Misty-eyed ang ilan sa entertainment press na dumalo sa presscon para sa grand champion ng "Birit Baby 2009" ng Eat Bulaga! na si Jude Matthew "JM" Servilla kagabi, October 28, sa Imperial Palace Suites. Ipinakita kasi ang video clip noong grand finals ng "Birit Baby 2009" held two Saturdays ago sa Eat Bulaga!, kung saan nakipag-compete si JM sa iba pang finalists.
Bilang "Birit Baby 2009," nanalo si JM ng 200,000 pesos plus 20,000 pesos as the winner of the People's Choice Award mula sa text votes ng televiewers ng Eat Bulaga! around the world.
Ang winning piece ni JM ay ang "Hanggang," na kinanta ni Wency Cornejo. Bakit ito ang napili niyang kantahin noong grand finals?
"Isa po sa favorite singers ko si Mr. Wency Cornejo at gusto ko po yung song niya, tulad din ng song niyang 'Habang May Buhay.' Favorite ko rin po si Ms. Regine Velasquez, Jed Madela, Charice Pempengco," sagot niya.
A STAR IS BORN. Paano siya nagsimulang kumanta?
"Prep pa lang po ako nang mag-join ako sa children's choir ng Bagunawa Evangelical Church sa amin sa La Carlota, Negros Occidental. Pero Grade 3 na po ako nang para makaraos sa buhay namin, sumali na po ako sa amateur contests. Ang madalas kong kantahin yung 'How Could You Say You Love Me' ni Sarah Geronimo saka ang 'My Heart Will Go On' ni Celine Dion.' Pinakikinggan ko lang po sa tape ang mga kanta nila," kuwento ni JM in his thick Ilonggo accent.
Nakasali rin si JM sa "World of Fun" videoke contest sa SM North EDSA, kung saan nanalo siya ng 4,000 pesos. Kahit sa World Champions Of Performing Arts (WCOPA) ay nakapasa siya, pero hindi siya natuloy dahil hindi siya pinayagan at wala rin naman siyang ipapamasahe.
"Para lang po kami makapunta ng Papa ko sa Manila, nag-solicit lang kami ng pamasahe dahil one thousand pesos din po ang tiket namin sa barko. Luma lang ang sapatos na suot ko, pero naibili na rin po ako ng Puma shoes ni Mama sa Marikina Riverbanks pagkatapos ng contest," lahad pa ng batang singing champion.
Nang tanungin kung ang nabili niyang sapatos ang suot niya sa presscon, hindi raw. Bigay raw 'yon ng manager niya, si Malou Choa-Fagar ng TAPE, Inc.
UNDER TAPE MANAGEMENT. Nagkatawanan naman nang hindi pala kilala nang personal ni JM si Malou. Ang parents daw kasi ni JM ang kausap niya kaya hindi siya kilala nito at nang gabing 'yon lang nagkakilala ang manager at talent.
Two years ang managerial contract ni JM sa TAPE, Inc. at may sarili na siyang segment sa Eat Bulaga! every Monday, Wednesday, and Saturday. Ito ang "Songs From The Heart," kung saan kakantahin niya ang requested songs from televiewers, lalo na ng mga OFW.
Ilang songs na ba ang alam kantahin ni JM? Madali lang ba siyang mag-aral ng kanta?
"Mga ten to twenty songs na po," sagot niya. "Depende po sa song. Minsan one day, minsan two days, kabisado ko na ang lyrics at kaya ko nang kantahin."
Ano ang plano ng TAPE, Inc. sa career ni JM? May recording na ba siyang gagawin?
"Wala pa, wala pa munang recording," sabi ni Malou. "Siguro magdi-depend sa kung sino ang mag-o-offer na recording company. Sa ngayon, 'yon munang segment niya sa Eat Bulaga! at saka isinasama namin siya sa mga show sa provinces dahil hinahanap siya."






Oist madam auring lahat ng hula mo sablay. may pa.bro bro ka pang nalalaman sino yang bro mo si satanas? lols
he's a very talented kid. i wish you luck in your career.
SHINING INHERITANCE, lalong gumaganda at magbabago na ba ang suwail na tagapagmana ng isang mayang pamilya?
BUBBLE GANG, abangan ang 3 tv movies na ginawa for it's 14th Year Anniversary.
SATURDAY- EB, Pinoy Records, Bito's Showtime, Jessica Sojo, Imbestigador, Cool Center ang pagpapahayag ng damdamin ni Mr. carinoso kay Eugene? Ano ang gagawin ni Shivaker?
SUNDAY- Bandaoke, Show Me The Manny
Stairway To Heaven, ang pag-amin ni Jenna ng nararamdaman nya kay Cholo. Ano ang aggawing hadlang nina Charlie at Eunice?
ROSALINDA, patay na kaya talaga si Fedra? Sino ang pipiliin ni Rosalinda? Si Fernando Jose na asawa at mahal nya o ang pinagkakautangan ng loob nya na si Alex?
Sis,
Eat Bulaga, na magkakaroon ng Hall Of Fame award dahil sa pamamayagpag ng mahigit 30years.
Daisy Siete,
Kaya Kong Abutin Ang Langit,
Tinik Sa Dibdib,
Family Fued,
IKAW SANA, ang nalalpit na paglaya ni Eliza sa tulong ng isang abogadong di nababayaran ang dignidad at ang duda ng lola nila sa half-sister nyang si Sofia.
24 Oras,
DARNA, malalaman na ba ni Eduardo ang sikreto ni Narda? Tuluyan na nga bang mahipnotismo si Ding nina Babaeng Tuod at maamin nya ang sikreto ni Darna/Narda? Bakit ayaw ipaalam ni Consuelo na anak ni Alicia si Narda? Magdududa na kaya sina Narda at Alicia sa plano ni Consuelo? Anong paghahasik ang gagawin ni Impy? Ang pagtanggap ni Valentina ng kanyang misyon na maghari ang mga taong ahas? Ang kanyang pagbabagong anyo bilang taong ahas. Ang plano ni Serpina. Ang pagpapalakas ni Lucifera para bumalik sa pagiging Babaeng Tuod. Ang pagbabalik ni Babaeng Lawin, makuha na kaya ni DARNA ang kapangyarihang bilis? Ang
Jed Madela
Ralph Salazar
cnu pa ba? IC Mendoza? hahahahhahah
God bless and good luck!
sinong bro kaya tinukoy nya baka yung bro of darkness hahaha.
Jude Matthew good luck. Pagbutihin mo pa.