John Lloyd Cruz expects ticklish first-time teamwork with Angel Locsin

Melba Llanera
Wednesday, October 28, 2009 @ 08:26AM  |  37565 views

 

"Nakakailang lang, pero sobra akong interesado sa team-up namin. Sobra akong interesado sa magagawa namin together na trabaho. Naniniwala ako sa mga energy niya, kita ko, ramdam ko siya," says John Lloyd Cruz about his team-up with Angel Locsin in a teleserye next year.

Photo By: Noel Orsal













May mga nagsasabi noon na dahil kumita ang mga pelikulang ginawa ni John Lloyd without Bea—like A Very Special Love, You Changed My Life, at In My Life—ay kaya nang tumayo ng aktor mag-isa o kahit iba pa ang kapareha niya. Isang bagay na hindi raw magagawa ni Bea pag iba ang kasama nito. Pero nasira ang paniniwalang ito nang kumita ang And I Love You So, kung saan si Sam Milby ang naging leading man ni Bea.

Ano ang masasabi ni John Lloyd tungkol sa pagganap ni Bea?

"Napanood ko ang And I Love You So and talagang humanga ako sa performance niya. Scene after scene, talagang hindi niya binitawan, hindi niya pinabayaan. Napakahusay ng performance niya. Wala akong masasabi, sobrang galing, sobrang believable yung nakita ko sa kanya. Talagang napaniwala niya ako na pinagdaanan niya yun. Yun na yata ang pinakamagandang role and portrayal na nakita ko kay Bea.

"Sa akin kasi, timing is everything. Sinubukan niya, hindi siya nawalan ng loob. So, sa tapang na ipinakita niya sa pagsubok, napatunayan niya na kaya niya. She basically has everything—she has the face, the body, and the talent. Kaya talagang dun siya papunta, dun sa stardom na tinatawag," sabi ni John Lloyd.

Single si Bea at single din naman si John Lloyd, hindi kaya matutupad ang matagal nang hiling ng avid fans nila na sila ang magkatuluyan?

"I think that's the beauty of life. Hindi mo alam kung ano ang puwedeng mangyari bukas kaya di ko masasagot 'yan. Kahit dati pa, sinabi ko na hindi ako puwedeng magsarado ng pinto o ng puso ko para sa isang tao at sabihin ko, it's never gonna happen, ever. Hindi ko yun puwedeng sabihin kasi kasinungalingan yun, anything can happen," saad ng aktor.


ANOTHER JOHN LLOYD-SARAH MOVIE. Marami rin sa mga John Lloyd-Sarah fans ang naghihintay na masundan ang mga pelikulang pinagsamahan nila. Sinabi ng aktor na matutuloy naman ito, pero medyo matatagalan nga lang.

"Hindi pa siya tuloy as of now, but alam mo naman sa business na ito how things can change na kahit last minute na lang, naiiba pa. Talagang naka-set naman siya, but not in the near future," sabi niya.


SHAMPOO COMMERCIAL. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni John Lloyd sa intrigang siya dapat ang kasama nina Piolo Pascual at Dingdong Dantes sa isang shampoo commercial, pero pinalitan siya ni Jericho Rosales dahil nag-inarte raw ang aktor. Ayaw raw kasing pumayag ng kampo ni John Lloyd na si Piolo ang nasa gitna at siya ay nasa gilid lang.

"Kinausap kasi ako nila Tita Mariols, [Alberto, Star Magic head]. It would be safe, it would be just right and proper kung huwag na lang akong magsalita, kasi yung mga tao namang involved, yung mga taong nakakaalam ng istorya, yung mga taong nakakaalam ng totoong nangyari, alam nila yun," pahayag ni John Lloyd.

« Prev  1  2  

Related Articles

101 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name