"Nagkasama na kami sa Gagambino before, pero hindi naman kami madalas magkaeksena, unlike now sa STH. Ang masasabi ko lang, I learned a lot from her. Kumbaga sa mga eksena namin, kailangan pantayan mo ang intensity niya, or else, maiiwan kang talaga."
Masaya rin daw si Glaiza na consistent na mataas ang nakukuhang rating ng Stairway To Heaven sa Mega Manila (according to AGB Nielsen Phils.).
"Actually, bago mag-start yung Stairway, hindi namin ine-expect kasi may mga nagagalit kay Rhian. May ayaw sa team-up nila ni Dingdong. Sa akin din... So, thank you, Lord, at naging maganda naman. Sad nga lang kasi one season lang. Kasi kontrata talaga, ganun lang," saad niya.
YOUNG SHAWIE. Sa pelikula naman ay kasama siya sa Mano Po 6 bilang young Sharon Cuneta.
"Nakapag-shooting na ako as young Sharon. Medyo flashback kami ni JC de Vera sa movie. Hindi kami magkakaeksena ni Ms. Sharon, pero I met her once sa shooting. Nakakatuwa lang noong ma-meet ko siya, she's very warm. Natuwa naman siya na ako yung young Sharon. Natuwa siya dahil maganda raw ako! Buti na lang daw, ako yung young Sharon," kuwento ni Glaiza.
MATTERS OF THE HEART. Kinumusta rin namin kay Glaiza ang kanyang puso...
"Puso pa rin. Tumitibok-tibok pa rin. Kung hindi, patay na 'ko!" biro niya.
In love na ba siya ngayon?
"Hindi in love. Kapag in love, masyadong big word sa akin. Siguro inspired lang sa mga blessing. I'm happy. Kahit may mga taong nampipikon, hindi ko na lang yun iniintindi," sabi ni Glaiza.
Ano na ang status nila ni Patrick Garcia, bakit may mga nagsasabing sila na naman daw?
"Siyempre, di ba, ang tao, madaling humusga na sila, na kahit hindi. Like last year, ligaw pa lang, kami na raw. Parang ang daling mag-judge at pangunahan ang mga bagay."
Madalas daw silang nakikitang lumalabas o nagdi-date?
"Hindi na kami nakakalabas. Kami ni Maxene [Magalona], before pa yun, during Kung Aagawin Mo days. Actually, kaming lahat yun. Hindi group date, kasama rin si Rich [Asuncion], may mga kasama rin kaming staff," paglilinaw niya.
So, ano na ang status nila?
"Friends," maikling sagot ni Glaiza.






Yung original na bida sa Stairway maganda at simple pero galing magkontrabida kahit hindi nag-o-OA.
yung isa dun,, rhian ata ang pangalan no comment,,
super hate kita as eunice! kakagigil ka.
Sana bigyan ng ibang role. Sana bida naman next time. She's got the potential to be a big star. Pang drama si Glaiza...good job!
ching75
November 4, 2009
20:06 PM Geez, dati gusto kitang sampalin as Gladys sa Kng Aagawin... ngayon, gusto na kitang ilibing ng buhay as Eunice...Grabe, you're superb girl. Galing mo!
________________________
gusto ko naman siya dun sa ASIAN TREASURE na mejo action.
magaling pa kumanta.
saludo ako sa girl na'to!
++++
kahit hindi ko like si Rhian mas ok naman ang acting nya kay KC.