Ikinalungkot ni Marian Rivera na hindi na matutuloy ang pagbibidahan niyang pelikula na Nieves, na entry sana ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre. Pansamantalang naisantabi ang pelikula dahil sa reported health problems ng direktor nito na si Mike Tuviera.
Ayon kay Marian, nalungkot siya talaga dahil ngayon lang siya mawawalan ng entry sa taunang film festival.
"Hindi ko naman masisisi yung mga taong involved," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Wala naman may gustong hindi matuloy ang Nieves. Siyempre, aminado rin naman ako na nalungkot ako kasi for the first time, wala akong magiging entry sa festival. Siyempre, simula nag-Enteng Kabisote ako, tapos dire-deretso na... tapos Desperadas.
"Actually, inayos na namin lahat, e. Sinet-up na namin yung schedule para sa Nieves. Excited na kami kasi talagang nagbe-brainstorm na kami. Alam mo yung sobrang natuwa ako na magkakasama kami nina Carla [Abellana]. Tapos meron pang special guest doon na talagang wow, nanay ko doon, na talagang umoo at pinagbigyan ako para makasama ako."
Hindi na ba siya puwedeng ipasok sa ibang entries ng Regal na Mano Po 6 at Shake, Rattle & Roll 11?
"Ay, kumpleto na sila, e. Sayang nga, e. Ang akala ko nga itutuloy pa yung Nieves, pero iba ang direktor. Pero hindi yata pumayag si Direk [Mike Tuviera] kasi pinaghirapan niya talaga yun, e, silang dalawa ng asawa niya. Kaya naiintindihan ko at nirerespeto ko na, sige po, next time na lang. Pero sana po ituloy kahit hindi pang-filmfest," pag-asam ni Marian.
RESPECT FOR DIREK MIKE. Ani Marian, hindi na kasi kakayanin ni Direk Mike na gawin sa ngayon ang movie dahil sa health problems nito. Pero ayaw namang sabihin ni Marian ang nalalaman niya, bilang respeto na lang daw kay Direk.
"Ayoko namang sa akin manggaling na, 'Ay, may ganito si Direk kaya hindi natuloy ang Nieves.' Siyempre, nirerespeto ko kung anuman yung pinagdadaanan niya ngayon. Magka-text kami, nagtatawagan kami kung ano ang nangyayari sa kanya.
"Ako, tahimik na lang ako. Kung gusto nilang magsalita tungkol sa sinasabing karamdaman niya, sila na lang po yun. Mas dapat na sila ang magpaliwanag doon. Pero talagang nakakalungkot, di ba? Siguro kailangan niyang mas mag-rest talaga, e," saad ni Marian.
MOVIE WITH DINGDONG OR RICHARD. How about a movie with her rumored boyfriend Dingdong Dantes, kailan kaya?
"Hindi ko pa alam. Hindi pa namin napag-uusapan ni Popoy [Caritativo, manager ni Marian]. Ngayon kasi, ang dami ko talagang ginagawa, tapos may iba pang sumisingit. So, baka mapag-usapan din namin 'yan. Siguro kung gagawa kami ni Dong ng movie, siguro hindi pa talaga sa ngayon. Baka next year."
Sa Valentine's next year, may plano na ba ang Regal o GMA Films for her, lalo na't naging big hit ang Valentine movie nila ni Richard Gutierrez na My Best Friend's Girlfriend?
"Naririnig ko 'yan, may mga tsismis na ganyan. Pero hangga't hindi sinasabi sa akin at hindi inilalatag sa akin yung project kung kailan at kung sino ang kasama, sino ang ganito, mahirap magsalita, e. Siyempre, kung totoo 'yan, go ako riyan, trabaho 'yan, e."
Sinasabi rin na kung matutuloy ang Valentine movie na ito ay makakatapat nito ang Star Cinema movie nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa February 2010. Ano ang reaksiyon ni Marian dito?
"Oo nga, may nagsasabi nga ng ganyan. Pero hindi ko pa talaga masasagot 'yan kasi wala pa akong alam. Pag may alam na ako, magsasalita ako. Kaso, wala pa talaga. Pero naririnig ko lang," aniya.
MERRIEST CHRISTMAS. Dahil wala siyang entry sa filmfest, gayundin si Dingdong, ano ang plano nilang dalawa sa Christmas? Saan sila magbabakasyon?
"Pasko? Hindi pa namin napag-uusapan, e. Basta malalaman n'yo rin 'yan."






kung hindi ka naiingit bakit? panay ang effort mo ng kacocomment ng nega about marian bakit? kung sino man ang idol mo wala ba syang flop na movie aminin mo yan sa dating pa lang ng mga comments mo talagang namamatay ka na sa inggit ingatan mo ang puso mo naka stapler lang yan baka mahulog BWAHAHAHAHA!!!!!!!!
walang lugi ang mga producers kapag kasama sa mmff... isipin nyo nga ANG LAKI ng kinikita ng mga pelikula kapag ganyan... and to think na pangbata ang format ng nieves... at marian rivera and carla abellana pa... san ka pa?
khit sang anggulo, MAGANDA!
Sana ipasok din sa DARNA sina Bianca King at yong dalawang anak ni Robin Padilla kasi magaling sila sa action...yon mahabang fightingScene, super Galing kasi ni MARIAN dapat kasing galing nya sa action ang magiging kalaban nya para masaya!
ung mga kapamilyucks..
mamatay kayo sa inggit..
darna number 1
live in leicester city, england uk...
november 15........ ticket start from Ģ25....
daming panoorin nito.. ang saya... ang cant talaga.. as in promise.....
with billy Crowford...
dis comong november 8,... sa covent garden, london wczb 5jf.. show star 5:30pm...
cant w8 to see them again..... im so excited....
hayaan na natin sila maniwala.... ganyan naman sila... always decieve there self... yan pag bigyan natin...
basta si mother lily she already know... kaya na toto na....
hahaha..bakit kami mamamtay sa inggit sa idol mong flopsina??Wahahaha...reyna sya ng mga flop movies..top 2 ung movie nya sa all time flop movies ng philippine cinema not included the mmff and indie films..top 1 ang nandito ako ng alkris
Wala nang makapagtigil pa sa galing ni DARNA-MARIAN hanip sa action at ang ganda nang story!!!