Reigning Box-offce King John Lloyd Cruz inked another two-year contract with the Kapamilya network last Monday, October 26. In almost one decade of his showbiz career, John Lloyd already made his own niche in the industry as one of the best dramatic actors of his generation.
In an interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) after the contract-signing, the actor expressed his elated gratitude for all the good projects that his mother studio gives him.
"Siyempre, bibihira ang nabibigyan ng ganitong pagkakataon, bibihira ang nakaka-experince ng ganitong klaseng pagtitiwala mula sa ganitong kalaking kumpanya, mula sa isang napakalaking miyembro ng executive world ng ABS-CBN. Hindi yun madalas sa mga kagaya namin, so talagang punung-puno ako ng pasasalamat.
"Kailangan kong maging maingat. Siyempre, pag pinagkakatiwalaan ka, malaki rin yung ine-expect sa iyo. Siyempre, hindi naman yun ganung kadali. Maraming dapat na i-consider na factors, like yung timing, yung mga materials na gagawin mo. Maraming dapat isipin, maraming dapat alagaan. Masarap na may nagtitiwala sa iyo, especially pag ganyan kalaking pagtitiwala ang inaabot sa iyo, pero malaking trabaho from my end and dapat kong ibigay o isukli," tuluy-tuloy na pahayag ni John Lloyd.
Noong isang buwan pa dapat pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN si John Lloyd, pero dala ng mga hindi inaasahang pangyayari ay hindi ito nangyari agad.
"Well, ito, finally nangyari na siya. Medyo matagal-tagal ko ding hinintay ang panahon na ito, kasi maraming inayos. At yun nga, sabi sa akin ni Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN executive], alis daw ako nang alis. When I was about to sign a month ago, nagkasakit naman ako, so hindi natuloy. But now, ito na.
"It's a two-year contract. Bale may teleserye and, of course ASAP. Yun ang mga naka-stipulate sa contract ko," banggit ng aktor.
SOAP WITH ANGEL. Kinumpirma ni John Lloyd na ang teleseryeng gagawin niya ay pagsasamahan nila ni Angel Locsin.
"After ng movie ko with Bea [Alonzo] na lalabas by February, babalik na ako sa TV, kasama ko si Angel Loscin. Sa tingin ko, punung-puno ito ng awkwardness na sa tingin ko natural lang naman. Kailangan lang trabahuhin coz kami naman din ni Bea, nagsimula kami na di kami halos nag-uusap. Kami ni Sarah [Geronimo], ganun din naman. Lahat dapat magsimula somewhere," saad ni John Lloyd.
Naikuwento rin ng aktor na noong kinunan sila ni Angel para sa station ID ng ABS-CBN ay nakaramdam siya ng pagkailang.
"Kahapon [Oct. 25], nag-shoot kami ng station ID. Masaya, okey naman kami. Magkakilala naman kami, matagal na kahit hindi pa kami nagkakasama sa TV. Kaya lang, ako talaga naiilang pa ako. Pinaakbayan lang siya sa akin, hindi ko siya maakbayan. Nakakailang lang, pero sobra akong interesado sa team-up namin. Sobra akong interesado sa magagawa namin together na trabaho. Naniniwala ako sa mga energy niya, kita ko, ramdam ko siya."
Hindi kaya ang dating boyfriend ni Angel at kaibigan ni John Lloyd na si Luis Manzano ang dahilan kung bakit siya naiilang sa aktres?
"Wala naman akong dapat ikailang because of Luis," sagot ni John Lloyd. "I will joke about it as often as I want to, but it's a joke. A joke is a joke. Kilala ko si Luis, alam niyang trabaho ang lahat. Walang rason para magkailangan dahil kay Luis o sa kahit na kanino pa mang tao. Ang pinanggagalingan lang ng pagkailang ko ay may bago na naman akong makakasama."
MOVIE WITH BEA. Isang pelikula rin under Star Cinema ang sisimulang gawin nina John Lloyd at Bea a week after ng Heartthrob tour nila sa Europe. Ayon sa aktor, isa itong kakaibang pelikula na hindi pa nakikita sa kanila ng kanilang mga tagasubaybay.
"Ang pinaka-exciting dito, kakaibang klase ng storytelling. Hindi ko pa siya maipapaliwang coz wala pa akong hawak na script. Ang pinanghahawakan ko lang ay yung storycon na nangyari last week. Sa lahat ng mga nakapanood ng pelikula namin ni Bea, first time kaming gaawa ng ganitong paglalahad ng istorya," sabi niya.






and for sure gagayahin na naman ng GMA!
hahahahha
the reason is HINDI P RIN SILA NAKAKAMOVE ON!
hindi kasi nila matanggap tangap na iniwan nni angel ang 7 at lumipat sa dos..
kasi ang mga taong yan mga sarado ang mga puso!tinaguriang pa namn silang mga kapuso..
kaya respect nalang natin ung mga nararamdaman nila...
un lang po thanks..
this is it na ba tlaga?
bebe ko...
pero ok lng kc c Ms Angel nman makakasama mo...
can't wait for next year...
LOVE it!
is 2010 already?!
me hihilahin n nmn xang career pababa...tsk tsk...
teleserye with john lloyd and angel
movie with bea and john lloyd
movie with aga and angel
kapamilya ruled...
this john lloyd-angel team up is something to watch out for
really lang?
ano ba yan PEP parang bumyahe papunta sa kung saan ang aking wild imaginashun! hahaha
kaabang abang ang teleserye na to d nako makapaghintay grabe...me angel fever nako haha..
goodluck sa teleserye nyo ni angel lloydie..
i like all kapamilya stars pero pinaka fave ko sila jlc,sam at angel sa kapamilya..
looking forward to this series.
i think its an action fantasy drama soap.first time ni jl gagawin toh kaya exciting.sana may tipong reincarnation adam and eve or un vampire series na first plan for them :
iloveyou JLC