin yan made in abs, at mas matagal na sya kisa kay jonalyn kaya wag silang pagkumparahin. ang mga kasabayan ni jonalyn ay yung mga has been na binangit ko na di ko na makita kung nasaan so sino ang mas sikat ngayun?
magaling
dipa nga sumisikat laos na hehhee..