Isa sa tatlong matitinding sorpresa sa advance birthday celebration ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday, October 25, ang live guesting ni Angel Locsin sa show. Sa October 29 pa ang birthday ng King of Talk pero nagsilbing maagang regalo ang muling pagharap ni Angel kay Boy para sa isang madibdibang interview.
Matatandaang kalilipat lang ni Angel from GMA-7 to ABS-CBN noong August 2007 at ipinagkatiwala niya ang kanyang kauna-unahang panayam bilang Kapamilya sa The Buzz. Ang una niyang nakaharap, iniyakan at nakausap nang masinsinan sa telebisyon ay si Boy. Mula noon, isang magandang samahan na may tiwala at respeto ang nabuo sa pagitan ng aktres at ng TV host.
Sa bawat kontrobersiyang kinasasangkutan, sa bawat isyung ipinupukol sa kanya, laging may soft spot sa puso ni Angel para sa kanyang Tito Boy. At noong Linggo ay naganap nga ang kanilang muling paghaharap.
Bago nagsimula ang interview ay kaagad na binati ni Angel si Boy, "Na-miss ko kayo, Tito Boy, happy birthday!"
Mabilis namang pinasalamatan ni Boy si Angel at sinabi pang malaking bagay para sa kanya ang pagpunta ni Angel nang hapon na iyon sa The Buzz.
SHOP AND SHARE. Sinimulan ni Boy ang interview kay Angel sa pagkumusta sa inilunsad na proyekto ng aktres na Shop and Share, kung saan nangalap sina Angel ng mga gamit ng mga celebrities na ipinapa-auction. Ang perang mula sa nabiling mga items ay ibibigay sa mga biktima ng nagdaang bagyong Ondoy at Pepeng.
Boy: Kumusta naman, how is it doing, yung Shop and Share?
Angel: Sobrang nakakatuwa na... kasi yung iba nagrereklamo na ang mahal daw nung bidding. Pero yung binigay kasi naming starting price sobrang baba, as in nasa one-fourth lang yata nung original price. Pero dahil ang mga tao, sa kagustuhang tumulong kahit na lumalampas na siya dun sa original price niya, dun sa brand new price niya, basta makatulong, bid lang nang bid.
Boy: As of now ba, Angel nakamagkano na kayo?
Angel: Natapos na po natin yung first batch natin sa Shop and Share, meron tayong pina-bid na pitong items. Ngayon nag-e-expect po kami na makakakuha kami ng... kasi nabili na po, e, mga nasa twelve thousand dollars na po. 'Tapos ngayon po magre-release kami... kasi yung iba ang akala puro mga mamahaling gamit lang. Pero kasi, sa amin kasi, mas gusto namin yung, 'Eto, espesyal na gamit namin. Ibibigay namin para lang makatulong.'
Nilinaw rin ni Boy na wala sa presyo kung gaano kamahal ang items na ipinagbibili kundi kung gaano kahalaga ang mga ito sa mga artistang nagmamay-ari ng mga gamit. Agad naman itong sinang-ayunan ni Angel.
Boy: Angel, tanong ng bayan, you've been doing a lot quietly, consistently mula noong... bago pa nga mag-Ondoy e, you've been doing a lot of things for this country, for the community. Ang tanong, why are you doing this?
Angel: Why? Actually, Tito, sa akin kasi parang, bakit hindi, e, obligasyon natin bilang Pilipino na tumulong sa kapwa natin Pilipino, di ba? I mean, siyempre, kung ako yung nakalagay dun sa ganung sitwasyon, nag-e-expect din ako na meron akong kamay na mahahawakan. Ganun lang, parang kung ano lang yung kaya kong ibigay sa kapwa ko. Ang mga taong ito, sila ang naglagay sa akin kung nasaan ako ngayon, bakit hindi ko kayang suklian?
ALMOST SHIFTED CAREER. Isang malaking rebelasyon naman ang sumunod na pahayag ni Angel.
Boy: Angel, itong karanasan mo, itong pagtulong ninyo... I like it when you said kayo kasi instrumento ka lamang at ang ating mga kasamahan dito sa industriya. Pero ang tunay na tumutulong, kasama kayo, kasama tayo ay ang taong bayan, hindi ba? Pero itong karanasan mo sa Ondoy at saka sa Pepeng, what is life-changing? Somebody told me na parang nagbago ang iyong pananaw sa buhay?
Angel: Muntikan na akong mag-shift ng career, e. Kung ako lang po yung masusunod, ha, gusto kong mas makatulong pa. Kaya lang, siyempre, kailangan ko ring magtrabaho, kailangan ko ring kumita, para makatulong. Mahal ko rin naman itong ginagawa ko. Nag-e-enjoy rin ako. Pero parang muntikan na akong... ano kaya kung gawin ko ito every day. Kasi hindi lang ito yung problem. Hindi lang porke't dumating si Ondoy at si Pepeng, nagkaroon tayo ng problema. Kahit noon marami na tayong problema.
NOT TRANSFERRING TO VIVA. Sumunod na nilinaw ni Angel ang intrigang lilipat na siya ng Viva from Star Cinema. Diumano'y nakipag-meeting na raw siya sa excutives ng Viva.
Boy: Pero habang ginagawa mo ang lahat ng magagandang bagay dito sa iyong buhay at para sa kapwa nating Pilipino na nagangailangan ng tulong ay hindi ka pa rin tinitigilan sa mga intriga. Ang pinaka-latest, ikaw raw ay lilipat ng Viva at naghiwalay na naman daw kayo ng iyong manager na si Becky Aguila, na nandito ngayon sa studio. Iiwan mo na raw ang Star Cinema. Once and for all, sagutin mo 'yan.
Angel: Akala ko noong una, parang joke. Pinagtatawanan ko pa nga siya kasi ang tagal ko na kasing hindi nagtatrabaho, di ba? Sinabi niya [Becky] sa akin, 'tapos natawa lang ako. 'Tapos nabasa ko na nga sa diyaryo. Hindi naman natin siguro masisisi yung taong nagsulat noon kasi ang tagal na niya akong hindi nakikita sa TV.
Pero, hindi po, wala pong katotohanan yun. Naging friends lang po kami sa Facebook ni Ma'am Veronique [del Rosario, Viva Films executive]. Pero wala naman pong ganun. At saka kagagaling ko lang po sa isang matinding transfer. Parang wala po akong plano na pagdaanan ulit yung mga pinagdaanan ko noon.






on topic: they come in threes daw.. kaya after gma at regal magingat ang abscbn dahil sila na ang next na tra traidorin ni becky at angel. everyone knows naman na fame and fortune lang ang after ni angel kaya nga sabi ni mother lily wala siyang utang na loob. makasarili kasi at pakitang tao lang ang pagtulong niya para pabanguhin ang name niya.
yan din ang comment mo sa kabilang artikol ah! copy paste? hahaha! sabagay sayang ang sweldo, hahaha!
dakilang plastic!
walang utang na loob!
I am really somebody compared to you. Wala kang originality. And having even 20 computers wont make you a better person.
Your choice of words and aliases says it all.
wow talaga kapag nagkatutuo feelings natin
kahit now pa lang na nominated sobrang happy na ang mga angelights, how much more kung trophy na ang dala dala niya pag uwi ? ang saya!
thanks! can't wait sa up coming soap ni angel! i am hoping and praying na manalo ka sa EMMY... good luck and GOD BLESS!
sori i missed answering your q. eheheh yeah i was inggitera2damax...my 2nd UN here...my first was poseidon ....so noong nakita mo ako as 2damax, i was new here as in new talaga...pero i was ready to defend our idol dahil nagbabasa ako ng mga comments dito..long before i registered...
sa tanda kong ito, ngayon lang ako naging fan hahahahaha and i dont mind ..not at all! Angel ata yan!