Kasalukuyang nasa Singapore ngayon sina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa promotion ng DVD version ng pinagsamahan nilang telefantasya sa GMA-7, ang Dyesebel. Alas-kuwatro kaninang madaling araw, October 30, sila umalis.
Mag-i-stay sila roon hanggang bukas, October 31. Sa November 1 hanggang 2 ay pupunta naman sila sa Malaysia. Magkakaroon din sila ng shows at fans day sa naturang mga bansa. Sa Martes, November 3, na raw ang balik nila sa Pilipinas.
Kuwento ni Marian, "Kasi ni-request kami ng mga tao doon para sa Dyesebel, kasi nailagay na siya sa DVD. Request kasi ng mga tao doon na sana makita nila ulit kami ni Dingdong together. So, dalawang araw sa Singapore, dalawang araw sa Malaysia. Tapos, uuwi na ulit dito. Tapos, taping na ulit. Naghahabol kasi kami dahil masyadong madugo ang Darna."
Nakausap ng PEP (Philippine Etertainment Portal) at iba pang press si Marian sa taping ng Darna kahapon, October 29, sa St. James Church sa Plaridel, Bulacan.
NUMBER ONE. Hindi na talaga matawaran ang kasikatan ngayon ni Marian. Balik siya sa pagiging Primetime Queen dahil simula nang mag-umpisang umere ang pinagbibidahan niyang Darna sa GMA-7, hanggang ngayon ay nangunguna pa rin ito sa Metro Manila ratings. Ano ang masasabi ni Marian dito?
"Talaga? Minsan kasi hindi na ako nakakatanggap ng ratings sa sobrang dami ng trabaho ko, hindi ko na napapansin. Pero pag may napagtatanungan ako, ano ba ang ratings, natutuwa naman ako kasi at least number one pa rin sa ratings," nakangiting pahayag niya.
Aminado naman si Marian na malaki ang naging epekto sa ratings ng nangyaring trahedya noong bagyong Ondoy, kung saan malaking parte ng Metro Manila ang nawalan ng kuryente.
"Oo nga, e, ang dami ngang nagte-text kay Ate Vangie, sa handler ko, na, 'Naku, pakisabi kay Yan-yan [palayaw ni Marian], hindi kami nakakapanood kasi walang kuryente.' Ang tagal din nilang nawalan ng kuryente. Yung ibang parte nga ng Marikina, sabi, hanggang ngayon wala pa ring kuryente."
Marami pa raw dapat abangan sa Darna, gaya na lang ng kinunang eksena during our set visit—ang wedding scene nina Narda at Eduardo, played by Mark Anthony Fernandez, na guguluhin nina Babaeng Lawin (Ehra Madrigal) at Babaeng Tuod (Francine Prieto). Mas tumitindi pa raw ang mga eksena lalo na nga't mas dumadami pa ang mga kalaban ni Darna.
"Si Cobra kasi natalo ko na. Pero may iba pang kalaban na si Zandro ang pangalan, na si Paolo [Contis] din yun. Tapos ayan, matatalo ko na si Babaeng Tuod at si Babaeng Lawin, pero papasok naman si Linta [Maggie Wilson]. Tapos pag natalo ko si Linta, papasok na ulit si Valentina [Iwa Moto]. So, ang dami-dami, sunud-sunod sila. Si Serpina, lalaki rin at magiging kalaban ko."
Tumitindi rin daw ang mga fight scenes ni Marian.
"Ayan, may panibago na naman akong sugat at saka pasa. Hindi kasi talaga maiwasan, e. Kasi kahit naman sina Direk Dom [Dominic Zapata], ayaw din naman nila na masusugatan ako. Pero wala, e, pag fight scene talaga at bigay todo ka, hindi mo naman maiwawasan na sana huwag kang masugatan, huwag kang maano. So, sige, basta fight scene iba-block ni Direk, tapos gagawin na lang," sabi niya.
KATRINA & DENNIS. Nadadagdagan din ang mga bagong tauhan na pumapasok sa istorya ng Darna. Nabalita pa nga na papasok na rin sa Darna sina Katrina Halili, bilang bagong kontrabida, at si Dennis Trillo, na kababata ni Narda. Kinumpirma naman ito ni Marian at na-excite daw siya dahil makakatrabaho ulit niya ang dalawa na kasama na niya sa ibang projects noon.
Ano ang feeling niya na yung tandem nila ni Katrina as bida at kontrabida ay bumalik dito sa Darna?
"Nakaka-excite kasi nagsimula yun sa Marimar, e, siya yung kontrabida ko. This time, ganun ulit. 'Sige,' sabi ko, 'exciting 'yan,'" sambit ni Marian.






sa bagay paniniwala mo naman yan..!
---
obvious naman kasi. Try nating palipatin si Marian sa dos. Lhat ng baho ilalabas nila. Gaya ng pnagsasabi nila na kailangan ng maraming body make-up ni Angel bago magtake nung darna. Sino pa magsasabi niyan kundi insider. Maski kamay lang ang kukunan sa commercials.. mini-make upan yan.
Khit ano pa ang sabihin niyo.. best actress nominee ang lola ko. Emmy Awards pa.. beh!
in the same way, i also appreciate angel for reaching out marian regardless of everything in between them....well, thanks for SHOPANDSHARE though......
i just hope these two could be best of friends :
sa bagay paniniwala mo naman yan..!
di talaga bagay sa kanya un, wala lang talagang mapagpilian iba ang gma nun
sa kulay , sa mukha, di talaga bagay sa kanya.
ke marian, swak na swak.
sory pang anime lang si AL
ito namang writer na walang magawa kahit nagpupunas ng sipon sasabihing nangungulangot.....palibhasa kasi sikat na sikat si marian rivera uhaw na uhaw silang may maisulat sa PRIMETIME QUEEN kaya nang-iimbento nalang......
marian has never been packaged as mahinhin and di makabasag pinggan.
from the start, malakas na sya magsalita, bungisngis, and hindi dungo.
dun nga sya minahal ng masa.
subukang i present sya as otherwise, i dont believe magugustuhan un ng tao. she is being true to herself, she doesnt need to pretend she is somebody she is not.
we love her as she is.
naku pag naging kimi sya at push over, baka ayaw ko na sa kanya.
mabuti yan, strong personality nya, may paninindigan sa sarili ang she stands for what she believes is right.
bakit di ka ba nangungulangot????aminin hahahahaha!
bitterness lang yang nararamdaman mo palibhasa kasi mukhang kabayo at mukhang pinagtampuhan ng panahon ang mukha ng idol mong si diskarylle he he he....
porke't nagkabati ngaun si angel at MARIAN feeling mo na-LEFT BEHIND na ang idol mong mukhang kulangot na kulot he he he.....
basta for me, maganda pa rin sya! hehehe
ang ganda nyang anaconda
ang ganda nyang palengkera
ang ganda nyang butangera
ang ganda nyang kulangot queen
ah basta, maganda pa rin sya! lol
Karylle has already spoken up during her SNN interview which i saw over youtube that she's already at peace, so let it be!
whatever was the reason of the break up, it's only Karylle and Dingdong who really knew the real score.
Karylle once said during her interview with Boy Abunda, that MR was not the reason on why she and her ex fling went on separate ways...so please lang, stop dragging someone else's name!
get a life mga ka pepsters! Dingdong and Karylle have already moved on, so why can't you?
prove it muna na nang agaw si karylle ok. ksi si marian proven na. hahaha!