Tumulak patungong Singapore last Friday si Dingdong Dantes, kasama si Marian Rivera, para sa worldwide audition ng nagbabalik na artista search na StarStruck V Worldwide Invasion. Apat na bansa ang iikutan ng guwapong aktor.
Ang mga co-host ni Dingdong sa StarStruck ay sina Carla Abellana at Raymond Gutierrez, pero ang kasama niyang lumuwas ay si Marian dahil sa isa sa mga bansang pupuntahan nila ay ilulunsad ang CD ng Dyesebel, at sina Dong-Yan ang ni-request ng mga Pinoy fans doon.
"First leg is Singapore. Pagkatapos nito ay hahanapin namin ang mga magagaling na Pilipino sa Middle East, USA, at 'saka Japan.
"Basta, kinakailangan, pagdating nila dito ay magaling silang magsalita ng Pilipino. Hahanapin kung sino ang talagang may talento doon.
"Ang importante, pagdating nila dito ay meron silang ibubuga," ang sabi ni Dong sa interview sa kanya sa Startalk. "Naghahanap kami ng susunod na magtatayo ng bandera [ng Pilipinas], so baka kayo yun," ang deretso niyang pag-address sa mga tagasubaybay ng talent show na napapanood sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.
SEARCH FOR THE TOTAL ARTIST. After Singapore, nakatakdang mag-audition ang grupo sa Bahrain sa November 3 and 4, Abu Dhabi sa November 5, at Dubai, November 6. Sa Tokyo naman, November 7 and 8.
Tutungo rin ang popular artista search sa States—Los Angeles on November 5 and 6; San Francisco, November 7 and 8, at New Jersey, November 10 and 11.
Ano ang requirements na hinahanap this time ng StarStruck V?
"Well, kailangan, complete package sila, e. Hindi lang sa pagkanta, hindi lang sa pagsasayaw... Definitely, andun yung pag-arte...
"It's a total package, kasi we're looking for a star. And more than that, kinakailangan... Kahit nasa ibang bansa ka, yung pagka-Pilipino mo, dapat nandiyan palagi. Dapat, ipagmalaki!"
Kasabay ng kauna-unahang international auditions nitong artista search, sa Pilipinas naman ay kasalukuyang humahataw ang auditions sa iba't ibang regions.
Magkakaroon ng primer ang StarStruck V ngayong Linggo, November 8, sa iniwang time slot ng Power of 10 ni Janno Gibbs.
SUNSHINE WILL COME OUT AGAIN. Noong nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa autograph signing niya for his Yes! Life Stories bookazine ng Summit Media kamakailan, nahingan siya ng komento tungkol sa nangyayari ngayon kay Sunshine Dizon.
Halos magkasabay sila ni Sunshine sa kanilang career. Most notable sa movies nila noong late '90s ay ang Honey, My Love, So Sweet kunsaan nagbida ang tatlong love teams under Viva Films—sina Dingdong-Antoinette Taus, Sunshine-Polo Ravales, at Dino Guevarra-Kim delos Santos.
Sa ngayon, alam ng lahat na dumaraan si Sunshine sa matinding depression o burnout sa pag-aartista, kaya nais na muna nitong magpahinga. Di na nito ipinagpatuloy ang pagiging lead actress sa Tinik Sa Dibdib, isang panghapong teleserye ng GMA-7.






Please please lang don't change the original korean story of Stairway in the Pilipino version no matter how tragic.
SHINING INHERITANCE, makikita na ba ni Yna ang kanyang nawawalang kapatid? Mabubuo na ba silang mag-aama? Magbabago na ba ang suwail na tagapagmana ng isang mayamang pamilya?
Mon- Ripley’s Believe It OR not
Tue- OC to The Max
Wednesday- Wow Hayop
Thursday- SRO
ROSALINDA, patay na kaya talaga si Fedra? Ang pagpwersa ni Fernando Jose kay Rosalinda na umuwi na. Makikilala na nga ba ni Fernando Jose ang kanyang tunay na ina? Ano ang mga mangyayari sa nalalapit na pagtatapos?
Eat Bulaga, na magkakaroon ng Hall Of Fame award dahil sa pamamayagpag ng mahigit 30years.
Daisy Siete,
Kaya Kong Abutin Ang Langit,
Tinik Sa Dibdib,
Family Fued,
IKAW SANA, sa paglaya ni Eliza maibabalik na ba nya ang dating pamilya? Anong mga plano nina Sofia laban sa kanya? Maniwala kaya kay Eliza ang papa at lola nya sa kanya?
24 Oras,
Anu ba yan parang wla lang.. tanung tanung ka nga sa paligid..
charicerocks
kanina ka pa compare ng compare kahit sino na lang. pati si marian ileveling mo ba naman kay kim chiu
nag aaral pa si KC, artista na sina anne at bea. even then oks lang ikumpara mo sila kay kc at least may ibubuga. pero wait ka lang, KC is getting better and better each day and this is only her first teleserye. magugulat ka na lang
wag mo lang syang ikumpara kay tuod rhian ramos dahil talagang di na ako maniniwala sa yo kahit pa know it all ka pa
so kung open minded ka talaga at hindi ka nega, visit ka sa Youtube sa account ni loversinparis09, panoorin mo yung episode today and watch KC do dramatic scenes na napakanatural ng dating...tapos leave ka na rin mssg don and say wala syang akting talent hahahaha
Fly high Dong! break a leg!