"Wala pong pagisisi, kasi... Magsisisi ako kung galit sa akin ang ABS. Yun lang ang pagsisisihan ko, pero hindi naman sila galit, so wala akong pinagsisisihan. 'Yon ang mahalaga, na sa kanila ako galing, at hindi sila galit sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanila at hindi sila galit sa akin. Masaya po ako dahil nakalipat po ako nang okey kami," says Mhyco Aquino about leaving ABS-CBN.

Photo: File photo

Mga limang taon na ang nakalilipas mula nang ilunsad ng ABS-CBN ang Animé, isang all-boy dance and singing group ng mga guwapong young stars ng Kapamilya network, sa ASAP. Sila ay sina Rayver Cruz, John Wayne Sace, Emman Abeleda, Sergio Garcia, Mico Aytona, at Mhyco Aquino. Nadagdag din later on sa grupo ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz.

Pero mula nang mabuwag ang grupo about two years ago, nagkanya-kanyang landas na rin ang mga miyembro ng Animé. Kanya-kanyang destiny, kumbaga.  

Sa mga nagdaang panahon, si Rayver ang sumipa nang husto ang career. Pansamantalang sumikat din si John Wayne na mahusay namang umarte, pero may hindi magandang tsismis sa attitude nito. Nag-retire na sa showbiz si Emman. Mina-manage na ng Genesis si Mico Aytono at nasa GMA-7 na ngayon. Samantalang nanatili sa Dos si Sergio.

Sa grupo, si Mhyco ang nagdesisyon ng major career move. Ito ay ang magpalit ng business manager—from Star Magic ng ABS-CBN to Manny Valera (manager din nina Alessandra de Rossi, Jean Garcia, Polo Ravales, Zoren Legaspi, among others) at ang pagsubok na lumabas sa indie films.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mhyco sa premiere showing ng I Love Dreamguyz sa Gateway Platinum Cinema. Kasama niya sa pelikula sina Marco Morales, Niña Jose, Jao Mapa, Sherwin Ordoñez, at introducing sina Jay-L Dizon at Miggy Valdez. It is directed by Joel Lamangan and produced by DMV Entertainment ng bagong manager niyang si Direk Manny Valera.

Ang I Love Dreamguyz ay isang sexy film tungkol sa magkakabarkadang dancers na nangangarap magtrabaho sa Japan.

LEAVING ABS-CBN. Kumusta na nga ba si Mhyco pagkatapos niyang umalis sa ABS-CBN at Star Magic?

"Okay naman po ako kay Direk Manny," sagot niya. "Yung pag-alis ko sa ABS, siguro gusto ko lang mag-grow as an actor para maiba naman, gano'n. Yung mag-try naman sa iba, gano'n... Parang... Saka yung ibang projects, iba naman."

Hindi ba siya nahirapang mag-decide noon, thinking na sikat ang Animé noon, maganda ang exposure nila sa TV, and all? Paano nagsimula ang pag-iisip niyang umalis ng Dos?

"Kasi po, yun 'yong time na siguro nagbibinata na ako na parang... Kung sasayaw lang ako nang sasayaw... Kung may acting [roles] man, lagi na lang Amboy, ganyan... Amerikano, ganyan... Mayaman...

"Parang, gusto ko naming maiba. Ayoko na yung gano'n na naman. Gusto ko, iba na. Kasi feeling ko sa sarili ko na kaya ko, e. Kahit na anong role, kaya ko. Gusto ko lang mag-experiment.

"Kasi, kailangan mong i-enjoy yung ginagawa mo, di ba? Pag di ka nag-e-enjoy, parang pressured ka. Di mo magawa yung gusto mo, so ayun. Siguro sinunod ko lang ang instinct ko na dito ako magiging masaya, mag-e-enjoy ako sa ganito, 'Sige, try, for experience!'" sabi ni Mhyco.

Naka-ilang taon siya sa ABS-CBN?

"Matagal, mga five or six. Doon ako nag-start, mga 12 yata or 13. One time, nakita lang ako ni Mr M [Johnny Manahan, isa sa mga boss ng Star Magic] sa audition ng Star Circle Batch... 9 or 11 yata yun.