Almost 18 years ang naging serbisyo ni Perry Lansigan sa GMA-7. He can be considered a "celebrity" na rin, being the manager of some of Kapuso network's prime talents, like Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann and Jolina Magdangal, among others.
Kahapon, October 27, ay inilathala rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pag-resign ni Perry bilang executive producer ng musical variety show na SOP. Ayon sa official statement mula mismo sa SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante, nagdesisyon si Perry na mag-resign sa SOP "to fully concentrate as President and CEO of PPL Entertainment, Inc., a production and talent management company which he formally established in September." (CLICK HERE to read related story.)
Pero bago pa man maglabas ng official statement si Ms. Galvante, may mga kumalat nang balita sa pamamagitan ng text messages na "tinanggal" daw si Perry sa GMA-7. Lumabas din sa PEP Alerts that "he was left with no other choice," na maaaring ipagpalagay na "forced resignation" ang nangyari.
Kung mababasa ang mga status na ipino-post consecutively ni Perry sa kanyang Facebook account, tila hindi smooth o hindi nanggaling sa kanya ang ideya na mag-resign siya sa SOP. Ilan sa mga ipino-post niya sa kanyang FB status ay: "Ang sakit, ang sakit-sakit..."
PERRY SPEAKS UP. Kagabi, ilang sandali pagkatapos mai-post ng PEP ang official statement mula kay Ms. Galvante, nakausap namin si Perry upang kunin ang kanyang panig tungkol sa nangyari.
Ang una naming tinanong sa kanya ay kung totoo nga bang nag-resign siya?
"Yes, I resigned. I won't elaborate na lang on that, kasi ayoko munang magsalita. Basta I will fly soon, and I will fly very, very high," makahulugang sabi ni Perry.
Mabilis ang sagot ni Perry sa tanong namin kung wala bang "pain" sa pagkawala niya sa GMA-7, lalo na bilang executive producer ng SOP for almost 13 years.
"Meron... meron naman," sagot niya. "Kahit nga magkarelasyon na kaka-three months pa lang, nasasaktan na. Kung umatungal na, akala mo habambuhay na magkarelasyon, what more yung almost ilang years?"
Hindi naman siya nakasagot agad when we asked him if his resignation was his personal decision. Pero sa bandang huli, sinabi niya, "I resigned na rin with respect to the wisdom of the recommendation of some people."
Paano niya pinaghandaan ang pagkawala niya sa GMA-7?
"To be honest, hindi ako handa," pag-amin ni Perry. "But maybe God has bigger plans for me. At saka everything happens for a reason. Tulad na lang ng sinasabi ng isang kilala kong mentor, na 'there's always a reason for being.' There's always a reason for being kung bakit yung office ko, September ko naitayo, tapos October nangyari ito [resignation]. E, puwede naman sa November maitayo. Maybe because ganito ang mangyayari. There's always a reason for being. Bakit October 25 yung last [day] ko, puwede namang the week before that? There's always a reason siguro dahil November 1, walang SOP. Tapos, pre-empted ang mga susunod [na episodes]. Siguro makakatulong din sa akin."
May iba't ibang haka-haka na naglalabasan, na kesyo may nagpatanggal sa kanya sa show at sa GMA-7 mismo. May ganoon din bang iniisip si Perry?
"Siyempre, iba-iba ang iisipin na d'yan. Actually, ngayon pa lang nga, ganoon na ang iniisip ng ibang tao. Kumbaga, hindi ko maiaalis na maisip nila yun," sabi niya.
PERRY'S TALENTS. Among Perry's pool of talents under PPL Entertainment—aside from Dingdong, Geoff, and Jolina—are Gabby Eigenmann, Arthur Solinap, Carlo Gonzalez, and Angelika dela Cruz, na lahat ay nasa Kapuso network din. Ano na ang mangyayari sa kanyang mga alaga, may plano ba siyang ilipat ng network ang mga ito?






Sana isunod na si Direk Louie dahil nagmumukhang SIS lang ang SOP, tapos si Geleen pati anak nya at si Kuya Germs na panay That's Entertainment ang message pag birthday nya....
Tanggalin rin ang mga hindi naman marunong sumayaw or kumanta...Bigyan ng matinding production number si Regine...Kaya parang napansin ko medyo tamad ng mag-aral si Regine ng mga bagong kanta eh...pero pag concert naman todo hataw...kasi sa SOP mas bongga pa birthday ni Dingdong sa kanya porke manager nya lang itong si Perry...
so long as richard gutierrez's movies and shows make tons of money, so will annabelle rama's power continue to flourish. it's already mandatory that every one of richard's shows features almost all of her stable of starlets.
H1N1 kung wala ka masasabing maganda, pavaccine mo muna sarili mo isa kang Virus!
Si Jolina, napaglipasan na ng panahon. Si Geoff Eigenmann, sikat na bang maituturing iyon eh hindi naman nag-hit ang show niya kahit anong pa-gimik nila ni Carla Abellana?
Tanong ko lang : papagamit ba si Wilma Galvante kay AR?
Kung totoo lahat ito, ibuking mo na, Perry, tutal wala ka na naman doon.
hlos lhat ng gus2 ng impktng yan na su2nod
my lam ba xa sa baho ng GMA kya lhat ng gus2hin nya ay nasu2nod..
im a fan of GMA kzo nka2sar ung mga news na gnito..
iza_marian7
Siguro nga. Pero nabasa ko sa accesspinoy eh! Ewan kung totoo! Yung kay Maricel,eh di ba ayaw masyado non ng teleserye? Baka movies...
iza_marian7
Eh di masaya,para may iba naman na makita sa GMA. Pero patay niyan si Manilaphils,paano na ang NETO? haha joke....