Almost 18 years ang naging serbisyo ni Perry Lansigan sa GMA-7. He can be considered a "celebrity" na rin, being the manager of some of Kapuso network's prime talents, like Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann and Jolina Magdangal, among others.
Kahapon, October 27, ay inilathala rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pag-resign ni Perry bilang executive producer ng musical variety show na SOP. Ayon sa official statement mula mismo sa SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante, nagdesisyon si Perry na mag-resign sa SOP "to fully concentrate as President and CEO of PPL Entertainment, Inc., a production and talent management company which he formally established in September." (CLICK HERE to read related story.)
Pero bago pa man maglabas ng official statement si Ms. Galvante, may mga kumalat nang balita sa pamamagitan ng text messages na "tinanggal" daw si Perry sa GMA-7. Lumabas din sa PEP Alerts that "he was left with no other choice," na maaaring ipagpalagay na "forced resignation" ang nangyari.
Kung mababasa ang mga status na ipino-post consecutively ni Perry sa kanyang Facebook account, tila hindi smooth o hindi nanggaling sa kanya ang ideya na mag-resign siya sa SOP. Ilan sa mga ipino-post niya sa kanyang FB status ay: "Ang sakit, ang sakit-sakit..."
PERRY SPEAKS UP. Kagabi, ilang sandali pagkatapos mai-post ng PEP ang official statement mula kay Ms. Galvante, nakausap namin si Perry upang kunin ang kanyang panig tungkol sa nangyari.
Ang una naming tinanong sa kanya ay kung totoo nga bang nag-resign siya?
"Yes, I resigned. I won't elaborate na lang on that, kasi ayoko munang magsalita. Basta I will fly soon, and I will fly very, very high," makahulugang sabi ni Perry.
Mabilis ang sagot ni Perry sa tanong namin kung wala bang "pain" sa pagkawala niya sa GMA-7, lalo na bilang executive producer ng SOP for almost 13 years.
"Meron... meron naman," sagot niya. "Kahit nga magkarelasyon na kaka-three months pa lang, nasasaktan na. Kung umatungal na, akala mo habambuhay na magkarelasyon, what more yung almost ilang years?"
Hindi naman siya nakasagot agad when we asked him if his resignation was his personal decision. Pero sa bandang huli, sinabi niya, "I resigned na rin with respect to the wisdom of the recommendation of some people."
Paano niya pinaghandaan ang pagkawala niya sa GMA-7?
"To be honest, hindi ako handa," pag-amin ni Perry. "But maybe God has bigger plans for me. At saka everything happens for a reason. Tulad na lang ng sinasabi ng isang kilala kong mentor, na 'there's always a reason for being.' There's always a reason for being kung bakit yung office ko, September ko naitayo, tapos October nangyari ito [resignation]. E, puwede naman sa November maitayo. Maybe because ganito ang mangyayari. There's always a reason for being. Bakit October 25 yung last [day] ko, puwede namang the week before that? There's always a reason siguro dahil November 1, walang SOP. Tapos, pre-empted ang mga susunod [na episodes]. Siguro makakatulong din sa akin."
May iba't ibang haka-haka na naglalabasan, na kesyo may nagpatanggal sa kanya sa show at sa GMA-7 mismo. May ganoon din bang iniisip si Perry?
"Siyempre, iba-iba ang iisipin na d'yan. Actually, ngayon pa lang nga, ganoon na ang iniisip ng ibang tao. Kumbaga, hindi ko maiaalis na maisip nila yun," sabi niya.
PERRY'S TALENTS. Among Perry's pool of talents under PPL Entertainment—aside from Dingdong, Geoff, and Jolina—are Gabby Eigenmann, Arthur Solinap, Carlo Gonzalez, and Angelika dela Cruz, na lahat ay nasa Kapuso network din. Ano na ang mangyayari sa kanyang mga alaga, may plano ba siyang ilipat ng network ang mga ito?






badjaobabe
October 29, 2009
12:25 PM
assuming totoo nga un baka gusto nila cna Richard at Rhian lng ang matira sa mga talents nila. lol! ano nman kaya gusto ni anabel? it's not as if nawawalan ng trabaho si richard sa gma. tapos ung mga projects na bnbgay kay richard e halatang pinagkagastusan tlaga fr the costumes to the special effects.
Paging Ms Wilma, nver let go Perry, hes one hell of an asset.
and Direk Louie, ireformat nyo n po ung SOP. and advise Jaya and Ogie n wag madaliin ang songs n kinakanta. Concentrate more on La Divas OMG, they are d best!, on KYLA and Jay-R so cool together! and d trio of Dennis, Marvin and Gerald pkibalik, dey r so amazing!
tnx. GMA God bless!
so it was Bisaya behind all these.
ang tindi ng kamandag ni Monster!
and Pleeeaasssee.. wag ng may-I-sawsaw c ms anabelle sa isyung to. dis is btween GMA and Perry!
nag join forces si anabel at si ida ah. i don't think BFF sila, it's just that they a common enemy kaya sila ngayon ang magkakunchaba
and don't mind negative vibes Perry! Go...Go...Go Perry...soar high! hindi ka nila kilala to even judge you, aabot ka ba ng 13 years serving GMA kung isa kang walang kwentang tao gaya ng mga nagsasalita against you hahahaha tawanan mo na lang sila...good karma pa