Zoren Legaspi lets gossip about his children slide off his back

Trisha Alvarez
Sunday, November 01, 2009 @ 01:56PM  |  71046 views

 

Zoren's children and Aga Muhlach's twins look alike. Ergo, they must be Aga's kids! The jump from speculation to conclusion, says a blasé Zoren, is "napakalayo. Hindi naman ganun yun na kunyari kamukha ni Manny Valera, anak siya ni Manny Valera. It doesn't follow. Kasi ako may mga kamukha  na mga bata but it doesn't mean na sa akin yun."

 

Photo By: Noel Orsal













Madiing itinanggi ni Zoren Legaspi ang balitang ibebenta nila ni Carmina Villaroel ang bahay nila matapos pasukin ito ng tubig baha noong bagyong Ondoy.

"Hindi, ayaw ibenta ni Carmina kasi suwerte yun, e," sabi ni Zoren tungkol sa bahay nila, na isa sa maraming binaha sa Pasig City.

"Sabi  ko sa kanya, 'Gusto mong lumipat?' 'Oo.' Sabi ko, 'Kung lilipat tayo, ibebenta mo ba ito o hindi?'  Sabi niya, ayaw niya.  Suwerte nga raw.  Magti-three years na kami doon," masayang pahayag ni Zoren sa set ng "Ukay-Ukay" episode nila ni Ruffa Gutierrez para sa Shake, Rattle & Roll ng Regal Films.

Sumasang-ayon naman siya kay Carmina?

"Well, ako parang ayoko.  Ayokong ibenta yung bahay. Hanggang ngayon doon pa rin kami nakatira."

TWINS FOUND FUN IN FLOOD. Naapektuhan ba ang kambal nilang sina Maverick at Cassandra sa nangyari sa lugar nila noong bagyo?

"Alam mo ang mga bata, natuwa, e. Kasi  naglalaro pa sila. 'Tsaka naka-ride sa mga mini-boat, e, na home-made kaya tuwang-tuwa sila."

Nabasa ba sa baha ang mga mamahaling bags ni Carmina, gaya ng Louis Vuitton?

"Ay, hindi naman, kasi hindi nga umabot sa... ni hindi nga umabot sa isang baytang ng hagdan namin, e. Hindi nga umabot sa electrical sockets, e.  Kahit sa  wall sockets, e. Tatlong floors yung bahay. Minor lang yung sa amin. Mababa lang ang tubig sa loob ng  bahay. Yung big deal lang yung labas. Waistline lang. Pero hindi yung nangyari kina Cristine [Reyes], kina Jean Garcia, no."

Speaking of kids,  parang buntot daw niya ang mga anak nila ni Carmina. Lagi raw kasama ni Zoren sina Cassandra at Maverick.

"Ngayon lang hindi, kasi shooting. Pero nagtri-train kasi sila ng tennis. Nagko-compete yung dalawang yun, e, sa mga tournament. Ako lang yung nagko-coach sa  kanila talaga."

Tennis player ba siya dati?

"Late bloomer ako but... pero ako yung nagko-compete dati."

May plano ba siyang dalhin sa Spain ang kambal para mag-training? Kilala ang España sa magagaling nilang tennis academies.

"Ah,  I think, puwede. Pero ang sa akin, I have my own theory of tennis, so yun ang tinuturo ko sa kambal."

1  2  Next »

Related Articles

107 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name