Glaiza de Castro describes her role in Stairway To Heaven as "exasperating"

Rose Garcia
Wednesday, November 04, 2009 @ 07:51PM  |  15472 views

 

"Ayoko rin namang ma-typecast as kontrabida. Siguro, puwede namang kontrabida, pero hindi kasing-grabe like Eunice. Si Eunice kasi, napakatindi talaga. Hindi siya bad, evil siya!" says Glaiza de Castro.

Photo By: Noel Orsal













Very effective si Glaiza de Castro sa kontrabida role niya bilang Eunice sa Stairway To Heaven. Hindi man niya pinanood nang buo ang original Korean version nito, pero marami ang nagsasabing kuhang-kuha raw ni Glaiza ang pagganap ng Korean actress na unang gumanap bilang Eunice, pati ang expression ng mga mata nito.

Natuwa naman si Glaiza sa mga natatanggap na feedback sa kanyang pag-arte. Ayon sa kanya, hindi raw talaga madaling gampanan ang character na ginagawa niya ngayon sa Stairway To Heaven, na napapanood gabi-gabi sa Telebabad block ng GMA-7.

"Actually, nag-e-enjoy naman ako sa role ko. Kasi, marami rin namang tao ang natutuwa. Kung wala rin namang kontrabida sa isang teleserye, wala rin conflict. Natutuwa ako kasi nagagamit ko ang talent ko sa story. Pero exasperating talaga. Kasi yung mga scenes ko, halos lahat, intense talaga. Unang sigaw pa lang ng action, intense na agad. Dapat mataas na agad ang energy mo. E, ilang hold din yun," sabi ni Glaiza nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kuwento pa ni Glaiza, may isang eksena raw sila na pinaulit sa kanila from the top na halos mawalan siya ng hininga.

"May time kasi sa scene, kami nina Rhian [Ramos] at Karen [delos Reyes], ang taas na agad ng energy, e, medyo nagba-buckle kami. Kaya sabi ni Direk Andoy [Ranay], 'Sige, nagba-buckle kayo ha, ulitin n'yo from the top!' E, unang scene, mataas agad. Second, nagkamali, so parang nagha-hyperventilate na ako!" natatawa niyang lahad.

May pagkakataon din daw na sa sobrang taas ng emotion niya, may mga scene na dapat hindi niya gawin na nagagawa niya.

"Minsan nasampal ko si Dingdong [Dantes] kahit hindi naman ganun. Nasusugod ko si Rhian. Parang yun na yung instinct ni Eunice. After the scene, naiiyak ako. Parang hindi ko ma-let go ang emotion. Minsan nga, parang nai-imbibe ko na ang character ko kapag nagagalit ako. Kapag nababasa ko linya ko, parang ganito yata nasasabi ko sa totoong buhay. Kaya sabi ko, ito yata ang epekto ni Eunice!"

Hindi ba siya natatakot na sa sobrang sama ng character na ginagampanan niya sa Stairway To Heaven ay may mga nagagalit na sa kanya?

"Hindi naman," sagot ni Glaiza. "Parang kapag nakikita nila 'ko, sinasabi nila, 'Nakakainis ka. Naiinis kami sa 'yo.' Pero nakangiti naman sila. Siguro naiinis sila sa character ko, pero hindi naman sa akin. Wala pa naman akong nae-experience na personal na naglalakad ako, like sa mall, tapos sinugod ako!"

Magkasunod na kontrabida roles ang ginawa niya—from Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin to Stairway To Heaven. Sa next project ba niya ay type niyang kontrabida ulit ang role niya o gusto naman niyang makabalik sa api-apihan role?

"Well, kung ano ang ibigay sa akin, okey lang naman. So far, nag-e-enjoy ako. Pero siyempre, ayoko rin namang ma-typecast as kontrabida. Siguro, puwede namang kontrabida, pero hindi kasing-grabe like Eunice. Si Eunice kasi, napakatindi talaga. Hindi siya bad, evil siya!" natatawa niyang sabi.

WORKING RELATIONSHIP. Maganda raw ang working relationship nila sa ibang cast ng Stairway To Heaven, even with Rhian and Dingdong na ngayon lang niya nakasama sa isang show.

"Okay lahat. Actually si Rhian, noong mag-Iloilo kami, nag-party kami. I had time to bond with her. Sobrang cool niya pala. Sayang nga kasi yesterday, nag-i-invite siya na mag-hang out. Kaso, wala akong driver, e, sa The Fort. Puro sila taga-South, ako lang ang taga-North. Kaya sabi ko, next time na lang.

"Si Dingdong naman, hindi ko ine-expect na makulit, mahilig magpatawa. Kapag off-camera kami, hindi kami drama, comedy kaming lahat. At saka si Dong, hindi ko alam kung bakit, pero noong una, parang nahihiya ako sa kanya. Siyempre, Dingdong Dantes na, pero hindi mo makikita sa kanya na world's sexiest, na Dingdong na siya. Sobrang down-to-earth at hindi mayabang," papuri ni Glaiza sa kanyang co-stars.

Malaking bagay rin daw kay Glaiza ang isa pa niyang co-star na si Jean Garcia, na gumaganap naman bilang nanay niya sa Stairway To Heaven.

1  2  3  Next »

Related Articles

55 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name