Angel Locsin confirms breakup with Luis Manzano

Trisha Alvarez
Thursday, October 29, 2009 @ 11:04AM  |  144251 views

 

Angel Locsin reveals that it has been four months since her breakup with Luis Manzano. But the actress refuses to divulge details about it. "Hindi na ako magbibigay ng ibang detalye. Tama na nasabi ko na yun. Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin. So, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita," she says.

Photo By: Elyas Isabelo Salanga













SHOP AND SHARE. Sa ngayon, abala pa rin si Angel sa kanyang proyekto na Shop and Share sa Internet with Anne Curtis. Marami pa ring mga artista ang nagbibigay kay Angel ng items as donation.

"Marami pa at karamihan mga signature items," banggit niya. "Ibinebenta namin through our website, www.shopandshare.com, yung mga items. E, yung kikitain, ibibigay namin sa relief operations ng Red Cross para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

"Sobrang overwhelming yung response ng tao, e. Yung may bid na mas mahal na siya dun sa talagang presyo niya, yung ganun. Yung ibinebenta namin, sobrang baba, pinakamababa siya kaysa sa eBay. Nag-research kami and sobrang one-fourth na lang ng price niya.

"Pero nakakatuwa yung mga tao dahil sa kagustuhan nilang makatulong, kahit lumalampas na yung bidding sa original price niya, sa brand new price, nagbi-bid pa rin. Nakakatuwa rin naman," kuwento ni Angel.      

Nagsimula ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng pagte-text ni Angel sa mga kapwa niya artista na baka puwede silang mag-donate ng anumang maitutulong para sa mga nasalanta ng bagyo.

"Isa si Anne sa mga unang nag-reply na the height ang level ng energy, sobrang excited din siya! Nakakatuwa si Anne. Yun nga, sinasabi niya sa akin, sobrang inspired nga siya. Pareho ko rin 'yan na hindi rin natutulog sa Shop and Share, sobrang hands-on din. At siya rin ang kumukuha ng pictures namin [na ina-upload sa Net]. Ang galing ni Anne."

Pero nanggaling daw ang name na Shop and Share mula sa best friend ni Anne na si Raymond Gutierrez.

"Actually, marami talaga kami dito. Nahihiya nga kami ni Anne dahil hindi lang sa amin ito kundi project nating lahat. Nakakatuwa nga, kasi yung ibang mga artista, sila pa ang tumatawag sa amin para sabihing magdo-donate sila, ganyan."

So far, marami na nga raw nag-donate tulad nina Kris Aquino, Ruffa Gutierrez, Pokwang, Mariel Rodriguez, Kim Chiu, KC Concepcion, at marami pang iba.

"Si KC nakakatuwa kasi ang ibinigay niya, brand new na Balenciaga and Givenchy bags!" proud na sabi ni Angel.

Isa pang tiyak na pag-aagawan ay ang donation ni Manny Pacquiao na sapatos.

"Pinuntahan ko pa talaga, 8 a.m., nakakatuwa. Dinoneyt niya yung shoes na ginamit niya since day one ng training niya sa Baguio. At memorable yun kasi yun ang ginamit niyang rubber shoes nung Ondoy and Pepeng. Saka yung shorts niya, saka may nakalagay na Manny Pacquiao, saka may pirma niya.

"Pati si Freddie Roach [trainer ni Pacquiao] nung nasa Baguio, nag-donate din, yung boxing gloves niya noon at pinirmahan pa niya sa likod!" tuwang-tuwa na sabi ni  Angel.

INTERNATIONAL EMMY. Kinumpirma rin ni Angel ang pag-attend niya sa International Emmy Awards next month sa U.S. Nominated si Angel sa Best Actress category para sa pagganap niya sa kauna-unahang teleserye niya sa ABS-CBN na Lobo. Sagot daw ng ABS-CBN at Star Cinema ang pagpunta ni Angel sa U.S.

"Win or lose, pupunta ako doon. Yung na-nominate lang ako, malaking bagay na. 'Tsaka bihira ang ganitong pagkakataon kaya hindi ko sasayangin," sabi niya.

« Prev  1  2  

Related Articles

1017 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name