Talent manager Perry Lansigan speaks up about his resignation from SOP

Rose Garcia
Wednesday, October 28, 2009 @ 02:34PM  |  161 views

 

"To be honest, hindi ako handa. But maybe God has bigger plans for me. At saka everything happens for a reason. Tulad na lang ng sinasabi ng isang kilala kong mentor, na 'there's always a reason for being,'" says talent manager and former SOP executive producer Perry Lansigan.

Photo By: Noel Orsal













"Hindi, may contract pa rin naman lahat. Naging mabait naman ang GMA, in fairness sa mga alaga ko," sabi niya.

Ano ang naging reaction ng talents niya, lalo na si Dingdong, sa pagre-resign niya?

"They are very much on my side," sagot ni Perry. "They will support me raw all the way sa kung anumang endeavors na tatahakin ko at naniniwala naman sila. It's the same thing, very positive sila sa mga pangyayari. Naniniwala sila na positive ang lahat ng ito."

If he has the choice, gusto pa rin ba niyang manatili sa GMA-7?

"I saw it coming. Alam ko na, kumbaga, kaya nga nagtayo rin ako ng business. Kasi, sa lahat naman ng negosyo natin or whatever, hindi ka palaging secured kung saan ka pupunta. So, kumbaga, naghahanda ka.  Handa naman ako. Magbabago lang nang konti ang lifestyle ko, mga ginagawa ko. Kasi ang GMA at SOP in that matter is in my every breath and being na. Pero handa ako and positive ako dito."

Dagdag niya, "Siguro ano na lang, never akong nag-doubt, nawalan ng faith kay Lord. Basta positive ako dito."

Sa palagay ba niya ay may kinalaman ang pagpo-formalize niya ng production at talent management company niya kaya nangyari ang lahat ng ito?

"I think, oo... I think, meron," sagot ni Perry.

Mas magiging open na ba siya sa lahat ng networks?

"Wala namang imposible sa mundong ito, lahat posible. And ever since naman, I'm open naman to anything, especially for my talents. Na-associate lang ako masyado sa GMA. Pero para sa akin, lahat naman posible. Posibleng ganito, posibleng ganyan," saad ni Perry.

May mensahe ba siyang iparating sa Kapuso network?

"It's my deepest aspiration na yung mga naiwan ko d'yan, ang mga tao at mga naiwan kong shows, will still be the best and I wish them all well," maiki niyang sabi.

Hindi naman itinanggi ni Perry na iniiyakan pa rin niya hanggang ngayon ang pagkawala niya sa GMA-7. Pero aniya, "With friends around and people who believe in me, kaya ko 'to."

« Prev  1  2  

Related Articles

189 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name