Ikinalungkot ni Marian Rivera na hindi na matutuloy ang pagbibidahan niyang pelikula na Nieves, na entry sana ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre. Pansamantalang naisantabi ang pelikula dahil sa reported health problems ng direktor nito na si Mike Tuviera.
Ayon kay Marian, nalungkot siya talaga dahil ngayon lang siya mawawalan ng entry sa taunang film festival.
"Hindi ko naman masisisi yung mga taong involved," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Wala naman may gustong hindi matuloy ang Nieves. Siyempre, aminado rin naman ako na nalungkot ako kasi for the first time, wala akong magiging entry sa festival. Siyempre, simula nag-Enteng Kabisote ako, tapos dire-deretso na... tapos Desperadas.
"Actually, inayos na namin lahat, e. Sinet-up na namin yung schedule para sa Nieves. Excited na kami kasi talagang nagbe-brainstorm na kami. Alam mo yung sobrang natuwa ako na magkakasama kami nina Carla [Abellana]. Tapos meron pang special guest doon na talagang wow, nanay ko doon, na talagang umoo at pinagbigyan ako para makasama ako."
Hindi na ba siya puwedeng ipasok sa ibang entries ng Regal na Mano Po 6 at Shake, Rattle & Roll 11?
"Ay, kumpleto na sila, e. Sayang nga, e. Ang akala ko nga itutuloy pa yung Nieves, pero iba ang direktor. Pero hindi yata pumayag si Direk [Mike Tuviera] kasi pinaghirapan niya talaga yun, e, silang dalawa ng asawa niya. Kaya naiintindihan ko at nirerespeto ko na, sige po, next time na lang. Pero sana po ituloy kahit hindi pang-filmfest," pag-asam ni Marian.
RESPECT FOR DIREK MIKE. Ani Marian, hindi na kasi kakayanin ni Direk Mike na gawin sa ngayon ang movie dahil sa health problems nito. Pero ayaw namang sabihin ni Marian ang nalalaman niya, bilang respeto na lang daw kay Direk.
"Ayoko namang sa akin manggaling na, 'Ay, may ganito si Direk kaya hindi natuloy ang Nieves.' Siyempre, nirerespeto ko kung anuman yung pinagdadaanan niya ngayon. Magka-text kami, nagtatawagan kami kung ano ang nangyayari sa kanya.
"Ako, tahimik na lang ako. Kung gusto nilang magsalita tungkol sa sinasabing karamdaman niya, sila na lang po yun. Mas dapat na sila ang magpaliwanag doon. Pero talagang nakakalungkot, di ba? Siguro kailangan niyang mas mag-rest talaga, e," saad ni Marian.
MOVIE WITH DINGDONG OR RICHARD. How about a movie with her rumored boyfriend Dingdong Dantes, kailan kaya?
"Hindi ko pa alam. Hindi pa namin napag-uusapan ni Popoy [Caritativo, manager ni Marian]. Ngayon kasi, ang dami ko talagang ginagawa, tapos may iba pang sumisingit. So, baka mapag-usapan din namin 'yan. Siguro kung gagawa kami ni Dong ng movie, siguro hindi pa talaga sa ngayon. Baka next year."
Sa Valentine's next year, may plano na ba ang Regal o GMA Films for her, lalo na't naging big hit ang Valentine movie nila ni Richard Gutierrez na My Best Friend's Girlfriend?
"Naririnig ko 'yan, may mga tsismis na ganyan. Pero hangga't hindi sinasabi sa akin at hindi inilalatag sa akin yung project kung kailan at kung sino ang kasama, sino ang ganito, mahirap magsalita, e. Siyempre, kung totoo 'yan, go ako riyan, trabaho 'yan, e."
Sinasabi rin na kung matutuloy ang Valentine movie na ito ay makakatapat nito ang Star Cinema movie nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa February 2010. Ano ang reaksiyon ni Marian dito?
"Oo nga, may nagsasabi nga ng ganyan. Pero hindi ko pa talaga masasagot 'yan kasi wala pa akong alam. Pag may alam na ako, magsasalita ako. Kaso, wala pa talaga. Pero naririnig ko lang," aniya.
MERRIEST CHRISTMAS. Dahil wala siyang entry sa filmfest, gayundin si Dingdong, ano ang plano nilang dalawa sa Christmas? Saan sila magbabakasyon?
"Pasko? Hindi pa namin napag-uusapan, e. Basta malalaman n'yo rin 'yan."






if you say tthat marian is not sikat.. for sure, ur in the province or rural area..
go dongyan..
maganda ang nieves at nadala ni marian yung role nung SRRX, kulang lang talaga sa promo ang movies ng regal at gma, kasi yung tarot isang beses sa isang araw ko lang nakikita ang trailer nun...
wala tayong magagawa, sana ituloy ang nieves kahit hindi na pang film fest... sayang, excited pa naman ako sa movie na to..haay..
T_T
.
nagbeg off ang director dahil may sakit, now naman ang director pala me gagawing tv special.so which is which??
.
hindi natuloy ang nieves because may sakit ang director?
.
or natuto na si mother lily ng right investment?
.
comparison lang ag star cinema produced film 140 - 160 ang bayad sa sinehan.
pag ibnag film outfit na, its 110..wag niyo ako awayin but its a fact.
.
wag din sabihin ni manilaphils na hind well-promoted ang movies ng gma-regal, like tarot, laing pinapakita ang trailer sa abs..
.
maling project lag siguro napupunta kay aran, next time yung manager niya, since big star si marian wag tanggap ng tanggap, sana pumili naman ng magandang script, kase mula nung nagkapangalan si marian, wala pa akong nababalitaang project na di niya tinanggap, lahat go sila ng manager niya..
Ang tingin ko dito ay hindi si Marian ang dapat sisihin bakit flop mga movies nya. I think ung movie outfit gaya ng GMA at Regal Films na pangit ang story ng movie na binibigay sa talents nila. Ang Filipino di lang sa Metro Manila pati sa buong Pilipinas ay marunong na din sa pagpili ng movie. Isipin mo na lang P110 pag di kumita o P130 pag box-office ang ibabayad mo sa sinehan. Sa hirap ng buhay ngayon dapat pipiliin mo ung maganda talaga.
actually i dont labeled myself as kapuso or kapamilya.. very vocal lang akong mas marami akong gusto na GMA stars like marian nanonod din nga ako ng ibang shows sa ABS eh..
kaya lang one thing that disappoints me is the ABS FANATICS.. they are so PALAAWAY..i mean wala namang ginagawang masama si marian sa kanila the fact lang na si MARIAN ang isang REASON kung bakit nangunguna pa rin ang GMA.. hindi ko talaga gusto yung mga comments nila.. kaya minsan nagre-react na rin ako kasi hindi justified ang mga comments nila eh..