Kris Aquino says Noynoy's MTV is celebrities' labor of love


 
"I think yun ang maganda rito kasi everybody who joined us, joined out of a personal conviction talaga," says Kris Aquino about the celebrities who appeared on her brother Noynoy's MTV.

Kris Aquino says Noynoy's MTV is celebrities' labor of love

Glen P. Sibonga

Rating

"Imagine n'yo na lang, commission Ogie to write a song and i-picture n'yo si Regine... how much she gets paid for her DOT [Department of Tourism] campaign, kung magkano yun? Tapos mapagsama mo... Di ba, kasi pag pinagsama mo ang premium stars from ABS and GMA... Sabihin mo na lang a commercial na pinagsama mo si Anne at si Bea with Marian, siyempre both camps will charge double kasi nagsama-sama sila. Not for anything, but I guess everybody knows na ang highest paid sa commercial, kami ni Sharon. So, just think kung magkano yun. And that was all given talaga."

 

Ayon kay Kris, silang dalawa ni Boy ang nagsilbi ring talent coordinator na nag-schedule ng shoot ng mga artista.

 

AI AI'S PERSONAL CONVICTION. Alam naman ng lahat na may Star Cinema movie si Ai-Ai with former President Joseph "Erap" Estrada, ang Ang Tanging Pamilya. Dahil nga rito, ine-expect tuloy ng mga tao na si Erap ang susuportahan ng Comedy Queen, lalo na't kakandidato rin for president si Erap at makakalaban ni Noynoy sa 2010 elections. Pero sa halip ay pumayag pa si Ai-Ai to appear sa MTV ni Noynoy.

 

Napag-usapan ba nila ni Ai-Ai 'yon?

 

"Kasi I asked her, si Boy kinomit siya and she committed herself. And then I said, 'Friendship, lalabas ito hindi pa nagso-showing ang movie mo. Sigurado kang okay?' And then she told me, 'Friendship naman, hindi pa kita kilala, hindi ko pa kilala si Ama [Boy Abunda], Coryista na ako. Nasiraan na ako ng sapatos para sa nanay mo.' Sabi niya, 'Naglakad ako nang nakaapak para lang mag-rally. Ngayong may opportunity ako na makatulong at para sa nanay mo ito. Siyempre, magkakamag-anak na tayo dahil sinabi ng mga kapatid mo na adopted Cojuangco-Aquino daw ako.'

 

"So, yun. Sinabi ko nga sa kanya, 'Gusto mo doon ka sa second batch? Kasi si Toni Gonzaga also told me... She said yes to us, but sabi niya, 'Ate Kris, yung movie namin. Sinabi lang ni Papa na nakakahiya, kasi siya [Erap] yung daddy ko sa movie.' Sabi ko, 'Oo naman, naiintindihan ko. Dun na sa next batch.' And then I told Ai-Ai that, 'Friendship, si Toni nag-request  na second batch.' Sabi niya, 'Ay, hindi, go na tayo, Friendship, 'no! Go!' It was really her personal conviction. I think yun ang maganda rito kasi everybody who joined us, joined out of a personal conviction talaga.

 

"In fact, Ogie wrote that song hindi pa nagde-declare si Noy. He wrote that song and he texted me to say, 'I prayed and dreamt about it. So, when I woke up, it took me two hours. Nasulat ko kaagad.' Tapos sinabi niya sa akin, 'Regalo ko sa inyo. Whatever Noy will decide, basta it's yours. And then, maloloka ka, kasi, di ba, normally rough mix lang 'yan? Yung ibinigay niyang rough mix, si Regine na yung nagbe-belt [out] na ganun! So, ang bongga talaga na mararamdaman mo yung level of commitment nila!" masayang lahad ni Kris.

 

ISSUE ABOUT ERAP. Isa kaya ito sa dahilan kung bakit hindi pumunta si Erap sa The Buzz noong naka-schedule itong maging guest para sa birthday ni Boy last October 25?

 

"Hindi ko alam talaga," sabi ni Kris. "Yun nga yung iniisyu n'yong hindi siya dumating sa The Buzz. That day, nagpadala na naman ng  fruits sa amin. So, feeling ko, it's not me and it's not Boy."

 

So, it's the network?

 

"No, I don't think it's the network also. Ewan ko," sabi ni Kris.

 

Ipinagtataka rin kasi ng mga press na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapatawag ng presscon ang Star Cinema for Ai-Ai and Erap's movie na Ang Tanging Pamilya, kung saan kasama rin sina Toni Gonzaga, Sam Milby, at may special participation pa ang nanay ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia. Lalo na at malapit na ang showing nito sa November 11. Naging espekulasyon tuloy na baka ayaw tumuntong ni Erap sa ABS-CBN dahil sinasabing Noynoy zone daw ito.

 

Paliwanag naman ni Kris, hindi raw siya ang tamang tao para sumagot diyan. Naniniwala siya na okay pa rin sila ni Erap, kung hindi raw ay bakit pa siya madalas magpadala ng prutas sa kanila.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
212 Comments
page    1    2    3    4    5   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement