Mula sa labing-anim, lima na lang ngayon ang natitirang castaways ng Survivor Philippines: Palau pagkatapos mapatalsik sa pinakahuling Tribal Council ang Manila City Hall employee na si Shaun Rodriguez.
Dahil sa kanyang lakas sa challenges, itinuturing na malaking threat si Shaun ng kanyang kapwa castaways kaya nagdesisyon silang tanggalin siya.
Nawalan ng bisa ang automatic two votes na nakuha ng chef at restaurant owner na si Mika Batchelor mula sa "blood pearl" na ibinigay sa kanya ng natanggal last week na si Suzuki Sadatsugu. Limang boto ang nakuha ni Shaun laban sa tatlong boto ni Mika.
Bago gawin ang botohan ay tinanong ng host na si Paolo Bediones ang natitirang anim na castaways—sina Shaun, Mika, Justine Ferrer, Amanda Colley Van Cool, Jef Gaitan, at Charles de Vera Fernandez—ng revealing questions tungkol sa kanilang strategy.
Isa sa mga tinanong ni Paolo ay kung sino sa natitirang castaways ang gusto nilang makasama sa Top 2. Tatlo ang pumili kay Justine: sina Jef, Shaun, at Charles. Pinili naman nina Mika at Amanda ang isa't isa, at si Jef ang pinili ni Justine na makasama sa Top 2.
Maluwag namang tinanggap ni Shaun ang kanyang pagkakatanggal pagkatapos niyang makaligtas noong isang linggo dahil sa hidden immunity necklace na nasa kanya. Napabuntung-hininga lang siya nang basahin ni Paolo ang pangalan niya sa huling parchment na naging hudyat ng kanyang pagkakatanggal.
Sa kanyang exit interview, sinabi ni Shaun na, para sa kanya, si Justine ang sole survivor. Totoo rin daw ang sinabi niya kay Justine na ito ang isasama niya sa Final 2 kahit alam niyang wala siyang tsansang manalo laban sa tinaguriang reyna ng Isla Purgatoryo.
Bagamat wala na siyang pagkakataong manalo ng tatlong milyong piso at tanghaling Pinoy Sole Survivor, nanalo naman si Shaun ng P100,000 cash pagkatapos niyang manaig sa huling Reward Challenge—isang mahabang obstacle course.
Si Amanda naman ang nanalo sa huling Immunity Challenge kaya naligtas siya sa Tribal Council. Bukod sa kanyang panalo ay nakausap din niya ang kanyang mga magulang na nasa U.S. Pinili niya si Mika na makasama sa special reward at makausap din ang mga mahal nito sa buhay.
Pagkatapos ng Immunity Challenge ay nakasama ng mga castaways pabalik ng kanilang camp ang tinaguriang "bad boy" ng Season 1 ng Survivor Philippines na si Marlon Carmen, na naging bisita nila hanggang kinabukasan. Isa-isang kinausap ni Marlon ang natitirang castaways upang "guluhin" ang kanilang isip at alamin ang diskarte nila.
Sa pagkakatanggal ni Shaun, siya ang ika-limang miyembro ng Jury na magdedesisyon kung sino ang tatanghaling Pinoy Sole Survivor. Makakasama niya rito ang mga unang natanggal sa merged tribe na Sonsorol, sina Marvin Kiefer, Tara Macias, Echo Caceres, at Suzuki Sadatsugu.






..
Malapit na, di pa nila nilaro ng husto.
Obvious na naging personal na sila sa isa't isa...
Nakasira yun reward na napalalunan ni Amanda bukod sa mga tanong ni Paolo na nagpalala lalo sa bind nila Amanda at Mika.
Di pa nila natatanggal si Justine at Charles na maari nilang makalaban sa palakasan.
But I like Mika to win kasi bukod sa may utak siya...
She gave her best sa mga challenges especially dun sa mahabang obstacle games... ilan bat yun kinain niya kahit alam niyang malabo na ang chance niya unlike sa iba na pinipili lang kung kailan nila lalaruin ang games
Wala talaga tayong magawa dyan...
It's a game and strategy.
Pero panoorin ko pa rin para malaman kung paano sila napaikot ng isang Jeff... hahaha!
Pag nagkataon natalo sa pautakan sila Justine at Mika ni Jeff...
By: Tonee Coraza
WHATEVER!!
... Read More
Ano ba yan?
Kung last year ay nagkaroon ng leakage sa Survivor Philippines Season 1 na si JC Tiuseco ang mananalo, this year ay malakas naman ang usap-usapan sa Internet na si Jef Gaitan naman ang tatanghaling winner sa Survivor Phils Palau.
Dahil nga sa nangyaring leakage last year ay super- pag-iingat na ang ginagawa ng GMA-7 na hindi magkaroon ng leakage ng winner sa Season 2 ng Survivor Phils.
Pero sadyang resourceful ang mga tao sa Internet at si Jef nga ang tinuturong winner ngayon.
Sabagay, malaki ang posibilidad na si Jef ang tanghaling winner dahil low profile lang siya lagi.
Hindi siya malakas pa-ra makakuha ng immunity necklace.
Hindi siya kino-consider na threat ng mga kasamahan niya kaya hindi siya bino-vote out.
Aba, maganda ngang strategy ito.
Diba live yung Finale ng SP2?
So paano nalaman na si Jef nga?
Ano yan analysis lang ba? or confirmed na si jeff, reliable ba yung source?
NAGTATANONG LANG PO.
it was leaked na.
dapt sealed muna kc ung lalagyan ng boto then they will just open nlng pag survivor reunion and finale just like US version.
hmmpp
SHINING INHERITANCE, lalong gumaganda at magbabago na ba ang suwail na tagapagmana ng isang mayang pamilya?
BUBBLE GANG, abangan ang 3 tv movies na ginawa for it's 14th Year Anniversary.
SATURDAY- EB, Pinoy Records, Bito's Showtime, Jessica Sojo, Imbestigador, Cool Center ang pagpapahayag ng damdamin ni Mr. Carinoso kay Eugene? Ano ang gagawin ni Shivaker?
SUNDAY- Bandaoke, Show Me The Manny
Stairway To Heaven, ang pag-amin ni Jenna ng nararamdaman nya kay Cholo. Ano ang gagawing hadlang nina Charlie at Eunice? Matutuloy ba ang kasal nina Jenna at Charlie?
ROSALINDA, patay na kaya talaga si Fedra? Sino ang pipiliin ni Rosalinda? Si Fernando Jose na asawa at mahal nya o ang pinagkakautangan ng loob nya na si Alex?
Sis,
Eat Bulaga, na magkakaroon ng Hall Of Fame award dahil sa pamamayagpag ng mahigit 30years.
Daisy Siete,
Kaya Kong Abutin Ang Langit,
Tinik Sa Dibdib,
Family Fued,
IKAW SANA, ang nalalpit na paglaya ni Eliza sa tulong ng isang abogadong di nababayaran ang dignidad at ang duda ng lola nila sa half-sister nyang si Sofia.
24 Oras,
DARNA, malalaman na ba ni Eduardo ang sikreto ni Narda? Anong gagawin ni Lucifera ngayong nalaman nya na na si Narda at Darna ay iisa? Bakit ayaw ipaalam ni Consuelo na anak ni Alicia si Narda? Magdududa na kaya sina Narda at Alicia sa plano ni Consuelo? Anong paghahasik ang gagawin ni Impy? Ang pagtanggap ni Valentina ng kanyang misyon na maghari ang mga taong ahas? Ang kanyang pagbabagong anyo bilang taong ahas. Ang plano ni Serpina. Ang pagpapalakas ni Lucifera para bumalik sa pagiging Babaeng Tuod. Ang pagbabalik ni Babaeng Lawin, makuha na kaya ni DARNA ang kapangyarihang bilis?