Angel Locsin clarifies rumored transfer to Viva

Glen P. Sibonga
Wednesday, October 28, 2009 @ 01:16PM  |  143 views

 

As a birthday surprise to the King of Talk Boy Abunda, Angel Locsin guested on The Buzz for a heart-to-heart interview with him during the advance celebration.

Photo By: Elyas Isabelo Salanga













Isa sa tatlong matitinding sorpresa sa advance birthday celebration  ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday, October 25, ang live guesting ni Angel Locsin sa show. Sa October 29 pa ang birthday ng King of Talk pero nagsilbing maagang regalo ang muling pagharap ni Angel kay Boy para sa isang madibdibang interview.

Matatandaang kalilipat lang ni Angel from GMA-7 to ABS-CBN noong August 2007 at ipinagkatiwala niya ang kanyang kauna-unahang panayam bilang Kapamilya sa The Buzz. Ang una niyang nakaharap, iniyakan at nakausap nang masinsinan sa telebisyon ay si Boy. Mula noon, isang magandang samahan na may tiwala at respeto ang nabuo sa pagitan ng aktres at ng TV host.

Sa bawat kontrobersiyang kinasasangkutan, sa bawat isyung ipinupukol sa kanya, laging may soft spot sa puso ni Angel para sa kanyang Tito Boy. At noong Linggo ay naganap nga ang kanilang muling paghaharap.

Bago nagsimula ang interview ay kaagad na binati ni Angel si Boy, "Na-miss ko kayo, Tito Boy, happy birthday!"

Mabilis namang pinasalamatan ni Boy si Angel at sinabi pang malaking bagay para sa kanya ang pagpunta ni Angel nang hapon na iyon sa The Buzz.

SHOP AND  SHARE. Sinimulan ni Boy ang interview kay Angel sa pagkumusta sa inilunsad na proyekto ng aktres na Shop and Share, kung saan nangalap sina Angel ng mga gamit ng mga celebrities na ipinapa-auction. Ang perang mula sa nabiling mga items ay ibibigay sa mga biktima ng nagdaang bagyong Ondoy at Pepeng.

Boy: Kumusta naman, how is it doing, yung Shop and Share?

Angel: Sobrang nakakatuwa na... kasi yung iba nagrereklamo na ang mahal daw nung bidding. Pero yung binigay kasi naming starting price sobrang baba, as in nasa one-fourth lang yata nung original price. Pero dahil ang mga tao, sa kagustuhang tumulong kahit na lumalampas na siya dun sa original price niya, dun sa brand new price niya, basta makatulong, bid lang nang bid.

Boy: As of now ba, Angel nakamagkano na kayo?

Angel: Natapos na po natin yung first batch natin sa Shop and Share, meron tayong pina-bid na pitong items. Ngayon nag-e-expect po kami na makakakuha kami ng... kasi nabili na po, e, mga nasa twelve thousand dollars na po. 'Tapos ngayon po magre-release kami... kasi yung iba ang akala puro mga mamahaling gamit lang. Pero kasi, sa amin kasi, mas gusto namin yung, 'Eto, espesyal na gamit namin. Ibibigay namin para lang makatulong.'

Nilinaw rin ni Boy na wala sa presyo kung gaano kamahal ang items na ipinagbibili kundi kung gaano kahalaga ang mga ito sa mga artistang nagmamay-ari ng mga gamit. Agad naman itong sinang-ayunan ni Angel.

Boy: Angel, tanong ng bayan, you've been doing a lot quietly, consistently mula noong... bago pa nga mag-Ondoy e, you've been doing a lot of things for this country, for the community. Ang tanong, why are you doing this?

Angel: Why? Actually, Tito, sa akin kasi parang, bakit hindi, e, obligasyon natin bilang Pilipino na tumulong sa kapwa natin Pilipino, di ba? I mean, siyempre, kung ako yung nakalagay dun sa ganung sitwasyon, nag-e-expect din ako na meron akong kamay na mahahawakan. Ganun lang, parang kung ano lang yung kaya kong ibigay sa kapwa ko. Ang mga taong ito, sila ang naglagay sa akin kung nasaan ako ngayon, bakit hindi ko kayang suklian?

ALMOST SHIFTED CAREER. Isang malaking rebelasyon naman ang sumunod na pahayag ni Angel.

Boy: Angel, itong karanasan mo, itong pagtulong ninyo... I like it when you said kayo kasi instrumento ka lamang at ang ating mga kasamahan dito sa industriya. Pero ang tunay na tumutulong, kasama kayo, kasama tayo ay ang taong bayan, hindi ba? Pero itong karanasan mo sa Ondoy at saka sa Pepeng, what is life-changing? Somebody told me na parang nagbago ang iyong pananaw sa buhay?

Angel: Muntikan na akong mag-shift ng career, e. Kung ako lang po yung masusunod, ha, gusto kong mas makatulong pa. Kaya lang, siyempre, kailangan ko ring magtrabaho, kailangan ko ring kumita, para makatulong. Mahal ko rin naman itong ginagawa ko. Nag-e-enjoy rin ako. Pero parang muntikan na akong... ano kaya kung gawin ko ito every day. Kasi hindi lang ito yung problem. Hindi lang porke't dumating si Ondoy at si Pepeng, nagkaroon tayo ng problema. Kahit noon marami na tayong problema.

NOT TRANSFERRING TO VIVA. Sumunod na nilinaw ni Angel ang intrigang lilipat na siya ng Viva from Star Cinema. Diumano'y nakipag-meeting na raw siya sa excutives ng Viva.

Boy: Pero habang ginagawa mo ang lahat ng magagandang bagay dito sa iyong buhay at para sa kapwa nating Pilipino na nagangailangan ng tulong ay hindi ka pa rin tinitigilan sa mga intriga. Ang pinaka-latest, ikaw raw ay lilipat ng Viva at naghiwalay na naman daw kayo ng iyong manager na si Becky Aguila, na nandito ngayon sa studio. Iiwan mo na raw ang Star Cinema. Once and for all, sagutin mo 'yan.

Angel: Akala ko noong una, parang joke. Pinagtatawanan ko pa nga siya kasi ang tagal ko na kasing hindi nagtatrabaho, di ba? Sinabi niya [Becky] sa akin, 'tapos natawa lang ako. 'Tapos nabasa ko na nga sa diyaryo. Hindi naman natin siguro masisisi yung taong nagsulat noon kasi ang tagal na niya akong hindi nakikita sa TV.

Pero, hindi po, wala pong katotohanan yun. Naging friends lang po kami sa Facebook ni Ma'am Veronique [del Rosario, Viva Films executive]. Pero wala naman pong ganun. At saka kagagaling ko lang po sa isang matinding transfer. Parang wala po akong plano na pagdaanan ulit yung mga pinagdaanan ko noon.

1  2  Next »

Related Articles

543 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name